Wednesday, June 18, 2008

concert + ice cold water + chocolates = Tonsillitis

I’ve been feeling sick lately. 2 days na akong may sore throat, and this morning I woke up feeling slightly feverish. I stood up and checked if there’s any swelling mass behind my throat. Confirmed! I have tonsillitis. Woohoo.. another tonsillitis for this year. Magaling! Yan tlga nagagawa pag laging nag kuconcert sa banyo, sabay inuman ng ice cold water at papak ng chocolates. (hmm.. I dunno if that’s the real cause)

Medyo kabado ako kasi 3rd time ko ng magka tonsillitis for this year. Im sure pag nalaman ito ng family doctor namin, he’ll suggest tonsillectomy pag hindi nadaan sa antibiotics. Although ok na rin yun kung iisipin, ‘coz after the surgery I don’t have to deal with tonsillitis anymore. Pwede na akong magconcert ng magconcert sa banyo at lumaklak ng lumaklak ng malamig na tubig at pumapak ng pumapak ng chocolates na walang iindahing sakit pagkatapos (again, hindi ko alam kung yun nga ang totoong cause). But the prob. is, I just don’t like the thought that I have to undergo sugery (kasi magastos) and my tonsils will be removed (it means, wala ng sasalo sa mga bacteria/viruses na papasok sa throat ko)

Kaya naman try ko muna mga home remedies bago ako magpacheck-up at uminom ng antibiotic. Gargle ng warm water with salt, laklak ng calamansi juice at papak ng vit. C para hindi na lumala pa ang sakit. Buti na lang din, andito si Mama to tell me what to do. Minsan kasi, ang mga nurses, hindi na alam ang gagawin kapag sila na ang may sakit. Parang lahat ng napag-aralan sa school at mga interventions na ginawa sa patients ay kusang lumilipad at nawawala sa utak mo. Ang tanging gusto mo lang ay humilata, magpahinga at hayaang alagaan ka ng mga mahal mo. Pero syempre, hindi naman ako ganun kabaldado para hindi makayang tumayo at asikasuhin ang sarili.

Oh well, sana lang gumaling na ako at ng makapagconcert na ulit ako sa banyo at makalaklak na rin ng malamig na tubig at makapapak na ng chocolates. Hay buhay!..


What’s the worst feeling of a nurse?

It is when your so sick and all you ever want is to be taken cared of, but then you’ll just hear them say…

"Dba NURSE ka? Alam mo na gagawin mo.”

Sunday, June 15, 2008

Continue Dreaming... (Pinoy Dream Academy 2)

Pinoy Dream Academy is back in action!!

And I love the fact that Bugoy (the farmer’s son) and Liezel (from Puerto Galera) were included in the list of scholars of PDA. I really like their voice, though Direk Joey annotated that they will have a hard time selling them to the public since their not really that charming and good-looking, unlike the others. But if Filipinos would just base it from their talents rather than their looks, I have a strong belief that they will own a slot in the finals of PDA.

I hope that Bugoy have other songs to offer aside from his famous “Angels Brought Me Here” rendition, and hopefully will showcase his talent by singing different songs from different genre. I think he has a powerful voice that will attract and mesmerize the audience. And who knows, he might just bring home the title “PDA champion!”

Speaking of ‘hopes’.. I also do hope that Lambert (the Engineer) or Jet (the VJ) would get the 16th place [the last slot] and a chance to enter the academy. I think, its interesting to hear some rock music rather than hearing all the divas making/trying/reaching the high notes. But it would be nicer if they don’t copycat David Cook’s style. What may work for Cook, may not work for them.

This season is surely something to look forward too plus the fact that Billy, one of my favorite performers, will host the show. I’m sooo excited! And I just can’t hide it.

Lets support Filipino Talents!..

Tuesday, June 10, 2008

a HAPPY day for me!

