Saturday, September 20, 2008

Magalang akong bata


Bastos ba ang tawag sa batang hindi marunong gumamit ng Po at Opo? Kabastusan na bang maituturing kung hindi mo tawaging Ate ang iyong ate at Kuya ang iyong kuya? Nababastusan ka ba sa mga batang nakikipag-usap sa kanilang magulang na parang kalevel lang nya?

Kung Oo ang sagot niyo, ibig sabihin Bastos pala ako.

Aminado naman ako na hindi kami lumaking pala Po at Opo. Siguro nung bata pa kami madalas naming sabihin iyon, na tipong sa bawat salitang aming sasabihin ay may nakaduktong na Opo sa huli. Pero habang kami’y lumalaki, tila unti-unti na rin nababawasan ng mga letra sa salitang Opo. [Opo – Po – at hanggang naging Oh na lang.] Nagkagayun man, kahit kailan hindi ko naringgan ang mga magulang ko na sinabihan kaming bastos dahil lang hindi kami nag Po at Opo.

Jik – yan ang tawag ko sa Kuya ko. Dito sa bahay, hindi uso samin ang tawagang Kuya. Minsan lang mangyari yon pag tinotopak ako. Hehehe. Pero mas madalas at mas kumportable akong tawagin sya sa kanyang palayao dahil madaling sabihin at mas maiksi kaysa sa Kuya. Kahit na maliit (2yrs) lang ang agwat ng edad namin, hindi kami lumaking close. Siguro dahil lalake sya at iba ang mga hilig nya. Para kaming aso’t pusa na araw araw, oras oras kung mag-away. Patayan kung patayan ang labanan. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko sya tinatawag na Kuya. Pero kahit ganon, never ko pa sinaway ang utos nya (takot ko lang!).

Ang maganda sa pamilya ko, close kami sa parents namin. Bestfriend ang turing ko sa Mama ko at parang magkatropa naman si Daddy at si Jik. Kaya naman kung makikinig kayo sa usapan namin, mapapaisip kayo dahil para lang kaming makakaedad kung magusap usap. Sa sobrang open ng communication namin, nagagawa namin sabihin lahat ng gusto namin kahit na minsan dumarating sa point na bumabaliktad ang mundo at kami ang nagmumukhang magulang at sila naman ang mga anak na pinagagalitan.

Siguro nga ang pagiging magalang ay nagsisimula sa tahanan. Pero hindi ko sinisisi ang mga magulang ko (hinding hinde!!) kung bakit lumaki kaming ganito. Hindi man kami gumagamit ng Po at Opo, hindi ko man tawaging Kuya ang kuya ko at kausapin ko man ang mga magulang ko na parang katropa ko lang ay hindi ibig sabihin hindi ako/kami marunong gumalang. Isang bagay lang na tinuro sa amin ng mga magulang namin tungkol sa paggalang at yun ay ang hindi pagtapak sa pagkatao ng iba. Yun ang mas imporatante sa lahat. Bata, matanda, may pinag-aralan ka man o wala, wala kang karapatan na maliitin ang ibang tao. You shouldn’t make someone feel that they are little less than they know themselves. At dahil dyan, masasabi kong Magalang akong bata!..

Para sa mga taong sinasabing bastos ako/kami, eto lang ang masasabi ng Mama ko dyan:

“Hindi niyo kilala ang mga anak ko, kaya wala kayong karapatang sabihan sila ng ganyan!” ---base on true to life experience

Friday, September 12, 2008

Dream Job

Dahil nga buhay tambay prin ako hanggang ngayon, iniisip ko tuloy kung ano ba talaga gusto kong mangyari sa buhay ko. Kung anong trabaho ba ang gusto kong pasukin. Kung anong direksyon ba ako gusto kong tahakin. Hanggang ngayon kasi naguguluhan pa rin ako.

Lahat naman tayo during our childhood days, we dream of becoming someone. Maybe a doctor or a lawyer or someone like our parents. Ganon ka extreme yung mga gusto nating trabaho pag laki natin. Pero ngayong malaki na ako, gusto ko yung medyo attainable naman. Yung tipong hindi malayong marating.

