Friday, September 12, 2008

Dream Job

Dahil nga buhay tambay prin ako hanggang ngayon, iniisip ko tuloy kung ano ba talaga gusto kong mangyari sa buhay ko. Kung anong trabaho ba ang gusto kong pasukin. Kung anong direksyon ba ako gusto kong tahakin. Hanggang ngayon kasi naguguluhan pa rin ako.

Lahat naman tayo during our childhood days, we dream of becoming someone. Maybe a doctor or a lawyer or someone like our parents. Ganon ka extreme yung mga gusto nating trabaho pag laki natin. Pero ngayong malaki na ako, gusto ko yung medyo attainable naman. Yung tipong hindi malayong marating.

Sa goal setting daw dapat SMART – specific, measurable, attainable, realistic, at timely/time based. Pero kahit naman napaka impossible ng mga gusto mo, kung pagsusumikapan mo, hindi malayong magkatotoo yun. As long as you put your heart and soul, makakamit mo ang lahat ng naisin mo.

Kaya heto gumawa ako ng TOP 10 list ng mga Dream Jobs ko. Baka sooner or later, matupad magawa ko din eto.

10. LOUNGE SINGER

Hindi naman ako magaling na singer. [sabi nga nila, Marunong lang!] Pero gusto ko ang trabahong ito kasi magagawa mong ishowcase ang talent mo tapos babayaran ka pa nila ng malaki. Wala ka namang ibang gagawin kundi ientertain sila sa pamamagitan ng boses mo. Kung baga, Talent lang ang puhunan. At ang maganda sa lahat, may chance kang makakilala ng mga mayayaman doon. And who knows, isa sa mga yun magustuhan ka at yayain kang pakasalan. Why not dba??

9. MODEL

Lahat naman ata ng babae sa mundo ay gustong maging model. Syempre hindi ako papahuli. Hehe. Ok na sa akin kahit model ng sapatos. Kahit paa ko lang ang kukunan, masaya na ako doon as long as may billboard ako sa EDSA. Kaya lang medyo nagkadisaster ang paa ko lately dahil sa tubig sa dorm. Kailangan ko pa ng maraming sebo de macho at kleigman’s cream para matanggal ang mga bakas na naiwan sa paa ko. =’(

8. PRE SCHOOL TEACHER

Actually, bata pa lang ako hilig ko na talagang magtitser-titseran. Kinokonchaba ko pa mga bata dito samin para sila ang gumanap na mga estudyante ko. Gusto ko kasing magamit ang kadaldalan ko sa tamang paraan. Pre-school ang gusto kong turuan if ever kasi mga bata pa sila at walang muwang sa mundo. Hindi nila malalaman na mali na pla ang tinuturo ko. Walang magtatanong ng mga complicated questions at hindi krin nila oobligahin na sagutin yung tanong nila. Basta sabihin mo lang, “masyado ka pang bata. Next time ko na lang sasabihin pag malaki kna.” Hehe.. instant palusot! Tsaka pag bored kna, pwede mo na lang sila bigyan ng coloring book at hayaang mgcolor o magdrawing. For sure, kahit matulog ka sa desk mo hindi nila mapapansin dahil busy silang magpantay-pantay at ingatang wag lalampas ang kulay sa linya.

7. CHEF/BAKER

Nasabi ko na sa previous entry ko na I’m a frustrated baker. Gusto ko talaga sa kusina at magluto ng kung anu-ano. Fan talaga ako ng mga cooking show sa Tv kaya naman I try my best na gayahin yung mga ginagawa nila, pati presentation ginagaya ko din para pag sumablay sa lasa atleast nadaan naman sa presentation. Hehe.

6. INTERIOR DESIGNER

Alam niyo yung sa Tv na nagmamake-over ng mga bahay, yun ang gusto ko! Ang sarap kasi ng feeling pag nakita mo na malaki ang nagbago sa itsura ng bahay dahil lang binago mo yung pintura or nagpalit ka ng mga furnitures. Yung tipong dull and boring ginawa mong cozy yung feeling o di kaya from typical house ginawa mong modern yung look. Ang saya! Kaya lang ang problema, hindi ako marunong magdrawing. Hehe. Importante pa naman yun na may view ka kung anong kalalabasan ng pagaayos mo. Hindi yung bara-barang gawa lang. hehe. Di bale, marami naman akong friends na magaling magdrawing.. sa kanila na lang ako magpapagawa ng concept.

5. STEWARDESS/FLIGHT ATTENDANT

Eto ang dream ko ever since bata pa ako. pag tinatanong sa class kung anu ang gusto naming paglaki, stewardess ang sinasabi ko. Oh diba! Bongga! Ito dapat kukunin kong course nung college kaya lang bagsak ako sa height. Atleast 5’5” kasi ang gusto nila at kasamaang palad 5’3” lang ang height ko. how sad.. kung nagtakong lang ako ng 2” baka sakaling nakalusot pa ako. hehe. Type na type ko kasi yung uniform nila at tsaka dream ko din makapagtravel around the world.

