Saturday, December 13, 2008

Init ulo

“Don’t let your emotions rule you, instead RULE YOUR EMOTIONS!” - yan dapat ang isaisip ng mga tao sa panahong inaatake sila ng ‘init-ulo syndrome’..

3 times ng muntik malagay sa panganib ang buhay ko kahapon dahil sa mga jeepney drivers na maiinit ang ulo.

Pagtapos ng training ko, nagpunta ako ng p’que para mag home visit. Pag sakay ko plang ng jeep may tension na agad sa paligid. Si Manong driver inaaway yung isang pasahero nyang babae. Pinipilit ni manong paupuin ng maayos yung babae dahil daw nagmumukhang puno yung jeep kaya walang gustong sumakay. Imbes umayos ng upo, lalo pang inasar ng babae si Manong driver dahil tinaas pa nya yung isang paa na parang nasa bahay lang. Sa galit ni Manong, pinatakbo nya ng mabilis yung jeep na parang nasa expressway. Alam nyo naman siguro itsura ng highway pag rush hour dba?.. pero kay Manong, wala lang sknya yun. Basta galit sya at naiirita sya sa babae. Hello manong?? Pasahero mo din kaya ako! Nakalimutan nya atang may iba pa syang pasahero!.. Pasaway! RULES: Bawal magreact! Bawal huminga! Bawal sumigaw! Magdasal?! Uhmm.. pwede pa!.. yan lang ang tangi magagawa mo sa panahong mainit ulo ni Manong driver.

Fortunately, nakaligtas nman ako at walang banggaang ngyari.

From alabang to SM southmall, natapat na naman ako sa jeep na may mainit na ulong driver. Si kuya driver na walang ginawa kundi bumusina at sumingit sa lahat ng sasakyan. Kulang na lang ay sagasaan nya lahat ng tumatawid. Ikaw na hari ng daan. Sige lipad Kuya, lipad! RULES: Bawal tumawid! Bawal sumingit! Bawal ang paharang-harang! at Bawal ang pumara kung ayaw mo tumilapon palabas.. Nagmamadali si kuya may date pa ata sya at di pa sya nakakabili ng flowers.

Wala pang SM southmall bumaba nko. Mahirap ng mapag-initan lalo na’t 5 na lang kaming naiwan sa jeep.

Huling byahe ko na, maayos naman ang lahat ng biglang inaatake ng ‘init-ulo syndrome’ si Mamang driver. Pasaway naman kasi yung kotse, bigla biglang humihinto ng walang signal. Tsk tsk. Umusok tuloy ulo ni Mamang driver. Gusto nyang banggain yung kotse pro alam nyang wala syang pambayad. Kaya nagsisi-sigaw na lang sya ng “Put@#$ina! Tara*&%do ka ba? Umandar ka G*G*!!...” Hala na! Nagpapaulan ng malulutong na mura si Mamang driver. Kasing lutong ng mga tig-20 pesos na perang binibigay tuwing pasko. Ayan high blood na si Mamang driver. Kaya naman kapit na’t magdri2fting na siya!.. RULES: Bawal ang tutulog-tulog! Bawal ang dedma at walang pakialam! Bawal lumipat ng pwesto! Bawal ang walang hawak!... kung gusto mong mabuhay, kumapit ka lang and enjoy the ride!..

Infairness, ang aga kong nakauwi. 20mins. lang ang byahe ko from alabang hanggang sa amin na normally ay 1hr. kong tinatahak araw-araw. Mabilis ang byahe. Mabilis din akong mamamatay kung laging ganyan sila.

Kung mainit ulo mo, wag ka na lang humawak ng manibela. Mas madaling palitan ang nawalang kita kaysa sa nawalang buhay!..



Get this widget | Track details | eSnips Social DNA

Thursday, November 13, 2008

Im torn..

Its not what you think na 'torn between two lovers' tulag ng title ng isang kanta at mas lalong hindi ito yung "TORN" na may pagkamanyak dahil sa 'lying naked on the floor' na lyrics nya.. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay.. Its more about sa work. [oo! work na naman!]

I really wanna start working as soon as possible.. kaya kahit anong type ng work inapplayan ko na..

Kung dati na walang dumadating na opportunity for me to work as a nurse, ngyon nman dumadagsa ang offer. But the prob. is that, mostly ng inapplyan ko ay hindi related sa pagiging Nars.

I just cant picture myself doing other stuffs aside from being in a hospital, taking care of the patient, and doing some charting. Although nasabi ko before na gusto ko din magwork sa office. But i guess, not as a call center agent or a medical transcriptionist.

Pero bakit kung ano pa yung ayaw mo, parang dun ka pa tinutulak ng kapalaran.

Thankful ako kasi nakaabot ako sa point na di ko ineexpect na mararating ko. Hindi ako magaling sa english pero i managed to pass their exams and interviews. At ngayon nga, nakasked na ako for training. [the funny thing about it, ako lang ata ang pumasa na umiiyak dahil nalungkot sa result]

Here's the dilemma..

Hindi ko alam kung saang training ba ang sisiputin ko [callcenter or Med. Trans] o sisipot pa ba ako??

Sa totoo lang, kung papipiliin ako, mas gusto ko pa din yung naudlot kong work as CCS specialist [wag u na tnungin kung ano yun]. Kaya lang di ko alam kung kelan magiging available yung position na yun. Kaya nga, i feel so torn... Kumbaga sa pagkain: hindi ko alam kung isusubo ko na ba ang pagkain na nakahain na pero alam kong hindi ko magugustuhan ang lasa o hihintayin ko na lang maluto ung pagkain na walang katiyakan kung kelan matatapos pero sigurado naman na mabubusog at masasarapan ako.

haaaayz.. Problema na nman ang laman ng blog ko.



Quote galing sa isang concerned citizen:

"Sometimes, you have to let
your heart lead you...
even if its leading you to a place you never
planned to be in"

Thursday, November 06, 2008

Isang araw lang..

Tulad ng nasabi ko sa previous entry na ipagrerelieve muna ako while 'waiting' dun sa naudlot kong trabaho, I was called to relieve sa Sucat, Parañaque as Company Nurse for 7pm-7am shift. Thank God dahil isang sakay lang sya at hindi mahirap hanapin ang place.

First timer ako sa ganitong field. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na Hospital base kami sinanay during our duty days. So medyo wala akong idea sa ginagawa ng isang Company nurse.