Sa goal setting daw dapat SMART – specific, measurable, attainable, realistic, at timely/time based. Pero kahit naman napaka impossible ng mga gusto mo, kung pagsusumikapan mo, hindi malayong magkatotoo yun. As long as you put your heart and soul, makakamit mo ang lahat ng naisin mo.

Kaya heto gumawa ako ng TOP 10 list ng mga Dream Jobs ko. Baka sooner or later, matupad magawa ko din eto.

10. LOUNGE SINGER

Hindi naman ako magaling na singer. [sabi nga nila, Marunong lang!] Pero gusto ko ang trabahong ito kasi magagawa mong ishowcase ang talent mo tapos babayaran ka pa nila ng malaki. Wala ka namang ibang gagawin kundi ientertain sila sa pamamagitan ng boses mo. Kung baga, Talent lang ang puhunan. At ang maganda sa lahat, may chance kang makakilala ng mga mayayaman doon. And who knows, isa sa mga yun magustuhan ka at yayain kang pakasalan. Why not dba??

9. MODEL

Lahat naman ata ng babae sa mundo ay gustong maging model. Syempre hindi ako papahuli. Hehe. Ok na sa akin kahit model ng sapatos. Kahit paa ko lang ang kukunan, masaya na ako doon as long as may billboard ako sa EDSA. Kaya lang medyo nagkadisaster ang paa ko lately dahil sa tubig sa dorm. Kailangan ko pa ng maraming sebo de macho at kleigman’s cream para matanggal ang mga bakas na naiwan sa paa ko. =’(

8. PRE SCHOOL TEACHER

Actually, bata pa lang ako hilig ko na talagang magtitser-titseran. Kinokonchaba ko pa mga bata dito samin para sila ang gumanap na mga estudyante ko. Gusto ko kasing magamit ang kadaldalan ko sa tamang paraan. Pre-school ang gusto kong turuan if ever kasi mga bata pa sila at walang muwang sa mundo. Hindi nila malalaman na mali na pla ang tinuturo ko. Walang magtatanong ng mga complicated questions at hindi krin nila oobligahin na sagutin yung tanong nila. Basta sabihin mo lang, “masyado ka pang bata. Next time ko na lang sasabihin pag malaki kna.” Hehe.. instant palusot! Tsaka pag bored kna, pwede mo na lang sila bigyan ng coloring book at hayaang mgcolor o magdrawing. For sure, kahit matulog ka sa desk mo hindi nila mapapansin dahil busy silang magpantay-pantay at ingatang wag lalampas ang kulay sa linya.

7. CHEF/BAKER

Nasabi ko na sa previous entry ko na I’m a frustrated baker. Gusto ko talaga sa kusina at magluto ng kung anu-ano. Fan talaga ako ng mga cooking show sa Tv kaya naman I try my best na gayahin yung mga ginagawa nila, pati presentation ginagaya ko din para pag sumablay sa lasa atleast nadaan naman sa presentation. Hehe.

6. INTERIOR DESIGNER

Alam niyo yung sa Tv na nagmamake-over ng mga bahay, yun ang gusto ko! Ang sarap kasi ng feeling pag nakita mo na malaki ang nagbago sa itsura ng bahay dahil lang binago mo yung pintura or nagpalit ka ng mga furnitures. Yung tipong dull and boring ginawa mong cozy yung feeling o di kaya from typical house ginawa mong modern yung look. Ang saya! Kaya lang ang problema, hindi ako marunong magdrawing. Hehe. Importante pa naman yun na may view ka kung anong kalalabasan ng pagaayos mo. Hindi yung bara-barang gawa lang. hehe. Di bale, marami naman akong friends na magaling magdrawing.. sa kanila na lang ako magpapagawa ng concept.

5. STEWARDESS/FLIGHT ATTENDANT

Eto ang dream ko ever since bata pa ako. pag tinatanong sa class kung anu ang gusto naming paglaki, stewardess ang sinasabi ko. Oh diba! Bongga! Ito dapat kukunin kong course nung college kaya lang bagsak ako sa height. Atleast 5’5” kasi ang gusto nila at kasamaang palad 5’3” lang ang height ko. how sad.. kung nagtakong lang ako ng 2” baka sakaling nakalusot pa ako. hehe. Type na type ko kasi yung uniform nila at tsaka dream ko din makapagtravel around the world.

