Saturday, September 20, 2008

Magalang akong bata


Bastos ba ang tawag sa batang hindi marunong gumamit ng Po at Opo? Kabastusan na bang maituturing kung hindi mo tawaging Ate ang iyong ate at Kuya ang iyong kuya? Nababastusan ka ba sa mga batang nakikipag-usap sa kanilang magulang na parang kalevel lang nya?

Kung Oo ang sagot niyo, ibig sabihin Bastos pala ako.

Aminado naman ako na hindi kami lumaking pala Po at Opo. Siguro nung bata pa kami madalas naming sabihin iyon, na tipong sa bawat salitang aming sasabihin ay may nakaduktong na Opo sa huli. Pero habang kami’y lumalaki, tila unti-unti na rin nababawasan ng mga letra sa salitang Opo. [Opo – Po – at hanggang naging Oh na lang.] Nagkagayun man, kahit kailan hindi ko naringgan ang mga magulang ko na sinabihan kaming bastos dahil lang hindi kami nag Po at Opo.

Jik – yan ang tawag ko sa Kuya ko. Dito sa bahay, hindi uso samin ang tawagang Kuya. Minsan lang mangyari yon pag tinotopak ako. Hehehe. Pero mas madalas at mas kumportable akong tawagin sya sa kanyang palayao dahil madaling sabihin at mas maiksi kaysa sa Kuya. Kahit na maliit (2yrs) lang ang agwat ng edad namin, hindi kami lumaking close. Siguro dahil lalake sya at iba ang mga hilig nya. Para kaming aso’t pusa na araw araw, oras oras kung mag-away. Patayan kung patayan ang labanan. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko sya tinatawag na Kuya. Pero kahit ganon, never ko pa sinaway ang utos nya (takot ko lang!).

Ang maganda sa pamilya ko, close kami sa parents namin. Bestfriend ang turing ko sa Mama ko at parang magkatropa naman si Daddy at si Jik. Kaya naman kung makikinig kayo sa usapan namin, mapapaisip kayo dahil para lang kaming makakaedad kung magusap usap. Sa sobrang open ng communication namin, nagagawa namin sabihin lahat ng gusto namin kahit na minsan dumarating sa point na bumabaliktad ang mundo at kami ang nagmumukhang magulang at sila naman ang mga anak na pinagagalitan.

Siguro nga ang pagiging magalang ay nagsisimula sa tahanan. Pero hindi ko sinisisi ang mga magulang ko (hinding hinde!!) kung bakit lumaki kaming ganito. Hindi man kami gumagamit ng Po at Opo, hindi ko man tawaging Kuya ang kuya ko at kausapin ko man ang mga magulang ko na parang katropa ko lang ay hindi ibig sabihin hindi ako/kami marunong gumalang. Isang bagay lang na tinuro sa amin ng mga magulang namin tungkol sa paggalang at yun ay ang hindi pagtapak sa pagkatao ng iba. Yun ang mas imporatante sa lahat. Bata, matanda, may pinag-aralan ka man o wala, wala kang karapatan na maliitin ang ibang tao. You shouldn’t make someone feel that they are little less than they know themselves. At dahil dyan, masasabi kong Magalang akong bata!..

Para sa mga taong sinasabing bastos ako/kami, eto lang ang masasabi ng Mama ko dyan:

“Hindi niyo kilala ang mga anak ko, kaya wala kayong karapatang sabihan sila ng ganyan!” ---base on true to life experience

5 comments:

Anonymous said...

himutok ba yan? sino ba nagsabi sau na hindi ka magalang?

Belle Caballero said...

kaw kaya!! sbi mo bastos ako!! T__T

hehe.. joke lng... lam kong bastusin ako pro d ako bastos!! ahaha...

Anonymous said...

ah oo bastusin ka nga..haha

naku mukhang may nangaway saio tsonga ah? cnu ba yan! tama nmn ndi nmn tlga basihan ang po at opo sa pagiging marespetong tao, hayaan mo na sila kung di nila maintindihan yun basta alam mo wla kang binabastos.

Belle Caballero said...

gnun tlga! inggit lng yung mga un! ahaha... lakas b? joke!

ndi ko nmn cla inaano e.. kya ayn hanp lng ako ng kakampi d2.. hehehe..

Anonymous said...

bakit si tita nahirit ng ganyang lines? emo?

bago kong tahanan...

http://ickaissimo.wordpress.com/