Excited na kinakabahan. Yan ang pakiramdam ko ng pumasok ako sa clinic around 6:30pm. Kailangan maaga kasi mageendorse pa yung kapalitan kong nurse. Well, shes very kind to the point na she extended her time just to teach me and tell me things about what to expect from the patients. She even toured me sa area at pinakilala sa mga nakakasalubong naming tao. haha. artista? more more ngiti at kaway para magmukhang friendly. hehe.

8pm na. Alone. Figuring out kung ano gagawin para hindi masayang ang 12hrs. duty ko.

Alone. Familiarizing myself sa mga gamot na maeencounter ko.

Alone. Calming myself. Thinking that everything will be alright.

Still, alone. Talking to God. Asking Him to guide me dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Every minute bumubukas ang pinto at may pumapasok na pt.. Thank God, hindi ko na kailangan pang mag-isip kung ano ibibigay dahil sila na mismo nagrereseta para sa sarili nila. Its ok kung iniisip nyo na kailangan pa ng doctor's order for the drugs/medicines kasi lahat ng meds na meron dito ay mga OTC [over-the-counter]. Ayon sa nasagap kong balita, next year pa magkakaron ng physician dito sa clinic. Kaya pansamantala, kami ang nagdedecide kung kailangan pauwiin ang isang pt.

Speaking of pauwiin, may pt. na dumating at nagrereklamong masakit daw ang ngipin nya. HOLLY GUACAMOLE. [awtz!.. anong word yun?? hehe..] Anyway, i told the guy na itatanong ko muna sa nurse dahil isa lamang akong hamak na reliever and im not allowed to send pt. home [kunwari lng].. So, while waiting inadvise ko munang try nya mag-bawang.. walang bawang sa pantry [sabi nya].. Ok. nagdecide na syang maglog-out at magpaalam sa Supervisor nya. Aba! gumagawa ng sariling desisyon ang mokong. Well, matanda na sya kaya alam nya na ang ginagawa nya, sa tingin ko. Kaya nman tinawagan ko na ang 'nurse' and ask for her advise. Pumayag naman sya as long as magpapakita ito ng med. cert. pag balik nya sa duty.

Eto ang prob.! gumawa ako ng report form para mapirmahan ng supervisor nya at marecord dito na nagpauwi ako ng pt. d/t pahamak na toothache. Kailangan nyang ipasign sa supervisor nya at ibalik sa akin pagtapos. Ang mokong, umuwi na ata dahil hanggang ngayon [12mn na], hindi pa nya binabalik ang form! Pasaway! bahala sya.. hindi ko irerecord na pinauwi ko sya para kaltas sa sweldo nya yun. haha.. tinoxic nya kasi ako.

Anyway, im so greatful dahil may internet access itong pc dito kaya nman lakas ng loob kong makipagchat thru email dahil MSN ang nakainstall dito. At dahil dial-up ang gamit ko sa bahay, sinamantala ko ng dumalaw sa mga blogs nyo.

Its already 6:02am dito sa orasan ng pc. Konting oras nlng uuwi nko! matatapos na ang isang araw na duty/relieve ko as Company Nurse. Ilang minuto nlng may humahabol pa at gusto pang umuwi.. haaaayz.. mga pasaway tlga!

Salamat sa mga taong naka Online kahit madaling araw na, sa Fall Out Boy, Boys like Girls, at mga Emo bands na walang sawa/pagod sa pagkanta ng 'Emo rock songs' to keep me awake, at sa mga mababait na employees ng company dahil naging mabait sila sa akin. Salamat ng marami.

*over all nag-enjoy naman ako*


for the record:

2 patient -sent home

2 patient -advised for rest

46 patient -regular visit [ out of 46, 3 lang ang babae] at

2 pasaway - na hindi nagbalik ng form...


share ko lang mga pix.. pra mgkaron kau idea kung ano b itsura ng clinic.

1st day ko.. ganito pa itsura ng clinic
(obviously, nki2ta nio nmn kung ano gngwa ko sa comp. dba..)



dko expected, may 2nd day pla.. hehe...

at ganito na itsura ng clinic!
chedeng!... bigatin!.. may doctor na kc..



sorry for the late pix.. now ko lng kasi naupload..




Saturday, November 01, 2008

Back to square one


4am dapat gising na ako. By 6am dapat nasa byahe na ako. 8am dapat nandun na ako sa place na pupuntahan ko at nagaayos, getting ready for the workloads na ibibigay sa akin. Ganyan na dapat ang takbo ng buhay ko ngayon. Pero heto ako, naka upo na naman sa harap ng computer at gumagawa ng mga walang kwentang bagay.

When I was called for an orientation, excited ako! Although iba ang nature ng work pero masaya ako dahil yun talaga ang pinapangarap ko. Dressed in my corporate clothes, feel na feel ko ang magandang ambiance ng workplace. Hindi ito katulad ng ibang office na pagpasok mo pa lang matotoxic ka na. Amaze na amaze ako. Todo lundag ang puso ko sa tuwa. At ramdam na ramdam ko ang ngiti ko na abot hanggang tenga. Ang sarap sa pakiramdam.


Habang busy si Mam sa pagtuturo kung anong meron dito, doon, kung saan ako pupunta pag kailangan ko yun, yan, at kung saan ko hahanapin ang mga boss ng bawat department, ako naman – busyng busy mag observe sa mga ginagawa ng mga nagtratrabaho doon. Until finally, tinuro nya yung table and told me “yan ang place mo”.. Wow! Bongga! May sarili akong computer, table, at mga gamit – I have my own special place. Gosh! Am I dreaming ba?!..


We were doing well on the orientation. Pinakilala nya na ako sa mga ‘kapitbahay’ naming department. Pinagawan nya na ako ng sarili kong email na nakaaddresss sa company nila. At pinagawan nya na ako ng mga forms na may pangalan ko para next time, pirma ko na lang ang ilalagay. Dinalaw na rin ako ng Company Director to welcome me and check kung natuturuan ba ako ng maayos. Ok naman ang lahat. Until dumating yung HR director and talked to my supervisor about something na related sa akin. [Ok belle, tuloy mo lang ginagawa mo. Magpakabusy ka lang, tutal ‘first day’ mo]


After some time, kinausap na rin ako nung supervisor ko at sabi mag halfday muna ako dahil may aayusin lang daw sila. So I thought aayusin nila ang contract ko at mga forms na kailangan kong pirmahan bago ako ma-hire. She’ll just text na lang daw.


Ok. I smell something fishy. This is not good – yan ang nasabi ko sa sarili ko.