4. ACCOUNTANT/TELLER/CASHIER

Anything basta sa bangko at humahawak ng pera, yan ang trip kong trabaho. Kaya naman unang sabak ko sa college, accountancy na agad kinuha ko. Siguro malaking impluwensya yung tindahan namin kaya naengganyo akong kumuha ng course na related sa paghahawak at pagtatago ng pera. Ok naman sana yung sa tindahan kaso ang gusto ko automatic yung kaha. Gusto ko yung katulad sa mga supermarkets na tumutunog pag pinipindot at may mga resibong lumalabas. Ewan ko ba pero nageenjoy talaga ako doon. Ang mahirap lang kasi dito sa tindahan, wala akong sweldo. Kung magkakaroon man, sariling effort ko pa. Ano ba naman yung 20 pesos na kupit kada araw kapalit ng pawis at pagod ko sa pagtataray sa mga customers.

3.WEDDING/EVENT PLANNER

Hay naku! Kung may course lang na ganito sa college, im sure dito ako nagenroll. Hilig ko talaga mag organize ng mga event lalo na pag may budget. Haha. Pero dahil nga wala namang humihingi ng tulong ko, kusa na lang akong nakikisawsaw at nagvovolunteer na ako na lang ang magaayos. Medyo stressful yung trabaho pero walang katulad pa rin yung feeling pag nakita mong naging successful yung ginawa mo at maraming natuwa.

2. CRUISE SHIP NURSE

Eto talaga ang medyo close to reality. Now na nurse na ako, gusto ko talaga magamit yung pinag-aralan ko. At dahil nga mahilig akong magtravel, this is the perfect job for me! sobrang eager akong makapagwork sa isang cruise ship/luxury liner maybe after years of experience sa hospital. Ok lang yun tutal mostly ng mga nurses sa barko ay matatanda na. So pwede na siguro ako doon pag mga 35 na ako. hehehe. Kaya lang medyo nag-aalangan pa akong ituloy ito dahil sinabihan ako ng manghuhula na bawal daw ako sa tubig. Anything to do with water, bawal ako doon kung gusto ko pang mabuhay ng matagal-tagal. (nakakainis! Bakit nya pa kasi sinabi yun naprapraning tuloy ako)

1. FOOD TASTER

Eto na nga siguro ang pinaka masarap na trabaho sa buong mundo. Imagine, uupo ka lang doon, titikim ng pagkain, at sasabihin mo lang kung masarap o hindi. Tapos ang trabaho. Nabusog ka na, kumita ka pa! ang sarap dba?? Kaya nga inggit na inggit ako dun sa mga judges ng mga cooking show contest. Ang sarap ng buhay nila. Natitikman nila yung mga masasarap na food na hinahain ng mga chef. Gosh! Saan ba ako pwedeng mag-apply para sa trabahong ito?? Waahh.. gusto ko talaga nito!

Kung binasa mo lahat, mapapansin mo na more on traveling at mga trabahong hindi na masyadong ginagamitan ng utak ang gusto ko. Aminado naman akong hindi ako matalino at wala akong talent sa PR. Mga simpleng trabaho lang ang gusto ko as long as sapat-sapat naman ang kita. Kahit kailan talaga hindi sumagi sa isip ko ang magdoktor o maging lawyer. Haha. isipin ko man, hindi talaga kaya eh.. kailangan ko pang uminom ng S26 at Promil kung gusto kong buruhin ang sarili ko sa pag-aaral. Sana kahit isa sa mga eto, magawa ko balang araw. Para pag dating ko sa self-actualization stage, masasabi kong kontento na ako sa kinalabasan ng buhay ko.

Saturday, September 06, 2008

adik kba?!

