Saturday, December 13, 2008

Init ulo

“Don’t let your emotions rule you, instead RULE YOUR EMOTIONS!” - yan dapat ang isaisip ng mga tao sa panahong inaatake sila ng ‘init-ulo syndrome’..

3 times ng muntik malagay sa panganib ang buhay ko kahapon dahil sa mga jeepney drivers na maiinit ang ulo.

Pagtapos ng training ko, nagpunta ako ng p’que para mag home visit. Pag sakay ko plang ng jeep may tension na agad sa paligid. Si Manong driver inaaway yung isang pasahero nyang babae. Pinipilit ni manong paupuin ng maayos yung babae dahil daw nagmumukhang puno yung jeep kaya walang gustong sumakay. Imbes umayos ng upo, lalo pang inasar ng babae si Manong driver dahil tinaas pa nya yung isang paa na parang nasa bahay lang. Sa galit ni Manong, pinatakbo nya ng mabilis yung jeep na parang nasa expressway. Alam nyo naman siguro itsura ng highway pag rush hour dba?.. pero kay Manong, wala lang sknya yun. Basta galit sya at naiirita sya sa babae. Hello manong?? Pasahero mo din kaya ako! Nakalimutan nya atang may iba pa syang pasahero!.. Pasaway! RULES: Bawal magreact! Bawal huminga! Bawal sumigaw! Magdasal?! Uhmm.. pwede pa!.. yan lang ang tangi magagawa mo sa panahong mainit ulo ni Manong driver.

Fortunately, nakaligtas nman ako at walang banggaang ngyari.

From alabang to SM southmall, natapat na naman ako sa jeep na may mainit na ulong driver. Si kuya driver na walang ginawa kundi bumusina at sumingit sa lahat ng sasakyan. Kulang na lang ay sagasaan nya lahat ng tumatawid. Ikaw na hari ng daan. Sige lipad Kuya, lipad! RULES: Bawal tumawid! Bawal sumingit! Bawal ang paharang-harang! at Bawal ang pumara kung ayaw mo tumilapon palabas.. Nagmamadali si kuya may date pa ata sya at di pa sya nakakabili ng flowers.

Wala pang SM southmall bumaba nko. Mahirap ng mapag-initan lalo na’t 5 na lang kaming naiwan sa jeep.

Huling byahe ko na, maayos naman ang lahat ng biglang inaatake ng ‘init-ulo syndrome’ si Mamang driver. Pasaway naman kasi yung kotse, bigla biglang humihinto ng walang signal. Tsk tsk. Umusok tuloy ulo ni Mamang driver. Gusto nyang banggain yung kotse pro alam nyang wala syang pambayad. Kaya nagsisi-sigaw na lang sya ng “Put@#$ina! Tara*&%do ka ba? Umandar ka G*G*!!...” Hala na! Nagpapaulan ng malulutong na mura si Mamang driver. Kasing lutong ng mga tig-20 pesos na perang binibigay tuwing pasko. Ayan high blood na si Mamang driver. Kaya naman kapit na’t magdri2fting na siya!.. RULES: Bawal ang tutulog-tulog! Bawal ang dedma at walang pakialam! Bawal lumipat ng pwesto! Bawal ang walang hawak!... kung gusto mong mabuhay, kumapit ka lang and enjoy the ride!..

Infairness, ang aga kong nakauwi. 20mins. lang ang byahe ko from alabang hanggang sa amin na normally ay 1hr. kong tinatahak araw-araw. Mabilis ang byahe. Mabilis din akong mamamatay kung laging ganyan sila.

Kung mainit ulo mo, wag ka na lang humawak ng manibela. Mas madaling palitan ang nawalang kita kaysa sa nawalang buhay!..



Get this widget | Track details | eSnips Social DNA

3 comments:

kim said...

thank you kay Lord!!! you're alive bakla!!!! naabutan mo pa ang bukang liwayway ng 2009!!!!

Anonymous said...

parang ang saya naman at ang exciting nung araw na yun. wtf. hahaha

Belle Caballero said...

mas naapprec8 ko ang lyf after nun.. ahaha