Pag-uwi ko, napaisip ako pero I chose to sleep first kasi medyo nabigla ata ang katawan ko at dina sanay gumising ng maaga. Nagising na lang ako dahil ramdam kong may tumatawag sa phone ko. It was my supervisor. She told me na nagkaroon ng ‘internal problem’ kaya wait ko na lang daw ang text nya kung kelan ulit ako magrereport for work. Syempre, OK lang nasabi ko. Windang pa ang lola.


I was so confused na hindi ko na talaga kinaya pang matulog nung gabing yun. The next morning I decided to text her about my concerns. Buti na lang mabait sya at tumawag talaga sya sa landline namin para maexplain nya ng maayos kung ano ba talaga ngyayari. She told me na late that afternoon lang sila nasabihan ng HR na freeze hiring sila. And the memo was from the President. Kaya gustuhin man nila magdagdag ng tao for that department hindi pwede dahil ang president ang may control ng lahat. Even the director, walang nagawa kundi sumunod. To think na sya ang nagpasok sa akin for that position. Sa ngayon, ipapasok muna daw ako as reliever while waiting kung kelan ulit sila mag-oopen for hiring. Sobrang sorry talaga sya ng sorry sa akin. Hindi daw nya alam na may ganong memo. Miski sya nainis dahil napahiya sya sa akin. Its ok, sabi ko sa kanya.


Haaaayz.. panira ng momentum!.. work na work na ako tapos na wala pa!


Sobrang nawalan ako ng gana that day. Buti na lang andyan si Kikay to cheer me up. Sya rin kasi kasama ko that day nung ipatawag ako for an interview at ng sabihin nila na “Congrats jobelle! See you tomorrow in the office at 8am”..


Kaya ngayon, back to square one! Apply ulit. But this time hindi na limited to hospitals ang aaplyan ko. Now na naexperience ko ‘kahit papano’ how it is working in an office, icoconsider ko na sya as one of my options. Although alanganin na ngayon mag-apply dahil malapit na matapos ang taon atleast nag try man lang ako.


Pasensya na kung makita niyo man akong malungkot, tulala at wala sa sarili. Hayaan niyo lang ako. Busy lang akong kausapin si Lord at tanungin kung ano pang steps ang gagawin ko para makahanap ng work.



“When God gives us a ‘NO’ for an answer,

keep in mind that there is a much greater ‘YES’ behind it!

God’s ‘NO’ is not a rejection,

but a REDIRECTION..”




Friday, October 24, 2008

Ang survey.. bow!

I was checking out my friendster account at dahil wala namang bago, ngcheck ako ng posts. madalang lang tlga ako mgcheck nun dahil puros survey lang nababasa ko doon.Tutal wala akong malagay na bagong entry sa blog ko kaya ngsagot na lang din ako ng survey. haha.. for a change lang. try ko kung ano ba meron sa mga survey na 'to at marami ang nahuhumaling sumagot. haha.

~*~*~*~*~*~*~

The longest survey you'll ever fill out! Do the world a favor: fill it out and post it for all your friends. Do this because the person who filled it out before you didn't sit here for ages for nothing. Answer all the questions honestly, no lying to avoid stuff.

Starting time:

♥ 4:49pm

Name:

♥ Belle

Sister/s:

♥ zeroness!

brother/s:

♥ one and only one

Shoe size:

♥ 8

What are you wearing right now?

♥ pink floral shorts and orthopedic shirt (naks! Detalyado)

Where do you live?

♥ City of Clean and green! Las Piñas City

Favorite Number:

♥ 05 (obvious ba?? kya nga belle05 e)

Favorite Drinks:

♥ lemonade

Favorite Month:

♥ March xempre (bday na, bakasyon pa)

Favorite Breakfast:

♥ pandesal with dairy crème or kutchinta

***********Have You Ever***********

Been on a plane:

♥ not yet.. hopefully soon..

Been in a bath tub:

♥ ndi pa din.. wla akong ksma sa tub.. (wanna join?)

.

Swam in the ocean:

♥ ng iinsulto ka?? ilog nga dko mlangoy, ocean p kaya.

Fallen asleep in school:

♥ oo xempre. Pro pag wala ng teacher. Mabait ako eh

Broken someone's heart:

♥ ahmm… well… I think… hmm.. next question pls.

Fell off your chair:

♥ YES! As in sa harap pa ng crush ko! Major T.O

Sat by the phone all night waiting for someone to call:

♥ kaya bumili ako ng wireless pra khit san ktabi ko ang fone. hehehe

Saved e-mails:

♥ hindi ako nagbubura ng emails. Tamad kasi ako.

***********What is************

Your room like:

♥ like bedroom. May kama at closet.. haha. tama nman ako dba?

What's right beside you?

♥ kaluluwa. kaya pla kanina pko nilalamig sa pwesto ko.

What is the last thing you ate?

♥ choco-choco na kinupit ko sa tindahan

-------------Ever Had-------------

Chicken pox:

♥ yup! May scar p nga ako. badtrip.

Sore throat:

♥ Lagi!.. every month i think meron ako. parang mens lang in a regular basis.

Stitches:

♥ wala pa. pro I have this scar na mukhang tinahi. hehe

Broken nose:

♥ mukha lang broken pero hindi talaga! Haha

-----------Do You-----------

Believe in love at first sight?

♥ Oo. Pro 1st sight lang ha.. pag 2nd sight na, ayaw ko na. haha [tawag dyan, biktima ng maling akala]

Like picnics:?

♥ anong picnic?? Yung chicherya?? Haha.. joke!

OO. I like picnics lalo n kung sa picnic grove kami kakain ng picnic na chicherya. Picnic n picnic ang feeling..Ü

----------Who----------

Who was the last person you danced with?

♥ dadi ko during my debut party. [tagal n pla akong di naisa2yaw.. haaayz]

Who last made you smile?

♥ si textmate. sabi nya kasi, gudmorning e hapon na! hehe. bangag!

Who did you last yell at?

♥ si Hagedon. kulit kasi. lagi na lang natutulog..

----------Final Questions-------------

What are you listening to right now?

♥ tunog ng electric fan.. ang inggay nga e.

What did you do today?

♥ gosh! Ang hirap ng question na eto.

As usual, WALA!.. may gngwa ba ang tamad at tambay?

Hate someone in your family?

♥ wala naman.. ang kapal ko nman kng may hate ako. ako nga ang dpat kamuhian d2.

Diamond or pearl

♥ awtz! Pwede both?? It depends kasi.. pag may bf – pearls, pag wala – pwet ng baso n mukhang diamond.

Are you the Eldest?

♥ Nope! Buti na lang..