Grabe ang mga news na napapanood ko ngayon sa Tv. Marami sa mga balita ay hindi ko talaga masikmura. Last week, tinopak akong manood ng S.O.C.O at sobrang nanlumo ako doon sa pinakita nilang case. Tungkol yun sa lalake na pinatay ang isang batang babae at kinain ang laman loob nito. (pasintabi lang po sa mga mahihina ang sikmura)

It was devastating. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa pag-iisip nun para magawa nyang patayin at kainin pa ang laman loob ng babaeng yun. Sabi nga nung witness, pati rin sya natakot kasi parang nakakita daw sya ng demonyo na namumula at nanlilisik ang mata. Feeling nya siya ang susunod na kakainin. Oh goodness… kung ako siguro yun, hindi ko na magagawa pang tumakbo dahil sobrang hihimatayin ako sa takot.

Naalala ko din, last month lang ata, may nabalita ding batang dinukutan ng mata ng isang adik. Nakita niyo ba yun?? Grabe! Kawawa naman yung bata. Kailangan nya dumaan sa surgery para ma-save yung natitira nyang mata. And sad to say, kaisa-isang mata na natira sa kanya ay hindi na rin nya magagamit dahil nasira na rin ang mga nerves nito.

Sobrang nakakapanlumo ang mga ganitong balita. Kaya naman minsan, wala na akong gana manood pa ng news dahil nabwibwisit lang ako sa mga naririnig ko. Walang pinagbago. Mga adik pa rin ang laging bida sa balita. Nakakasawa na!

Galit ako sa mga adik. (sino ba namang hindi??) Lahat naman ata tayo gusto natin tugisin kung saan at kanino ba nagmumula yung mga “bawal na gamot” na ginagamit sumisira sa buhay nila. Bakit ba kung kelan naghihirap tau, tsaka naman dumarami ang mga adik? Teka, totoo nga kayang mahirap tayo?? Kung ibabase ko sa balita ang estado ng buhay natin ngayon, masasabi kong mayaman tayo. Pakiramdam ko mayaman lahat ng adik, dahil nagagawa pa nilang gumastos ng pera makabili lang ng pangbisyo nila kahit mismo sila ay wala ng makain.

Maraming bese na ako nakakita ng marijuana (sobrang daming beses). Pero kahit kailan hindi sumagi sa isip kong tikman yun dahil 1st hindi ako marunong manigarilyo, 2nd takot akong makita yun pag nagpamedical exam ako at 3rd takot ako sa maaring maging epekto nun sa katawan at pag-iisip ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng makakita ako nun. Ang bigat sa loob. Halong galit, awa, at mga tanong ang namuo sa utak ko. Sobrang apektado ako dahil malapit sa puso ko ang nakitaan ko nun. Marami lang daw problema kaya kailangan nya nun.

Problema nga ba ang dahilan kung bakit natutulak silang gumamit nun? kelan ba nakalutas ng problema ang droga?

Kahit tumigil na sya ngayon sa paggamit nun, sinisisi ko pa din sarili ko dahil at one point in time hindi ko man lang sya natulungang lutasin ang problemang dinadala nya. Sa tingin ko, dito pumapasok ang kahalagahan ng pamilya. Kung may pamilya lang sana syang matatakbuhan at masasabihan ng problema, hindi na sana sya umabot sa ganoong sitwasyon. Kung nandyan lang sana ang pamilya nya para sumuporta, hindi na sana nya kinailangan pang hanapin ang “lakas ng loob” na kinakailangan nya sa usok at “high” feeling na nabibigay ng droga sa kanya. Kung naging pamilya lang sana ako sa kanya, hindi nya mararanasan ang pakiramdam ng nag-iisa. Im sorry.. and ill forever regret na wala ako nung panahong mas kailangan mo ng pamilya.


“Saludo ako sa mga nagbuwis ng buhay sa ngalan ng pakikipaglaban dito. Ganon din sa mga organisasyong kumikilos sa pagsugpo nito. Sa mga pamilya at magulang na may oras para alamin kung biktima ang mga anak nila. At higit sa lahat, sa mga taong matatag, matapang, at buong-loob na humaharap sa mga problema nila sa buhay” – Bob Ong “Ang paboritong libro ni hudas”





Wednesday, September 03, 2008

Lost in the City

Nagtataasang mga gusali. Kagalang-galang na mga tao. Naggagandahang sasakyan. Nagkalat na Mini Stop. Maayos at malinis na paligid. Yan ang Makati. Pero sa gitna ng mga ito, may isang bata na laging naliligaw at tila hindi alam kung saan pupunta. Grabe kahit ilang beses ata ako bumalik sa Makati hindi ko pa rin talaga mamemorize ang lugar na yun. Mahirap dahil madalang ang jeep na pwede mong sakyan na ibababa ka sa mismong lugar na iyong pupuntahan at masyadong maraming lusutan at kalsada ang iyong madadaanan. Nakakahilo.

