Saturday, November 01, 2008

Back to square one


4am dapat gising na ako. By 6am dapat nasa byahe na ako. 8am dapat nandun na ako sa place na pupuntahan ko at nagaayos, getting ready for the workloads na ibibigay sa akin. Ganyan na dapat ang takbo ng buhay ko ngayon. Pero heto ako, naka upo na naman sa harap ng computer at gumagawa ng mga walang kwentang bagay.

When I was called for an orientation, excited ako! Although iba ang nature ng work pero masaya ako dahil yun talaga ang pinapangarap ko. Dressed in my corporate clothes, feel na feel ko ang magandang ambiance ng workplace. Hindi ito katulad ng ibang office na pagpasok mo pa lang matotoxic ka na. Amaze na amaze ako. Todo lundag ang puso ko sa tuwa. At ramdam na ramdam ko ang ngiti ko na abot hanggang tenga. Ang sarap sa pakiramdam.


Habang busy si Mam sa pagtuturo kung anong meron dito, doon, kung saan ako pupunta pag kailangan ko yun, yan, at kung saan ko hahanapin ang mga boss ng bawat department, ako naman – busyng busy mag observe sa mga ginagawa ng mga nagtratrabaho doon. Until finally, tinuro nya yung table and told me “yan ang place mo”.. Wow! Bongga! May sarili akong computer, table, at mga gamit – I have my own special place. Gosh! Am I dreaming ba?!..


We were doing well on the orientation. Pinakilala nya na ako sa mga ‘kapitbahay’ naming department. Pinagawan nya na ako ng sarili kong email na nakaaddresss sa company nila. At pinagawan nya na ako ng mga forms na may pangalan ko para next time, pirma ko na lang ang ilalagay. Dinalaw na rin ako ng Company Director to welcome me and check kung natuturuan ba ako ng maayos. Ok naman ang lahat. Until dumating yung HR director and talked to my supervisor about something na related sa akin. [Ok belle, tuloy mo lang ginagawa mo. Magpakabusy ka lang, tutal ‘first day’ mo]


After some time, kinausap na rin ako nung supervisor ko at sabi mag halfday muna ako dahil may aayusin lang daw sila. So I thought aayusin nila ang contract ko at mga forms na kailangan kong pirmahan bago ako ma-hire. She’ll just text na lang daw.


Ok. I smell something fishy. This is not good – yan ang nasabi ko sa sarili ko.


Pag-uwi ko, napaisip ako pero I chose to sleep first kasi medyo nabigla ata ang katawan ko at dina sanay gumising ng maaga. Nagising na lang ako dahil ramdam kong may tumatawag sa phone ko. It was my supervisor. She told me na nagkaroon ng ‘internal problem’ kaya wait ko na lang daw ang text nya kung kelan ulit ako magrereport for work. Syempre, OK lang nasabi ko. Windang pa ang lola.


I was so confused na hindi ko na talaga kinaya pang matulog nung gabing yun. The next morning I decided to text her about my concerns. Buti na lang mabait sya at tumawag talaga sya sa landline namin para maexplain nya ng maayos kung ano ba talaga ngyayari. She told me na late that afternoon lang sila nasabihan ng HR na freeze hiring sila. And the memo was from the President. Kaya gustuhin man nila magdagdag ng tao for that department hindi pwede dahil ang president ang may control ng lahat. Even the director, walang nagawa kundi sumunod. To think na sya ang nagpasok sa akin for that position. Sa ngayon, ipapasok muna daw ako as reliever while waiting kung kelan ulit sila mag-oopen for hiring. Sobrang sorry talaga sya ng sorry sa akin. Hindi daw nya alam na may ganong memo. Miski sya nainis dahil napahiya sya sa akin. Its ok, sabi ko sa kanya.


Haaaayz.. panira ng momentum!.. work na work na ako tapos na wala pa!


Sobrang nawalan ako ng gana that day. Buti na lang andyan si Kikay to cheer me up. Sya rin kasi kasama ko that day nung ipatawag ako for an interview at ng sabihin nila na “Congrats jobelle! See you tomorrow in the office at 8am”..


Kaya ngayon, back to square one! Apply ulit. But this time hindi na limited to hospitals ang aaplyan ko. Now na naexperience ko ‘kahit papano’ how it is working in an office, icoconsider ko na sya as one of my options. Although alanganin na ngayon mag-apply dahil malapit na matapos ang taon atleast nag try man lang ako.


Pasensya na kung makita niyo man akong malungkot, tulala at wala sa sarili. Hayaan niyo lang ako. Busy lang akong kausapin si Lord at tanungin kung ano pang steps ang gagawin ko para makahanap ng work.



“When God gives us a ‘NO’ for an answer,

keep in mind that there is a much greater ‘YES’ behind it!

God’s ‘NO’ is not a rejection,

but a REDIRECTION..”




3 comments:

Belle Caballero said...

sorry kung now ko pa napiling ipost e2. sa mismong araw ng patay! haha.. feeling ko kc dat tym namatayan din ako. namatayan ako ng pag-asa... haaayzz.. pro ngyon ngre2cover na ako.

Anonymous said...

hindi rin naman siguro magtatagal yan, panira lang talaga ng moment yung el presidente but at least reliever ka naman.

siguro nagkaron ng unting problema sa langit, nagkamali si lord ng bigay na trabaho sa'yo tas nung ni-recall hindi nga para sa'yo, dahil may mas ibibigay siyang maganda sa'yo.juwait ka lang.

"Challenges are gifts that force us to search for a new center of gravity. Don't fight them. Just find a different way to stand."
-oprah winfrey

Belle Caballero said...

thnx nic.. gs2 ko sna antayin kso nttkot ako bka mghintay lng ako sa wla.. Y_Y