4. ACCOUNTANT/TELLER/CASHIER

Anything basta sa bangko at humahawak ng pera, yan ang trip kong trabaho. Kaya naman unang sabak ko sa college, accountancy na agad kinuha ko. Siguro malaking impluwensya yung tindahan namin kaya naengganyo akong kumuha ng course na related sa paghahawak at pagtatago ng pera. Ok naman sana yung sa tindahan kaso ang gusto ko automatic yung kaha. Gusto ko yung katulad sa mga supermarkets na tumutunog pag pinipindot at may mga resibong lumalabas. Ewan ko ba pero nageenjoy talaga ako doon. Ang mahirap lang kasi dito sa tindahan, wala akong sweldo. Kung magkakaroon man, sariling effort ko pa. Ano ba naman yung 20 pesos na kupit kada araw kapalit ng pawis at pagod ko sa pagtataray sa mga customers.

3.WEDDING/EVENT PLANNER

Hay naku! Kung may course lang na ganito sa college, im sure dito ako nagenroll. Hilig ko talaga mag organize ng mga event lalo na pag may budget. Haha. Pero dahil nga wala namang humihingi ng tulong ko, kusa na lang akong nakikisawsaw at nagvovolunteer na ako na lang ang magaayos. Medyo stressful yung trabaho pero walang katulad pa rin yung feeling pag nakita mong naging successful yung ginawa mo at maraming natuwa.

2. CRUISE SHIP NURSE

Eto talaga ang medyo close to reality. Now na nurse na ako, gusto ko talaga magamit yung pinag-aralan ko. At dahil nga mahilig akong magtravel, this is the perfect job for me! sobrang eager akong makapagwork sa isang cruise ship/luxury liner maybe after years of experience sa hospital. Ok lang yun tutal mostly ng mga nurses sa barko ay matatanda na. So pwede na siguro ako doon pag mga 35 na ako. hehehe. Kaya lang medyo nag-aalangan pa akong ituloy ito dahil sinabihan ako ng manghuhula na bawal daw ako sa tubig. Anything to do with water, bawal ako doon kung gusto ko pang mabuhay ng matagal-tagal. (nakakainis! Bakit nya pa kasi sinabi yun naprapraning tuloy ako)

1. FOOD TASTER

Eto na nga siguro ang pinaka masarap na trabaho sa buong mundo. Imagine, uupo ka lang doon, titikim ng pagkain, at sasabihin mo lang kung masarap o hindi. Tapos ang trabaho. Nabusog ka na, kumita ka pa! ang sarap dba?? Kaya nga inggit na inggit ako dun sa mga judges ng mga cooking show contest. Ang sarap ng buhay nila. Natitikman nila yung mga masasarap na food na hinahain ng mga chef. Gosh! Saan ba ako pwedeng mag-apply para sa trabahong ito?? Waahh.. gusto ko talaga nito!

Kung binasa mo lahat, mapapansin mo na more on traveling at mga trabahong hindi na masyadong ginagamitan ng utak ang gusto ko. Aminado naman akong hindi ako matalino at wala akong talent sa PR. Mga simpleng trabaho lang ang gusto ko as long as sapat-sapat naman ang kita. Kahit kailan talaga hindi sumagi sa isip ko ang magdoktor o maging lawyer. Haha. isipin ko man, hindi talaga kaya eh.. kailangan ko pang uminom ng S26 at Promil kung gusto kong buruhin ang sarili ko sa pag-aaral. Sana kahit isa sa mga eto, magawa ko balang araw. Para pag dating ko sa self-actualization stage, masasabi kong kontento na ako sa kinalabasan ng buhay ko.

5 comments:

Anonymous said...

gusto ko rin ang food taster... pero ayoko ng filipino cuisine, sawa na ako eh.. dapat cuisine ng ibang bansa.. hahaha.. ambisyoso rin ako eh...

swimming lesson ang kasagutan.. pag magiging cruise ship nurse ka it's a must that you know how to swim.. siyempre kasama sa trainings mo on how to save others life.. hindi lang how to save your life... kaya pwede pa ang no.2 mo..

Belle Caballero said...

ayw! may life vest nmn e.. ok na yun.. tpos knya2 ng langoy yan.. hehehe... nka2hiya ng mgpaturo ng swimming e.. matigas na buto2 ko.. mahirap nko turuan! hehehe

Anonymous said...

maarte ka lang.. nagdadahilan pa ampotah.. ndi ka papayagan sa cruise ship kung ndi ka marunong lumangoy.. siyempre trabahador ka dun eh..

Arianne The Bookworm said...

ang galing naman nito, belle! gusto ko rin mag-stewardess noon.. pero wala din akong height na maipagmamalaki, hehehe..alam mo, sabi nga ni Manny Villar, Sipag at Tiyaga lang kelangan, malay mo, makamit mo nga ang isa sa mga dream jobs mo... Go go! :D

Belle Caballero said...

uu nga.. sayng kinulang p tau sa ht.. mahal p kc cherifer nung bata ako e kya d me nkainom nun.. hehehe...