Busy lahat ng tao doon. Bawal ang papetiks petiks. At higit sa lahat, bawal ang mukhang dugyot! Mahihiya ka kasi desente lahat ng tao – may mga naka-americana, naka business attire at mga naka office uniform na halata mong sa malalaking building sila nagtratrabaho. Gosh! Nakakainggit. Yan pa naman ang gusto ko, yung magsuot ng business attire at magmukhang sophisticated. Naks! Kaya lang nursing natapos ko eh kaya mukhang for life akong magsusuot ng white uniform.

Kung maghahanap ka ng trabaho, Makati is the place to be! Hindi ka mahihirapan maghanap ng aapplyan dahil tabi-tabi na yung mga companies na pwede mong pasukan. Nakakaingganyo ang lugar na yun para sa mga tamad na tulad ko. Pero tandaan mo lang kung saan at paano ka nakarating sa lugar na yun dahil kung sakaling ipatawag ka para sa interview hindi ka na mangangapa kung saan at paano mo pupuntahan yun.

Sa daming beses kong naligaw sa Makati, marami akong natutunang mga lessons. Share ko din sanyo baka sakaling makatulong.

Lesson 1 Magdala ng slippers/flats

Yan ay dahil mahaba habang lakaran ang iyong gagawin. Kung mayaman ka, kahit wag ka na magdala dahil sigurado akong mas gugustuhin mong magtaxi na lang kaysa maglakad.

Lesson 2 Huwag mahiyang magtanong

Uso ata sa Makati ang naliligaw kaya sanay na ang mga security guards sumagot ng mga tanong tungkol sa directions. Magtanong lang ng magtanong hanggang matunton mo ang iyong pupuntahan.

Lesson 3 Maglaan ng oras para sa paghahanap

If you were called for an interview, be sure na may atleast 1 hour kang allotted time para sa iyong paghahanap. Walang masama kung dumating ka ng maaga sa interview mo. Mas ok nga yun e. may time ka pa para magrelax at mag retouch.

Lesson 4 Magdala ng pabango

Yan ang hindi pwedeng mawala sa inyong kikay kit. Magandang pang disguise yan para hindi mahalatang isang oras ka ng naliligaw. Looking, Smelling at Feeling fresh ka dapat pagpasok mo sa pinto.

Lesson 5 Research ahead.

May mga map na sa net na pwedeng magturo sayo kung saan ka pupunta. Maganda kung may idea ka na kung saan ka maghahanap. Alamin mo yung name ng street at village dahil may magkakaparehas na pangalan. Ex: Legaspi Village at Legaspi St. [kung tanga kang tulad ko, malilito ka talaga!!]

In fairness, madali lang naman maghanap sa Makati dahil dinumero ang mga building basta tama lang yung napuntahan mong lugar.

Lesson 6 Huwag tatanga-tanga!!

Tumawid sa tamang tawiran at huwag magtapon ng basura kung saan saan. Yan ang batas na dapat dala-dala mo kahit saang lupalop ka magpunta kung ayaw mo pulutin ka sa kulungan. Although hindi ko pa talaga naexperience mahuli pero sapat na para sa akin ang naexperience ni Kuya para magtanda ako.

Lesson 7 Magdala ng extra money. (Maraming extra money!)

Sa laki ng Makati, you’ll never know kung saan ka mapapadpad. Kaya kung pagod ka na at suko na sa paghahanap, kumain ka na lang sa mga resto doon at magtaxi na lang pauwi. At kung sakaling mahuli ka dahil sa violations, atleast may pansuhol pambayad ka sa mga pulis.

Iba talaga sa Makati. Lalabas ang pagiging adventurous mo at marami kang madediscover along the way. Hopefully sa 4th time na pagbalik ko doon, hindi na ako maligaw. Sana lang. Sana lang talaga!