Indoors or outdoors?

♥ pag may pera – outdoors, pag wala – indoors. Make sense??

-------Today did you-----------

**Akla ko ba final na yun??

1. Talk to someone you like?

♥ ahmm.. not sure! haha.. confused n nman kasi..

2. Kiss anyone?

♥ gosh! Wala! Virgin pa lips ko. Haaaayz. Kelan kya si first kiss ddting?

3. Get sick?

♥ hindi pa naman. Bawal daw kasi magsakit-sakitan ngayon e.

4. Talked to an ex:

♥ hindi!.. kasi wla akong number nila. [naks! Prang andami. Hehe..]

5. Miss someone:

♥ Oo nman. And im sure miss din niya ako.


----------Last person who----------

6. You talked to on the phone?

♥ yung customer namin na nagta2nong ng ulam.

----------Random--------------

21. Have a crush on someone:?

♥ crush ampft! Ano ako HS?? Like na lang, marami pa! eyyy.. kinikilig ako!

22. What books are you reading right now?

♥ sakto! MacArthur ni Bob Ong. Galing mo mgtanong ha.

23. Best feeling in the world:

♥ wen u know that someone loves u so much! [aww.. emote bgla]

24. Future kids names?

♥ haha.. gusto ko 2 boys and 2 girls, [keiron Ray and Milton Ray for boys.. or pwede ding Akisha and Akhilang..] so far yan plang naiisip ko.

25. Do you Sleep with stuffed animals?

♥ No! puros alikabok na kasi stuff toy ko.

26. What's under your bed?

♥ shoes and other stuff na wala ng mpglagyan.

28. Favorite locations:

♥ kahit saan basta mganda ang view. [view means pwedeng lugar or boys.. harhar]

29. Danced a slow dance with someone you didn't even like?

♥ Oo. Sa probinsya! Hehe.. mabenta beauty ko doon e..

32. Who do you really hate?

♥ satan! Sumasama ang tao dahil sknya. hehe

35. Ever liked someone you didn't have a chance with?

♥ Oo naman.. [background music: pangarap ka nlng ba o mgiging katotohanan pa…bakit may mahal ka ng iba..]

36. You lonely right now?

♥ Hindi noh.. hindi uso skin ang lonely days

37. What time is it now?

♥ 5:56pm (so wat kng hindi ko ntpos agad. Kasalanan ko bng mgrestart ang pc?...)


Gosh! tagal ko pla sumagot ng survey. My friend answered it for 9mins. haha.. ako 1 hour! tagal tlga gumana ng utak ko.. nglolog lagi. hehe

Saturday, October 18, 2008

Wish List (Part 2)

5. Chinese bracelet


Natutuwa talaga ako sa mga artista na may iba’t
ibang kulay ng beads sa kamay. Mas marami mas mayaman maswerte. Most of the bracelets are made of Jade stones, at bawat color may meaning.


Red Jade is used to defuse tense situations and release the energy. Also, it can be used, carefully, to bring up those feelings [upset, anger or agitation] so that one may deal with them in the open.

Orange and Yellow Jade both conveys the gift of inner peace, joy and happiness. Orange Jade boosts the wearer’s energy and provides protection.

Green Jade is thought to be calming to the nervous system. Assist one in finding their heart true desire and is thought to make it easier for the wearer to express love.

Blue Jade is a peaceful stone. It is a steady energy and is given to people who feel overwhelmed or under tremendous stress in their lives.

Lavender Jade is said to bring one in touch with their emotions, especially the softer side. . It is often given as a gift to someone who has been hurt or disappointed by love.

Black and gray Jade are thought to be strong protection from negative energy. These jades are said to support a wise person’s correct use of power.

Brown Jade is often given as a housewarming gift, or when changing jobs, because it is thought to aid in adjustments to any new environment.

White or Cream Jade is used to direct ones energy and assist in concentration, by filtering out unwanted distractions. Used to boost energy and for other areas where focus and concentration is needed.

Actually,for accessory purposes lang talaga yung pakay ko. Its not about the “good fortune or healing”. Na cute2tan lang tlga ako sa colors nila. Feeling ko bagay sila sa akin.


4. Dress

Tagal ko ng gustong bumili ng dress. Wala lang. nag-iinarte lang. hehe. Uso naman ngayon ang dress kahit sa mall ka lang pupunta unlike before na makikita mo lang yun sa mga occasions tulad ng binyag at kasal. Girl na girl kasi ako tignan pag ganon ang suot ko. Daming nabibiktima ng kagandahan ko. [yes! Biktima sila ng maling akala!! Haha] For a change lang, kahit alam kong malabo kaming makapag embassy.


3. Name Tag for Hagedon

For others na hindi kilala si Hagedon, sya po ang aking beloved na pusa! matagal tagal na rin namin syang inampon at mali lahat ng akala nyo na aalis at lalayas din sya. Sorry! Pero mukhang feel at home na sya dito sa bahay dahil sobrang spoiled na sya ni mama. Kaya naman as being part of the family, gusto namin magmukhang class naman sya.


2. Inspirational/Motivational book

Sa panahon ngayon na matumal ang trabaho, I really think na kailangan ko ito. Maganda na rin yung kahit paminsan-minsan pinapalakas mo ang loob mo. sa totoo lang, mahilig naman ako magbasa basta may sense at kapupulutan ng aral ang libro. Tulad na lang ng books ni Bob Ong, Joshua Haris, Brunner, Suddart, Lippincott… [haha.. asa!] Basta any book na tagusan sa puso at magpapatibay ng faith ko, yun ang gusto ko.


1. New Bible

Since lumipat na ako ng religion, mas nagagamit at nabubuklat ko na ang bible ko ngayon. At dahil dun kaya naman unti-unti na ring nagbabaklasan ang mga tanda sa gilid at bibigay na rin yung cover. Hindi lang naman dahil sa pangit na ang bible ko kaya ako magpapalit. Sabi nga sa church, mas sira-sira, madumi at pangit tignan ang bible mas maganda!.. yun ay dahil halatang gamit na gamit mo ang bible. But the problem with my bible is that, hindi yun NIV (New International Version). Masyadong malalalim pa ang words na gamit kaya minsan hindi kinakaya ng utak ko. At isa pa, a new bible also means a newer faith for me. Sana by next year people will see right through me and see how much I’ve grown as a Christian [sa isip, sa salita at sa gawa]

