Tulad ng nasabi ko sa previous entry na ipagrerelieve muna ako while 'waiting' dun sa naudlot kong trabaho, I was called to relieve sa Sucat, Parañaque as Company Nurse for 7pm-7am shift. Thank God dahil isang sakay lang sya at hindi mahirap hanapin ang place.
First timer ako sa ganitong field. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na Hospital base kami sinanay during our duty days. So medyo wala akong idea sa ginagawa ng isang Company nurse.
Excited na kinakabahan. Yan ang pakiramdam ko ng pumasok ako sa clinic around 6:30pm. Kailangan maaga kasi mageendorse pa yung kapalitan kong nurse. Well, shes very kind to the point na she extended her time just to teach me and tell me things about what to expect from the patients. She even toured me sa area at pinakilala sa mga nakakasalubong naming tao. haha. artista? more more ngiti at kaway para magmukhang friendly. hehe.
8pm na. Alone. Figuring out kung ano gagawin para hindi masayang ang 12hrs. duty ko.
Alone. Familiarizing myself sa mga gamot na maeencounter ko.
Alone. Calming myself. Thinking that everything will be alright.
Still, alone. Talking to God. Asking Him to guide me dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Every minute bumubukas ang pinto at may pumapasok na pt.. Thank God, hindi ko na kailangan pang mag-isip kung ano ibibigay dahil sila na mismo nagrereseta para sa sarili nila. Its ok kung iniisip nyo na kailangan pa ng doctor's order for the drugs/medicines kasi lahat ng meds na meron dito ay mga OTC [over-the-counter]. Ayon sa nasagap kong balita, next year pa magkakaron ng physician dito sa clinic. Kaya pansamantala, kami ang nagdedecide kung kailangan pauwiin ang isang pt.
Speaking of pauwiin, may pt. na dumating at nagrereklamong masakit daw ang ngipin nya. HOLLY GUACAMOLE. [awtz!.. anong word yun?? hehe..] Anyway, i told the guy na itatanong ko muna sa nurse dahil isa lamang akong hamak na reliever and im not allowed to send pt. home [kunwari lng].. So, while waiting inadvise ko munang try nya mag-bawang.. walang bawang sa pantry [sabi nya].. Ok. nagdecide na syang maglog-out at magpaalam sa Supervisor nya. Aba! gumagawa ng sariling desisyon ang mokong. Well, matanda na sya kaya alam nya na ang ginagawa nya, sa tingin ko. Kaya nman tinawagan ko na ang 'nurse' and ask for her advise. Pumayag naman sya as long as magpapakita ito ng med. cert. pag balik nya sa duty.
Eto ang prob.! gumawa ako ng report form para mapirmahan ng supervisor nya at marecord dito na nagpauwi ako ng pt. d/t pahamak na toothache. Kailangan nyang ipasign sa supervisor nya at ibalik sa akin pagtapos. Ang mokong, umuwi na ata dahil hanggang ngayon [12mn na], hindi pa nya binabalik ang form! Pasaway! bahala sya.. hindi ko irerecord na pinauwi ko sya para kaltas sa sweldo nya yun. haha.. tinoxic nya kasi ako.
Anyway, im so greatful dahil may internet access itong pc dito kaya nman lakas ng loob kong makipagchat thru email dahil MSN ang nakainstall dito. At dahil dial-up ang gamit ko sa bahay, sinamantala ko ng dumalaw sa mga blogs nyo.
Its already 6:02am dito sa orasan ng pc. Konting oras nlng uuwi nko! matatapos na ang isang araw na duty/relieve ko as Company Nurse. Ilang minuto nlng may humahabol pa at gusto pang umuwi.. haaaayz.. mga pasaway tlga!
Salamat sa mga taong naka Online kahit madaling araw na, sa Fall Out Boy, Boys like Girls, at mga Emo bands na walang sawa/pagod sa pagkanta ng 'Emo rock songs' to keep me awake, at sa mga mababait na employees ng company dahil naging mabait sila sa akin. Salamat ng marami.
*over all nag-enjoy naman ako*
for the record:
2 patient -sent home
2 patient -advised for rest
46 patient -regular visit [ out of 46, 3 lang ang babae] at
2 pasaway - na hindi nagbalik ng form...
share ko lang mga pix.. pra mgkaron kau idea kung ano b itsura ng clinic.
1st day ko.. ganito pa itsura ng clinic
(obviously, nki2ta nio nmn kung ano gngwa ko sa comp. dba..)
dko expected, may 2nd day pla.. hehe...
at ganito na itsura ng clinic!
chedeng!... bigatin!.. may doctor na kc..
sorry for the late pix.. now ko lng kasi naupload..
5 comments:
sorry, anong pt? hehe. ambobo ko.
physical therapist ang pumapasok sa utak ko.
uhm, patient?
okay first night mo as a reliever ah.. daming boylets agad ang naging patients mo.. hihiihi.. keep it up. mwah!
@yoshke: ay pcenxa. haha.. patients po yun.. na sanay na kc akong pt. lng e..
@claire: yup! my first and last!.. hahaha... oh well, sana lng masundan pa pra nmn msya ang pasko nmin!Ü
新年を寂しく過ごしている方に必見。まだ間に合う出逢いのサイトです。冬休み後半の思い出作りに異性と過ごしませんか?今から始まる異性との新たな関係を築き、一年の初めを良い思い出に変えましょう
Post a Comment