I was watching the Tyra Banks Show and they were discussing about “BARSEXUAL”. Akalain niyo, may ganon pa lang term. Sabi sa show, the term is used for girls who like kissing each other to get attentions from men. Madalas daw mangyari ito sa mga bar; kaya din siguro “BAR-sexual” ang tawag dito. Hehe. [sa tingin ko lang ha] Recently lang din ay mayroon lumabas na issue dito sa atin about this one female group na nakita sa mga pictures na naghahalikan, and they were branded as lesbians. Yun din ang akala ko. But sabi sa show, most of the barsexuals pala ay mga “straight” o mga babaeng lalake pa rin ang hanap. They are just doing this to get some free drinks sa bar or pwede ding to get sexual arousal sa mga lalakeng tumitingin o nanonood sa kanila. Guys find it HOT when they see girls kissing and licking each other. Unusual daw kasing panoorin ang mga ganoon kaya in some way, nakaka turn on daw sa kanila ang mga ganoong act.
If you think about it, its kinda weird how they managed to do such thing as kissing and yet doesn’t feel any “unusual feeling” towards their partners. Pwede bang mangyari na hindi ka maattach sa kakissing scene mo? I guess some how merong feeling of arousal everytime na ginagawa yun. Dba sabi nga nila “it starts with a kiss”.. I guess, a smack kiss is ok and normal for close friends but when it becomes torrid and there is already an exchange of saliva, parang medyo ibang level na ata yun and it exceeds the limit of being normal.
I’m not against nor in favor of lesbians. Wala lang. [Wala lang means wala akong pakialam.] Hehe. Im not God to question their sexual preferences. But if girls like these doing this kind of act just to get attention from guys, then medyo nakakabother yun dahil nagmumukha silang cheap and easy-to-get sa mata ng mga tao especially sa mga lalakeng inaakit nila. If they are looking for a long term relationship, then its not going to work out kung ganito ang style mo.
+_+_+_+_+_+_+_+_+_
Kahapon, me and my friends were checking out some books sa powerbooks in MOA. And one of my friend saw the bubble gang book of vocabularies. Nakakatawa lang kasi one of the newly discovered term naming ay “SENTILIBRE” which means mga taong nagpapaawa o nagdradrama para makalibre. Natawa ako kasi madalas nililibre ako ng friends ko dahil sinasabi ko lagi na “wala akong pera” [which is true!]. well, anu magagawa ko kung madalas akong walang pera. Hirap kaya kumupit dito sa amin. Haha. joke!
Aside sa sentilibre na mukhang madalas ko ng maririnig sa tropa ko, marami pa kaming nakitang kakaiba at kakatuwang mga words na tuklasan tulad na lang ng:
Phone-nographer – mga taong walang inatupag kundi kumuha ng pictures gamit ang camera phone nila.
Tsiskosa – taong gumagawa ng mga issue para may mapagusapan o mapagkwentuhan sa telepono.
Bralip – mga lalakeng mahilig tumingin sa parting kilikili ng mga ababe para makita kung anong kulay ng bra ang suot nila.
Wingwang – magsyota na kung saan pangit ang isa at maganda o gwapo naman ang isa.
Aarghh.. hindi ko na maalala yung iba. Kung may alam pa kayo, share naman. =)
No comments:
Post a Comment