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_

Ayan! Sana tlga isa sa mga ito mkuha ko dis Christmas.. at dahil natuwa ako sa wish list ko, ang panget naman kung ako lang ang may ganito. Hehe.. kaya naisip kong gawing tag na lang. Nakakatuwa din malaman kung ano yung mga nasa wish list niyo. [sori ha, usisero talaga ako.] kaya naman tinatag ko sila:

  • Rules: walang rules! Kahit ano ilagay nyo as long as yun ang gusto/wish niyo to have this Christmas. 10 things lang ha.. pwede niyong i-rank kung ano yung sa tingin niyo ang pinaka gusto niyo sa lahat. At para mas masaya, mag tag pa kayo ng iba niyong friends!.. hehe.. Advance Merry Christmas to all!;)

Wednesday, October 15, 2008

Wish List (Part 1)

Nalalapit na naman ang pasko. Bawat station sa Tv may kanya-kanya ng countdown. Christmas songs na rin ang pinapatugtog sa malls. At nagsisimula ng lumalamig ang simoy ng hangin. Nakakaexcite isipin ang mga naka line-up na parties na pupuntahan mo. Mga exchange gifts na sasalihan mo. At mga pagkain na lalamunin mo. haaay.. ang pasko nga naman. It brings the family [at feeling kapamilya] together. Medyo malungkot lang para sa akin dahil 2 na lang kami ni mama magcecelebrate nun sa house. Malamang dadaanin na lang namin sa tulog ang lahat.


Christmas is the time of giving, and giving means Gifts!.. woohoo!.. Enjoy makatanggap ng regalo, at aminin man natin o hindi, masaya din magbigay ng regalo [kung may pera ka]... at madalas nga, pera na lang talaga ang binibigay lalo na ng mga ninong at ninang na tamad ng mag-isip at mamili ng regalo para sa mga inaanak nila. [at isa na ako dun! Hehehe] kaya naman gumawa ako ng wish list ko para hindi na mahirapan ang mga magreregalo sa akin sa pag-iisip kung ano ang gusto ko matanggap ngayong pasko. Hehe. Kapal ko ba?? haha… joke!


Seriously, im making this for myself. Haha.. [Plastik!..] cge na nga.. for others na rin na gusto magregalo. Gusto ko lang maassess kung gaano pa karaming ipon/kupit ang gagawin ko. Ahaha.. at syempre para maevaluate ko kung ilan
sa mga ito ang makakamit ko bago matapos ang taon. So here it goes..

10. New phone

Hindi ako techi at hindi rin ako yung tipong laging sunod sa uso when it comes to gadgets. It’s a need for me to change my phone dahil medyo luma na ito at mahirap ng gamitin. Unti-unti na kasing lumalabo ang screen at nagsisimula ng maginarte ang mga keypads. Medyo mahirap ipaayos dahil Samsung ang phone ko at mahirap hanapan ng parts unlike Nokia. Pero 10x ko muna pag-iisipan kung ano ipapalit ko dahil sa ngayon wala pa akong naiisip.

9. DigiCam

Sa panahon ngayon, its a necessity na magkaroon ng digicam lalong lalo na para sa akin na mahilig gumala at pumunta kung saan-saan. At wala ng sasaya pa kung makukuhanan ko lahat ‘yon dba. At hindi na rin usong gamitin ang camerang de film. Mahal na ang film, mahal pa magpadevelop!.. sayang lang kung puros candid at wacky shots lang ang nakuhanan mo. Tapos hindi mo pa pwedeng iupload sa computer para makita ng friends mo. at higit sa lahat, hindi mo pwedeng i-edit!!.. kaya naman I need it!! I need it so bad!!...

8. Tagalog Christian Song CD

Alam kong usong-uso na ang limewire at torrent kung saan pwede kang magdownload ng songs na gusto mo. Kaya lang pahirapan na maghanap ng kanta pag tagalog lalo na tagalog Christian songs. Madalang na nga lang na may lumalabas sa result ng search mo tpos ang iba pa doon ay may kasama pang virus. Kamusta nman yun? Kaya gusto ko sana ngayong pasko makapagpatugtog kami ng Tagalog Christian songs na hilig ni Mama sabayan kahit wala siya sa tono at iba-iba ang kanyang lyrics.

7. Picture Frames

Nice! Pamura ng pamura.. hehe.. pero take note with ‘S’ yun, it means hindi pwede ang isa atleast 3 or more, ayos na sa akin yun. Plano ko kasing punuin ang bahay namin ng mga pictures na nahalukay ko sa baul. Sabi nga ng Mama ko, mukha na kaming gallery pag nagkataon. Masaya lang kasi idisplay at ipakita sa ibang tao kung ano itsura namin nung maliliit at cute pa kami. Lalo na ngayon na unti-unti na kaming gumagawa ng pamilya at sooner or later sila Mama at Dadi na lang ang maiiwan dito kasama ang mga masasayang ala-ala na nakapaloob sa mga pictures na yun. Haaay.. ang bilis ng panahon. Lumalaki na rin si Jacob kaya naman gusto ko makita nya na kamukha niya ang papa nya nung bata-bata days pa nya. Sana kamukha lang, hindi ka ugali!! Hehehe…

6. Mp3 player

I love music! Music is my therapy.. kaya naman sobrang ikaliligaya ng puso ko kung may magbibigay sa akin nito. Pwede ko gamitin habang nagmumuni-muni, gumagawa ng blog, nagcoconcert sa banyo, kumukuha ng antok at higit sa lahat kapag nagjojogging!.. haha.. kasama yun sa outfit. Nakakaengganyo mag-exercise kapag ganon lalo na kung ang tugtog ay “lets get physical”. eww.. korny na!! hehehe...




Hangang dito muna sa ngayon.. nag-iisip pa ako kung anu-ano pa ba ang gusto ko mareceive dis Christmas..

Saturday, October 11, 2008

waiting for your call

Tawag lang hindi mo pa magawa.

Naghihintay na nga lang ba ako sa wala?

Ang tagal ko ng hinihintay ang tawag mo. Araw-gabi. Oras-oras chinicheck ko ang cellphone ko, nagbabaka sakaling may matanggap akong tawag o text man lang.

Ano pa ba ang hinihintay mo? Alam mo naman ang cellphone number ko. Kahit landline namin binigay ko na rin para madali mo akong matawagan pero bakit hanggang ngayon wala pa akong naririnig mula sau?

Ang hirap pala ng ganitong pakiramdam. Hindi mo alam kung aasa ka pa o kung may aasahan pba. Hindi naman pwede na ako ang unang tumawag o magtext dahil hindi ko naman alam ang number mo. haaaay.. ang hirap hirap naman.

