Saturday, September 06, 2008

adik kba?!

Grabe ang mga news na napapanood ko ngayon sa Tv. Marami sa mga balita ay hindi ko talaga masikmura. Last week, tinopak akong manood ng S.O.C.O at sobrang nanlumo ako doon sa pinakita nilang case. Tungkol yun sa lalake na pinatay ang isang batang babae at kinain ang laman loob nito. (pasintabi lang po sa mga mahihina ang sikmura)

It was devastating. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa pag-iisip nun para magawa nyang patayin at kainin pa ang laman loob ng babaeng yun. Sabi nga nung witness, pati rin sya natakot kasi parang nakakita daw sya ng demonyo na namumula at nanlilisik ang mata. Feeling nya siya ang susunod na kakainin. Oh goodness… kung ako siguro yun, hindi ko na magagawa pang tumakbo dahil sobrang hihimatayin ako sa takot.

Naalala ko din, last month lang ata, may nabalita ding batang dinukutan ng mata ng isang adik. Nakita niyo ba yun?? Grabe! Kawawa naman yung bata. Kailangan nya dumaan sa surgery para ma-save yung natitira nyang mata. And sad to say, kaisa-isang mata na natira sa kanya ay hindi na rin nya magagamit dahil nasira na rin ang mga nerves nito.

Sobrang nakakapanlumo ang mga ganitong balita. Kaya naman minsan, wala na akong gana manood pa ng news dahil nabwibwisit lang ako sa mga naririnig ko. Walang pinagbago. Mga adik pa rin ang laging bida sa balita. Nakakasawa na!

Galit ako sa mga adik. (sino ba namang hindi??) Lahat naman ata tayo gusto natin tugisin kung saan at kanino ba nagmumula yung mga “bawal na gamot” na ginagamit sumisira sa buhay nila. Bakit ba kung kelan naghihirap tau, tsaka naman dumarami ang mga adik? Teka, totoo nga kayang mahirap tayo?? Kung ibabase ko sa balita ang estado ng buhay natin ngayon, masasabi kong mayaman tayo. Pakiramdam ko mayaman lahat ng adik, dahil nagagawa pa nilang gumastos ng pera makabili lang ng pangbisyo nila kahit mismo sila ay wala ng makain.

Maraming bese na ako nakakita ng marijuana (sobrang daming beses). Pero kahit kailan hindi sumagi sa isip kong tikman yun dahil 1st hindi ako marunong manigarilyo, 2nd takot akong makita yun pag nagpamedical exam ako at 3rd takot ako sa maaring maging epekto nun sa katawan at pag-iisip ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng makakita ako nun. Ang bigat sa loob. Halong galit, awa, at mga tanong ang namuo sa utak ko. Sobrang apektado ako dahil malapit sa puso ko ang nakitaan ko nun. Marami lang daw problema kaya kailangan nya nun.

Problema nga ba ang dahilan kung bakit natutulak silang gumamit nun? kelan ba nakalutas ng problema ang droga?

Kahit tumigil na sya ngayon sa paggamit nun, sinisisi ko pa din sarili ko dahil at one point in time hindi ko man lang sya natulungang lutasin ang problemang dinadala nya. Sa tingin ko, dito pumapasok ang kahalagahan ng pamilya. Kung may pamilya lang sana syang matatakbuhan at masasabihan ng problema, hindi na sana sya umabot sa ganoong sitwasyon. Kung nandyan lang sana ang pamilya nya para sumuporta, hindi na sana nya kinailangan pang hanapin ang “lakas ng loob” na kinakailangan nya sa usok at “high” feeling na nabibigay ng droga sa kanya. Kung naging pamilya lang sana ako sa kanya, hindi nya mararanasan ang pakiramdam ng nag-iisa. Im sorry.. and ill forever regret na wala ako nung panahong mas kailangan mo ng pamilya.


“Saludo ako sa mga nagbuwis ng buhay sa ngalan ng pakikipaglaban dito. Ganon din sa mga organisasyong kumikilos sa pagsugpo nito. Sa mga pamilya at magulang na may oras para alamin kung biktima ang mga anak nila. At higit sa lahat, sa mga taong matatag, matapang, at buong-loob na humaharap sa mga problema nila sa buhay” – Bob Ong “Ang paboritong libro ni hudas”





5 comments:

Anonymous said...

grabe naman. hindi ko napanood yun. pero madalas ako manood ng SOCO. pero sa ANC na, hindi si ABS.

Maria said...

ung pusa nyo adik? c hagebone ba yun? ayan.. kc nakababad ka na sa tv, try mo minsan radyo pra di ka na nakakakita ng adik.

Belle Caballero said...

@yoshke: one time, big time lang ako nkapanood nun tpos gnun pa yung pinakita nila.. e kmusta nmn,hating gabi na ata yun.. nakakatakot at nakakadiri talaga...

Belle Caballero said...

@icka: Hagedon yun nic! HAGEDON!!.. binababoy mo nmn pangalan ng alaga ko... ganda2 e.. hehehe Oo! adik yun! adik sa kain at tulog.. hehehe...

wala kmi radio.. andami kcng mga kachuvahan ang ga2win bgo lumabas yung radio.. hehehe... nagaabangan n nga lng ako ng mga chismis bka sakaling mgbago ang mood ko pag nano2od ng news.. hehe

duds1984 said...

grabe naman yun napanood ko nga yun kasuklam suklam yung pangyayaring yun, naglipana na talaga ang masasama sa mundo.