Since I’m a happy person, madali lang for me to make my days as happy as possible. Pero yesterday, ibang happiness ung naramdaman ko. Medyo mababaw ito kung iisipin (kaya nga piMples eh) pero para sakin malaking bagay na yun.


Yesterday, after almost a month na wala kaming channel 2 “The Kapamilya Channel” dahil sinalanta ng bagyo ang aming antenna, finally! naayos nrin ito kahapon. Blessing in disguise pa nga yun, kasi my “super beloved” brother fixed it para mapanood nya ang NBA. Syempre, I took the opportunity na rin na paayos lahat ng channels especially ang ch.2. Now I can watch PDA, which is nagstart narin kagabi. Mas fanatic ako ng PDA kaysa sa Pinoy Idol. Impress kasi ako sa kanila dahil marunong silang magcompose at gusto ko din yung way ng pagrerevive nila ng mga songs. For me, mas talented sila.. (bawal magreact! Blog ko ‘to) hehehe… May bet na nga ako eh.. I think his name is Jay “the Farmer’s Son”. Although hindi sya ganon kagwapo like any other contestants pero the voice quality, its amazingly superb!!.. Isa sya sa mga aabangan ko sa PDA. Sana talaga makapasok sya.. can't wait!! ^__^


Kahapon din, I got to watch Kung Fu Panda in the Bigscreen. Medyo matagal-tagal narin akong hindi nakakapanood sa sinehan kya medyo excited ako. Akala ko din kasi bago ang mga sinehan sa town center, pero mukhang yung lounge area lang pla nagbago. Hehehe. [it looks nice naman with its color purple upholstered seats] Oh well, I really enjoyed the movie. Laugh trip talaga kami ng friend ko. It has a very interesting story plus dami pang quotable quotes. Enjoy talaga. Sayang nga lang, hindi namin natapos ung credits. Meron pa daw kasing kasunod yun after sbi ng friend ko. Hanggang ngayon tuloy nacucurious ako kung anong meron dun. [if magwawatch kau, pwede bang tapusin niyo ung credits. Tapos kwento niyo skin kung anu nangyari after.. tnx!]


Well, its another day for me. Sana lang magtuloy-tuloy ang happy days ko. Happy days=Happy ME!!..


"Yesterday is history. Tomorrow is a mystery. But today is a gift, and that is why it's called the present." –Oogway [Kung Fu Panda]




Tuesday, June 03, 2008

Makinig ka!

Hindi na naman natuloy ang plano kong mgapply. kamuzta naman un? kelan pa ako makakapagwork kung hanggang ngayon ndi ko magawang mgapply!..

Pag gising plang kasi tinatamad na ako. tpos sabay hiniritan pko ni mama na "wla akong mabibigay na pamasahe sau." haller??! saan ako pupulutin nun? Oh well, balik tulog nlang ako.

Kung iisipin, ang daming opportunities na ang dumaan skin. nandyan ung tanggap nkong volunteer sa health office pro may intrimididang babaeng nagsabing, "wag dun! puro paper works lng gagawin mo dun." Syempre, dahil masunurin ako, ayun! hindi ako sumipot at kinalimutan na lang ang salitang volunteer.

Nag try din akong mag apply as Medical Transcriptionist while waiting sa result ng board. pasado na me sa written exam at pinapabalik nko for hands-on ng may ngsabing friend ko na "ang layo nman nyan. antayin mo nlng result tska ka mag-apply." Dahil nga masunurin ako, ayun! hindi ako nagtake ng hands-on exam.

After passing d board, inofferan ako ng friend ko ng work as company nurse. apply na sana ako ng sabihin sa akin ni mama na "Wag na! sa mga hosp. ka nlng mag apply" Teka, nasabi ko na bang masunurin ako?.. Kaya naman, ayun! ndi ako nagapply. galing talaga! (palakpakan nman dyan!)

At ngayon nga, eto ako, tambay!..

