Wednesday, October 15, 2008

Wish List (Part 1)

Nalalapit na naman ang pasko. Bawat station sa Tv may kanya-kanya ng countdown. Christmas songs na rin ang pinapatugtog sa malls. At nagsisimula ng lumalamig ang simoy ng hangin. Nakakaexcite isipin ang mga naka line-up na parties na pupuntahan mo. Mga exchange gifts na sasalihan mo. At mga pagkain na lalamunin mo. haaay.. ang pasko nga naman. It brings the family [at feeling kapamilya] together. Medyo malungkot lang para sa akin dahil 2 na lang kami ni mama magcecelebrate nun sa house. Malamang dadaanin na lang namin sa tulog ang lahat.


Christmas is the time of giving, and giving means Gifts!.. woohoo!.. Enjoy makatanggap ng regalo, at aminin man natin o hindi, masaya din magbigay ng regalo [kung may pera ka]... at madalas nga, pera na lang talaga ang binibigay lalo na ng mga ninong at ninang na tamad ng mag-isip at mamili ng regalo para sa mga inaanak nila. [at isa na ako dun! Hehehe] kaya naman gumawa ako ng wish list ko para hindi na mahirapan ang mga magreregalo sa akin sa pag-iisip kung ano ang gusto ko matanggap ngayong pasko. Hehe. Kapal ko ba?? haha… joke!


Seriously, im making this for myself. Haha.. [Plastik!..] cge na nga.. for others na rin na gusto magregalo. Gusto ko lang maassess kung gaano pa karaming ipon/kupit ang gagawin ko. Ahaha.. at syempre para maevaluate ko kung ilan
sa mga ito ang makakamit ko bago matapos ang taon. So here it goes..

10. New phone

Hindi ako techi at hindi rin ako yung tipong laging sunod sa uso when it comes to gadgets. It’s a need for me to change my phone dahil medyo luma na ito at mahirap ng gamitin. Unti-unti na kasing lumalabo ang screen at nagsisimula ng maginarte ang mga keypads. Medyo mahirap ipaayos dahil Samsung ang phone ko at mahirap hanapan ng parts unlike Nokia. Pero 10x ko muna pag-iisipan kung ano ipapalit ko dahil sa ngayon wala pa akong naiisip.

9. DigiCam

Sa panahon ngayon, its a necessity na magkaroon ng digicam lalong lalo na para sa akin na mahilig gumala at pumunta kung saan-saan. At wala ng sasaya pa kung makukuhanan ko lahat ‘yon dba. At hindi na rin usong gamitin ang camerang de film. Mahal na ang film, mahal pa magpadevelop!.. sayang lang kung puros candid at wacky shots lang ang nakuhanan mo. Tapos hindi mo pa pwedeng iupload sa computer para makita ng friends mo. at higit sa lahat, hindi mo pwedeng i-edit!!.. kaya naman I need it!! I need it so bad!!...

8. Tagalog Christian Song CD

Alam kong usong-uso na ang limewire at torrent kung saan pwede kang magdownload ng songs na gusto mo. Kaya lang pahirapan na maghanap ng kanta pag tagalog lalo na tagalog Christian songs. Madalang na nga lang na may lumalabas sa result ng search mo tpos ang iba pa doon ay may kasama pang virus. Kamusta nman yun? Kaya gusto ko sana ngayong pasko makapagpatugtog kami ng Tagalog Christian songs na hilig ni Mama sabayan kahit wala siya sa tono at iba-iba ang kanyang lyrics.

7. Picture Frames

Nice! Pamura ng pamura.. hehe.. pero take note with ‘S’ yun, it means hindi pwede ang isa atleast 3 or more, ayos na sa akin yun. Plano ko kasing punuin ang bahay namin ng mga pictures na nahalukay ko sa baul. Sabi nga ng Mama ko, mukha na kaming gallery pag nagkataon. Masaya lang kasi idisplay at ipakita sa ibang tao kung ano itsura namin nung maliliit at cute pa kami. Lalo na ngayon na unti-unti na kaming gumagawa ng pamilya at sooner or later sila Mama at Dadi na lang ang maiiwan dito kasama ang mga masasayang ala-ala na nakapaloob sa mga pictures na yun. Haaay.. ang bilis ng panahon. Lumalaki na rin si Jacob kaya naman gusto ko makita nya na kamukha niya ang papa nya nung bata-bata days pa nya. Sana kamukha lang, hindi ka ugali!! Hehehe…

6. Mp3 player

I love music! Music is my therapy.. kaya naman sobrang ikaliligaya ng puso ko kung may magbibigay sa akin nito. Pwede ko gamitin habang nagmumuni-muni, gumagawa ng blog, nagcoconcert sa banyo, kumukuha ng antok at higit sa lahat kapag nagjojogging!.. haha.. kasama yun sa outfit. Nakakaengganyo mag-exercise kapag ganon lalo na kung ang tugtog ay “lets get physical”. eww.. korny na!! hehehe...




Hangang dito muna sa ngayon.. nag-iisip pa ako kung anu-ano pa ba ang gusto ko mareceive dis Christmas..

5 comments:

Anonymous said...

ayy bakit ganun.. ang gulo ng mga pictures? hahaha

aba ang dami mo pa lang wish list ha.. at puro materyales.. sana gamit sa bahay na lang no! bakit wala dyan na wireless phone? kala ko ba may bf ka na?

hihintayin ko ung wish list part 2 mo.. wala akong type sa wish list part 1 mo na iregalo sau eh.. mahal kasi! hahahaha

Belle Caballero said...

magulo b yung pix?? cenxa na ha.. hindi kasi ito kcng ganda ng i.ph nio e.. hehehe.. bsta nki2ta mo nmn yung pix at alm mo kng anu cla.. pili ka nlng dyn ng xmas gift mo for me.. hehee

Anonymous said...

aba ambisyosa ka ha... close tau? hahaha at saka ang gurang mo para maging inaanak kita... mas matanda ka pa nga sa akin ng 3 years eh...

Anonymous said...

ay bat puro material things, nu ba yan yung iba nga bigas lang hinihiling kaw puro pa ganyan . haha

Belle Caballero said...

aba! alangan nmang world peace ang hilingin ko?? nku! khit 10yrs. akong mghintay, malabo n yun! hngang nnd2 ka, and2 ako at nnd2 taung lahat, walang peace sa mundo! hehehe...