Sana lang mabasa mo ito para malaman mo na hanggang ngayon inaantay ko pa din nag tawag mo.


Thursday, October 02, 2008

Have you heard of ... ???

I was watching the Tyra Banks Show and they were discussing about “BARSEXUAL”. Akalain niyo, may ganon pa lang term. Sabi sa show, the term is used for girls who like kissing each other to get attentions from men. Madalas daw mangyari ito sa mga bar; kaya din siguro “BAR-sexual” ang tawag dito. Hehe. [sa tingin ko lang ha] Recently lang din ay mayroon lumabas na issue dito sa atin about this one female group na nakita sa mga pictures na naghahalikan, and they were branded as lesbians. Yun din ang akala ko. But sabi sa show, most of the barsexuals pala ay mga “straight” o mga babaeng lalake pa rin ang hanap. They are just doing this to get some free drinks sa bar or pwede ding to get sexual arousal sa mga lalakeng tumitingin o nanonood sa kanila. Guys find it HOT when they see girls kissing and licking each other. Unusual daw kasing panoorin ang mga ganoon kaya in some way, nakaka turn on daw sa kanila ang mga ganoong act.

If you think about it, its kinda weird how they managed to do such thing as kissing and yet doesn’t feel any “unusual feeling” towards their partners. Pwede bang mangyari na hindi ka maattach sa kakissing scene mo? I guess some how merong feeling of arousal everytime na ginagawa yun. Dba sabi nga nila “it starts with a kiss”.. I guess, a smack kiss is ok and normal for close friends but when it becomes torrid and there is already an exchange of saliva, parang medyo ibang level na ata yun and it exceeds the limit of being normal.

I’m not against nor in favor of lesbians. Wala lang. [Wala lang means wala akong pakialam.] Hehe. Im not God to question their sexual preferences. But if girls like these doing this kind of act just to get attention from guys, then medyo nakakabother yun dahil nagmumukha silang cheap and easy-to-get sa mata ng mga tao especially sa mga lalakeng inaakit nila. If they are looking for a long term relationship, then its not going to work out kung ganito ang style mo.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_

Kahapon, me and my friends were checking out some books sa powerbooks in MOA. And one of my friend saw the bubble gang book of vocabularies. Nakakatawa lang kasi one of the newly discovered term naming ay “SENTILIBRE” which means mga taong nagpapaawa o nagdradrama para makalibre. Natawa ako kasi madalas nililibre ako ng friends ko dahil sinasabi ko lagi na “wala akong pera” [which is true!]. well, anu magagawa ko kung madalas akong walang pera. Hirap kaya kumupit dito sa amin. Haha. joke!

Aside sa sentilibre na mukhang madalas ko ng maririnig sa tropa ko, marami pa kaming nakitang kakaiba at kakatuwang mga words na tuklasan tulad na lang ng:

Phone-nographer – mga taong walang inatupag kundi kumuha ng pictures gamit ang camera phone nila.

Tsiskosa – taong gumagawa ng mga issue para may mapagusapan o mapagkwentuhan sa telepono.

Bralip – mga lalakeng mahilig tumingin sa parting kilikili ng mga ababe para makita kung anong kulay ng bra ang suot nila.

Wingwang – magsyota na kung saan pangit ang isa at maganda o gwapo naman ang isa.

Aarghh.. hindi ko na maalala yung iba. Kung may alam pa kayo, share naman. =)

Saturday, September 20, 2008

Magalang akong bata


Bastos ba ang tawag sa batang hindi marunong gumamit ng Po at Opo? Kabastusan na bang maituturing kung hindi mo tawaging Ate ang iyong ate at Kuya ang iyong kuya? Nababastusan ka ba sa mga batang nakikipag-usap sa kanilang magulang na parang kalevel lang nya?

Kung Oo ang sagot niyo, ibig sabihin Bastos pala ako.

Aminado naman ako na hindi kami lumaking pala Po at Opo. Siguro nung bata pa kami madalas naming sabihin iyon, na tipong sa bawat salitang aming sasabihin ay may nakaduktong na Opo sa huli. Pero habang kami’y lumalaki, tila unti-unti na rin nababawasan ng mga letra sa salitang Opo. [Opo – Po – at hanggang naging Oh na lang.] Nagkagayun man, kahit kailan hindi ko naringgan ang mga magulang ko na sinabihan kaming bastos dahil lang hindi kami nag Po at Opo.

Jik – yan ang tawag ko sa Kuya ko. Dito sa bahay, hindi uso samin ang tawagang Kuya. Minsan lang mangyari yon pag tinotopak ako. Hehehe. Pero mas madalas at mas kumportable akong tawagin sya sa kanyang palayao dahil madaling sabihin at mas maiksi kaysa sa Kuya. Kahit na maliit (2yrs) lang ang agwat ng edad namin, hindi kami lumaking close. Siguro dahil lalake sya at iba ang mga hilig nya. Para kaming aso’t pusa na araw araw, oras oras kung mag-away. Patayan kung patayan ang labanan. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko sya tinatawag na Kuya. Pero kahit ganon, never ko pa sinaway ang utos nya (takot ko lang!).

Ang maganda sa pamilya ko, close kami sa parents namin. Bestfriend ang turing ko sa Mama ko at parang magkatropa naman si Daddy at si Jik. Kaya naman kung makikinig kayo sa usapan namin, mapapaisip kayo dahil para lang kaming makakaedad kung magusap usap. Sa sobrang open ng communication namin, nagagawa namin sabihin lahat ng gusto namin kahit na minsan dumarating sa point na bumabaliktad ang mundo at kami ang nagmumukhang magulang at sila naman ang mga anak na pinagagalitan.

Siguro nga ang pagiging magalang ay nagsisimula sa tahanan. Pero hindi ko sinisisi ang mga magulang ko (hinding hinde!!) kung bakit lumaki kaming ganito. Hindi man kami gumagamit ng Po at Opo, hindi ko man tawaging Kuya ang kuya ko at kausapin ko man ang mga magulang ko na parang katropa ko lang ay hindi ibig sabihin hindi ako/kami marunong gumalang. Isang bagay lang na tinuro sa amin ng mga magulang namin tungkol sa paggalang at yun ay ang hindi pagtapak sa pagkatao ng iba. Yun ang mas imporatante sa lahat. Bata, matanda, may pinag-aralan ka man o wala, wala kang karapatan na maliitin ang ibang tao. You shouldn’t make someone feel that they are little less than they know themselves. At dahil dyan, masasabi kong Magalang akong bata!..

