Friday, May 30, 2008

Dami ng nagbago

Kahapon, sa muli kong paglabas sa mundo, doon ko lamang napansin na marami na plang nagbago. Una na nga dyan ay ang pamasahe sa jeep. Hindi na pla 7.50 kundi 8 pesos na ito. Napahiya pa tuloy ako sa driver nung hingin ko ang sukli kong 50 cent. Cenxa na. Mangmang lang!

Marami nring plng nagsulputang Commercial Space sa Times [un ba ang tawag dun?]. Mas lalong dumami ang mga kainan, photocopy center, at PC shop. Pero xempre, magbago man ang lahat, dumaan man ang bagyo at sumikat na muli ang araw, matatag pa din ang shop ni Kuya Mon. Kahit maliit, malakas prin ang kita! Bongga ka Kuya Mon!

Sa aking pag gagala, napadpad ako sa SM Southmall. Hmmm. Kelan nga ba last punta ko doon? Can’t remember!.. Buti nlng at naisipan kong bilhan ng sumbrero ang napaka-cute kong pamangkin. Kaya dali-dali akong pumunta sa babies section para maghanap. Pero mukhang nainvade na ng mga “baby girl’s stuffs” ang buong section at tila wala na akong makitang damit o gamit pang lalake. Haaayz. Ang hirap tlgang hanapan ng gamit ang mga lalake! [mahal na, konti pa ang choices]

At tutal nsa SM nko, sinamantala ko nrin maghanap ng studio especially made for babies. Ang dating studio sa taas ng SM na kung saan nagpapahiram ng mga costumes ay wala na’t tuluyan ng umalis sa SM. Gosh! Hindi kami nakaabot! Cute pa naman sana. Affordable pa. Sayang talaga!

Oh well, time to go home.. Ok na sana ang day ko ng may nakita akong nagpabago ng mood ko.

I just saw my Ex!.. OMG!.. nag tachycardia ako. Panic level. Hindi ko alam kung saan magtatago. Buti nlng nakatalikod sya at hindi nya ako nakita! Khit nkatalikod sya, Im 99.9% sure na sya yun!.. pero im praying na ung 0.1% ay sapat na pra magkamali ako ng hinala. Todo dasal tlga ako. Kulang nlng ay lumuhod ako sa mall mapakinggan lang ni Lord ang dalangin ko!

Kahit saglit ko lang sya nasulyapan, pansin kong madami nring ngbago sknya. Bumalik na ung dati nyang hair, mukhang matured na sya, and I think he’s already working [base sa damit nya dat time]. Kaya nman nkakahiya kung makikita nya akong nkashirt & jeans lang at may hawak pang brown envelope. Waaah. Halatang tambay lang! [oh well, atleast may license na! Ahaha..]

Dahil sa pangyayaring yun, naisipan ko munang magtago sa Jobi, magpalipas oras at pakalmahin ang sarili.

Ready na akong umuwi. Wala na ang balakid.

Few steps away sa exit door, nakita ko sya

at nakita nya ako.

Holy moly! Walang kawala!

Nasabi ko nlng tuloy, “Uy!”

Smile.

Sabay alis.

4 comments:

Anonymous said...

naku gusto ko tlgang magcomment eh.. kasi naman nakalagay told you i'm charming nagaalangan tuloy ako.. hmmppp

anyways.. hahaha nakita mo ex mo? ano feeling? arte nito, may takot effect ka pa ha.. past is past haha..

naku sinabi mo pa mahirap ngaun ang mag anak ng lalake kasi walang maireregalo matino walang bonggang party kasi lahat puro simple lang hahaha..

Belle Caballero said...

hay nku! not nmn really takot, pro prang nhiya ako.. owkie lng sna kng nkadress ako e.. hehehe...

Arianne The Bookworm said...

ahh.. ganyan din ako noon nung makita ko yung ex ko. parang alanganin na magpakita. basta, parang mas mabuti pa nga magtago at wag na lang makita poreber.. hehehe.

i love your posts. nakakaaliw kang magkwento :)

Belle Caballero said...

haha.. cnbi mo pa! sna forever nlng kau ndi mgkita!.. mas ok na un kysa mkita k nyan gnon pdin.. wlang pingbago.. huhuhu.. T_T