Try kong magapply kaya lang panu ko gagawin un kung maraming sagabal sa plano ko! [walang pamasahe, walang hiring, walang kasama (ndi nmn tlga issue) at walang gana]

Anong petsa na! pwede ba diz time, ako lang ang magdedesisyon?? pwede bang hayaan nio nlang ako?! ang tanda't laki ko na (obvious ba??) pero hanggang ngayon sa inyo pa rin ako nakikinig!..

Oo! uto-uto tlga ako. lahat ng sabihin nyo, sinusunod ko! lahat ng pagawa nio, ginagawa ko! hindi dahil sa Tanga ako! malaki lang tlga TIWALA kong mas alam nyo ang tama at dapat para skin.

'Wag kang mag-alala, makikinig pa din ako sa inyo. pero ndi na nga lang ako magpapauto!.. (behlat =p)

Friday, May 30, 2008

Dami ng nagbago

Kahapon, sa muli kong paglabas sa mundo, doon ko lamang napansin na marami na plang nagbago. Una na nga dyan ay ang pamasahe sa jeep. Hindi na pla 7.50 kundi 8 pesos na ito. Napahiya pa tuloy ako sa driver nung hingin ko ang sukli kong 50 cent. Cenxa na. Mangmang lang!

Marami nring plng nagsulputang Commercial Space sa Times [un ba ang tawag dun?]. Mas lalong dumami ang mga kainan, photocopy center, at PC shop. Pero xempre, magbago man ang lahat, dumaan man ang bagyo at sumikat na muli ang araw, matatag pa din ang shop ni Kuya Mon. Kahit maliit, malakas prin ang kita! Bongga ka Kuya Mon!

Sa aking pag gagala, napadpad ako sa SM Southmall. Hmmm. Kelan nga ba last punta ko doon? Can’t remember!.. Buti nlng at naisipan kong bilhan ng sumbrero ang napaka-cute kong pamangkin. Kaya dali-dali akong pumunta sa babies section para maghanap. Pero mukhang nainvade na ng mga “baby girl’s stuffs” ang buong section at tila wala na akong makitang damit o gamit pang lalake. Haaayz. Ang hirap tlgang hanapan ng gamit ang mga lalake! [mahal na, konti pa ang choices]

At tutal nsa SM nko, sinamantala ko nrin maghanap ng studio especially made for babies. Ang dating studio sa taas ng SM na kung saan nagpapahiram ng mga costumes ay wala na’t tuluyan ng umalis sa SM. Gosh! Hindi kami nakaabot! Cute pa naman sana. Affordable pa. Sayang talaga!

Oh well, time to go home.. Ok na sana ang day ko ng may nakita akong nagpabago ng mood ko.

I just saw my Ex!.. OMG!.. nag tachycardia ako. Panic level. Hindi ko alam kung saan magtatago. Buti nlng nakatalikod sya at hindi nya ako nakita! Khit nkatalikod sya, Im 99.9% sure na sya yun!.. pero im praying na ung 0.1% ay sapat na pra magkamali ako ng hinala. Todo dasal tlga ako. Kulang nlng ay lumuhod ako sa mall mapakinggan lang ni Lord ang dalangin ko!

Kahit saglit ko lang sya nasulyapan, pansin kong madami nring ngbago sknya. Bumalik na ung dati nyang hair, mukhang matured na sya, and I think he’s already working [base sa damit nya dat time]. Kaya nman nkakahiya kung makikita nya akong nkashirt & jeans lang at may hawak pang brown envelope. Waaah. Halatang tambay lang! [oh well, atleast may license na! Ahaha..]

Dahil sa pangyayaring yun, naisipan ko munang magtago sa Jobi, magpalipas oras at pakalmahin ang sarili.

Ready na akong umuwi. Wala na ang balakid.

Few steps away sa exit door, nakita ko sya

at nakita nya ako.

Holy moly! Walang kawala!

Nasabi ko nlng tuloy, “Uy!”

Smile.

Sabay alis.