Para sa mga taong sinasabing bastos ako/kami, eto lang ang masasabi ng Mama ko dyan:

“Hindi niyo kilala ang mga anak ko, kaya wala kayong karapatang sabihan sila ng ganyan!” ---base on true to life experience

Friday, September 12, 2008

Dream Job

Dahil nga buhay tambay prin ako hanggang ngayon, iniisip ko tuloy kung ano ba talaga gusto kong mangyari sa buhay ko. Kung anong trabaho ba ang gusto kong pasukin. Kung anong direksyon ba ako gusto kong tahakin. Hanggang ngayon kasi naguguluhan pa rin ako.

Lahat naman tayo during our childhood days, we dream of becoming someone. Maybe a doctor or a lawyer or someone like our parents. Ganon ka extreme yung mga gusto nating trabaho pag laki natin. Pero ngayong malaki na ako, gusto ko yung medyo attainable naman. Yung tipong hindi malayong marating.

Sa goal setting daw dapat SMART – specific, measurable, attainable, realistic, at timely/time based. Pero kahit naman napaka impossible ng mga gusto mo, kung pagsusumikapan mo, hindi malayong magkatotoo yun. As long as you put your heart and soul, makakamit mo ang lahat ng naisin mo.

Kaya heto gumawa ako ng TOP 10 list ng mga Dream Jobs ko. Baka sooner or later, matupad magawa ko din eto.

10. LOUNGE SINGER

Hindi naman ako magaling na singer. [sabi nga nila, Marunong lang!] Pero gusto ko ang trabahong ito kasi magagawa mong ishowcase ang talent mo tapos babayaran ka pa nila ng malaki. Wala ka namang ibang gagawin kundi ientertain sila sa pamamagitan ng boses mo. Kung baga, Talent lang ang puhunan. At ang maganda sa lahat, may chance kang makakilala ng mga mayayaman doon. And who knows, isa sa mga yun magustuhan ka at yayain kang pakasalan. Why not dba??

9. MODEL

Lahat naman ata ng babae sa mundo ay gustong maging model. Syempre hindi ako papahuli. Hehe. Ok na sa akin kahit model ng sapatos. Kahit paa ko lang ang kukunan, masaya na ako doon as long as may billboard ako sa EDSA. Kaya lang medyo nagkadisaster ang paa ko lately dahil sa tubig sa dorm. Kailangan ko pa ng maraming sebo de macho at kleigman’s cream para matanggal ang mga bakas na naiwan sa paa ko. =’(

8. PRE SCHOOL TEACHER

Actually, bata pa lang ako hilig ko na talagang magtitser-titseran. Kinokonchaba ko pa mga bata dito samin para sila ang gumanap na mga estudyante ko. Gusto ko kasing magamit ang kadaldalan ko sa tamang paraan. Pre-school ang gusto kong turuan if ever kasi mga bata pa sila at walang muwang sa mundo. Hindi nila malalaman na mali na pla ang tinuturo ko. Walang magtatanong ng mga complicated questions at hindi krin nila oobligahin na sagutin yung tanong nila. Basta sabihin mo lang, “masyado ka pang bata. Next time ko na lang sasabihin pag malaki kna.” Hehe.. instant palusot! Tsaka pag bored kna, pwede mo na lang sila bigyan ng coloring book at hayaang mgcolor o magdrawing. For sure, kahit matulog ka sa desk mo hindi nila mapapansin dahil busy silang magpantay-pantay at ingatang wag lalampas ang kulay sa linya.

7. CHEF/BAKER

Nasabi ko na sa previous entry ko na I’m a frustrated baker. Gusto ko talaga sa kusina at magluto ng kung anu-ano. Fan talaga ako ng mga cooking show sa Tv kaya naman I try my best na gayahin yung mga ginagawa nila, pati presentation ginagaya ko din para pag sumablay sa lasa atleast nadaan naman sa presentation. Hehe.

6. INTERIOR DESIGNER

Alam niyo yung sa Tv na nagmamake-over ng mga bahay, yun ang gusto ko! Ang sarap kasi ng feeling pag nakita mo na malaki ang nagbago sa itsura ng bahay dahil lang binago mo yung pintura or nagpalit ka ng mga furnitures. Yung tipong dull and boring ginawa mong cozy yung feeling o di kaya from typical house ginawa mong modern yung look. Ang saya! Kaya lang ang problema, hindi ako marunong magdrawing. Hehe. Importante pa naman yun na may view ka kung anong kalalabasan ng pagaayos mo. Hindi yung bara-barang gawa lang. hehe. Di bale, marami naman akong friends na magaling magdrawing.. sa kanila na lang ako magpapagawa ng concept.

5. STEWARDESS/FLIGHT ATTENDANT

Eto ang dream ko ever since bata pa ako. pag tinatanong sa class kung anu ang gusto naming paglaki, stewardess ang sinasabi ko. Oh diba! Bongga! Ito dapat kukunin kong course nung college kaya lang bagsak ako sa height. Atleast 5’5” kasi ang gusto nila at kasamaang palad 5’3” lang ang height ko. how sad.. kung nagtakong lang ako ng 2” baka sakaling nakalusot pa ako. hehe. Type na type ko kasi yung uniform nila at tsaka dream ko din makapagtravel around the world.

4. ACCOUNTANT/TELLER/CASHIER

Anything basta sa bangko at humahawak ng pera, yan ang trip kong trabaho. Kaya naman unang sabak ko sa college, accountancy na agad kinuha ko. Siguro malaking impluwensya yung tindahan namin kaya naengganyo akong kumuha ng course na related sa paghahawak at pagtatago ng pera. Ok naman sana yung sa tindahan kaso ang gusto ko automatic yung kaha. Gusto ko yung katulad sa mga supermarkets na tumutunog pag pinipindot at may mga resibong lumalabas. Ewan ko ba pero nageenjoy talaga ako doon. Ang mahirap lang kasi dito sa tindahan, wala akong sweldo. Kung magkakaroon man, sariling effort ko pa. Ano ba naman yung 20 pesos na kupit kada araw kapalit ng pawis at pagod ko sa pagtataray sa mga customers.

3.WEDDING/EVENT PLANNER

Hay naku! Kung may course lang na ganito sa college, im sure dito ako nagenroll. Hilig ko talaga mag organize ng mga event lalo na pag may budget. Haha. Pero dahil nga wala namang humihingi ng tulong ko, kusa na lang akong nakikisawsaw at nagvovolunteer na ako na lang ang magaayos. Medyo stressful yung trabaho pero walang katulad pa rin yung feeling pag nakita mong naging successful yung ginawa mo at maraming natuwa.

2. CRUISE SHIP NURSE

Eto talaga ang medyo close to reality. Now na nurse na ako, gusto ko talaga magamit yung pinag-aralan ko. At dahil nga mahilig akong magtravel, this is the perfect job for me! sobrang eager akong makapagwork sa isang cruise ship/luxury liner maybe after years of experience sa hospital. Ok lang yun tutal mostly ng mga nurses sa barko ay matatanda na. So pwede na siguro ako doon pag mga 35 na ako. hehehe. Kaya lang medyo nag-aalangan pa akong ituloy ito dahil sinabihan ako ng manghuhula na bawal daw ako sa tubig. Anything to do with water, bawal ako doon kung gusto ko pang mabuhay ng matagal-tagal. (nakakainis! Bakit nya pa kasi sinabi yun naprapraning tuloy ako)

1. FOOD TASTER

Eto na nga siguro ang pinaka masarap na trabaho sa buong mundo. Imagine, uupo ka lang doon, titikim ng pagkain, at sasabihin mo lang kung masarap o hindi. Tapos ang trabaho. Nabusog ka na, kumita ka pa! ang sarap dba?? Kaya nga inggit na inggit ako dun sa mga judges ng mga cooking show contest. Ang sarap ng buhay nila. Natitikman nila yung mga masasarap na food na hinahain ng mga chef. Gosh! Saan ba ako pwedeng mag-apply para sa trabahong ito?? Waahh.. gusto ko talaga nito!

Kung binasa mo lahat, mapapansin mo na more on traveling at mga trabahong hindi na masyadong ginagamitan ng utak ang gusto ko. Aminado naman akong hindi ako matalino at wala akong talent sa PR. Mga simpleng trabaho lang ang gusto ko as long as sapat-sapat naman ang kita. Kahit kailan talaga hindi sumagi sa isip ko ang magdoktor o maging lawyer. Haha. isipin ko man, hindi talaga kaya eh.. kailangan ko pang uminom ng S26 at Promil kung gusto kong buruhin ang sarili ko sa pag-aaral. Sana kahit isa sa mga eto, magawa ko balang araw. Para pag dating ko sa self-actualization stage, masasabi kong kontento na ako sa kinalabasan ng buhay ko.

Saturday, September 06, 2008

adik kba?!

Grabe ang mga news na napapanood ko ngayon sa Tv. Marami sa mga balita ay hindi ko talaga masikmura. Last week, tinopak akong manood ng S.O.C.O at sobrang nanlumo ako doon sa pinakita nilang case. Tungkol yun sa lalake na pinatay ang isang batang babae at kinain ang laman loob nito. (pasintabi lang po sa mga mahihina ang sikmura)

It was devastating. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa pag-iisip nun para magawa nyang patayin at kainin pa ang laman loob ng babaeng yun. Sabi nga nung witness, pati rin sya natakot kasi parang nakakita daw sya ng demonyo na namumula at nanlilisik ang mata. Feeling nya siya ang susunod na kakainin. Oh goodness… kung ako siguro yun, hindi ko na magagawa pang tumakbo dahil sobrang hihimatayin ako sa takot.

Naalala ko din, last month lang ata, may nabalita ding batang dinukutan ng mata ng isang adik. Nakita niyo ba yun?? Grabe! Kawawa naman yung bata. Kailangan nya dumaan sa surgery para ma-save yung natitira nyang mata. And sad to say, kaisa-isang mata na natira sa kanya ay hindi na rin nya magagamit dahil nasira na rin ang mga nerves nito.

Sobrang nakakapanlumo ang mga ganitong balita. Kaya naman minsan, wala na akong gana manood pa ng news dahil nabwibwisit lang ako sa mga naririnig ko. Walang pinagbago. Mga adik pa rin ang laging bida sa balita. Nakakasawa na!

Galit ako sa mga adik. (sino ba namang hindi??) Lahat naman ata tayo gusto natin tugisin kung saan at kanino ba nagmumula yung mga “bawal na gamot” na ginagamit sumisira sa buhay nila. Bakit ba kung kelan naghihirap tau, tsaka naman dumarami ang mga adik? Teka, totoo nga kayang mahirap tayo?? Kung ibabase ko sa balita ang estado ng buhay natin ngayon, masasabi kong mayaman tayo. Pakiramdam ko mayaman lahat ng adik, dahil nagagawa pa nilang gumastos ng pera makabili lang ng pangbisyo nila kahit mismo sila ay wala ng makain.

Maraming bese na ako nakakita ng marijuana (sobrang daming beses). Pero kahit kailan hindi sumagi sa isip kong tikman yun dahil 1st hindi ako marunong manigarilyo, 2nd takot akong makita yun pag nagpamedical exam ako at 3rd takot ako sa maaring maging epekto nun sa katawan at pag-iisip ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng makakita ako nun. Ang bigat sa loob. Halong galit, awa, at mga tanong ang namuo sa utak ko. Sobrang apektado ako dahil malapit sa puso ko ang nakitaan ko nun. Marami lang daw problema kaya kailangan nya nun.

Problema nga ba ang dahilan kung bakit natutulak silang gumamit nun? kelan ba nakalutas ng problema ang droga?

Kahit tumigil na sya ngayon sa paggamit nun, sinisisi ko pa din sarili ko dahil at one point in time hindi ko man lang sya natulungang lutasin ang problemang dinadala nya. Sa tingin ko, dito pumapasok ang kahalagahan ng pamilya. Kung may pamilya lang sana syang matatakbuhan at masasabihan ng problema, hindi na sana sya umabot sa ganoong sitwasyon. Kung nandyan lang sana ang pamilya nya para sumuporta, hindi na sana nya kinailangan pang hanapin ang “lakas ng loob” na kinakailangan nya sa usok at “high” feeling na nabibigay ng droga sa kanya. Kung naging pamilya lang sana ako sa kanya, hindi nya mararanasan ang pakiramdam ng nag-iisa. Im sorry.. and ill forever regret na wala ako nung panahong mas kailangan mo ng pamilya.


“Saludo ako sa mga nagbuwis ng buhay sa ngalan ng pakikipaglaban dito. Ganon din sa mga organisasyong kumikilos sa pagsugpo nito. Sa mga pamilya at magulang na may oras para alamin kung biktima ang mga anak nila. At higit sa lahat, sa mga taong matatag, matapang, at buong-loob na humaharap sa mga problema nila sa buhay” – Bob Ong “Ang paboritong libro ni hudas”