Thursday, November 13, 2008

Im torn..

Its not what you think na 'torn between two lovers' tulag ng title ng isang kanta at mas lalong hindi ito yung "TORN" na may pagkamanyak dahil sa 'lying naked on the floor' na lyrics nya.. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay.. Its more about sa work. [oo! work na naman!]

I really wanna start working as soon as possible.. kaya kahit anong type ng work inapplayan ko na..

Kung dati na walang dumadating na opportunity for me to work as a nurse, ngyon nman dumadagsa ang offer. But the prob. is that, mostly ng inapplyan ko ay hindi related sa pagiging Nars.

I just cant picture myself doing other stuffs aside from being in a hospital, taking care of the patient, and doing some charting. Although nasabi ko before na gusto ko din magwork sa office. But i guess, not as a call center agent or a medical transcriptionist.

Pero bakit kung ano pa yung ayaw mo, parang dun ka pa tinutulak ng kapalaran.

Thankful ako kasi nakaabot ako sa point na di ko ineexpect na mararating ko. Hindi ako magaling sa english pero i managed to pass their exams and interviews. At ngayon nga, nakasked na ako for training. [the funny thing about it, ako lang ata ang pumasa na umiiyak dahil nalungkot sa result]

Here's the dilemma..

Hindi ko alam kung saang training ba ang sisiputin ko [callcenter or Med. Trans] o sisipot pa ba ako??

Sa totoo lang, kung papipiliin ako, mas gusto ko pa din yung naudlot kong work as CCS specialist [wag u na tnungin kung ano yun]. Kaya lang di ko alam kung kelan magiging available yung position na yun. Kaya nga, i feel so torn... Kumbaga sa pagkain: hindi ko alam kung isusubo ko na ba ang pagkain na nakahain na pero alam kong hindi ko magugustuhan ang lasa o hihintayin ko na lang maluto ung pagkain na walang katiyakan kung kelan matatapos pero sigurado naman na mabubusog at masasarapan ako.

haaaayz.. Problema na nman ang laman ng blog ko.



Quote galing sa isang concerned citizen:

"Sometimes, you have to let
your heart lead you...
even if its leading you to a place you never
planned to be in"

Thursday, November 06, 2008

Isang araw lang..

Tulad ng nasabi ko sa previous entry na ipagrerelieve muna ako while 'waiting' dun sa naudlot kong trabaho, I was called to relieve sa Sucat, Parañaque as Company Nurse for 7pm-7am shift. Thank God dahil isang sakay lang sya at hindi mahirap hanapin ang place.

First timer ako sa ganitong field. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na Hospital base kami sinanay during our duty days. So medyo wala akong idea sa ginagawa ng isang Company nurse.

Excited na kinakabahan. Yan ang pakiramdam ko ng pumasok ako sa clinic around 6:30pm. Kailangan maaga kasi mageendorse pa yung kapalitan kong nurse. Well, shes very kind to the point na she extended her time just to teach me and tell me things about what to expect from the patients. She even toured me sa area at pinakilala sa mga nakakasalubong naming tao. haha. artista? more more ngiti at kaway para magmukhang friendly. hehe.

8pm na. Alone. Figuring out kung ano gagawin para hindi masayang ang 12hrs. duty ko.

Alone. Familiarizing myself sa mga gamot na maeencounter ko.

Alone. Calming myself. Thinking that everything will be alright.

Still, alone. Talking to God. Asking Him to guide me dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Every minute bumubukas ang pinto at may pumapasok na pt.. Thank God, hindi ko na kailangan pang mag-isip kung ano ibibigay dahil sila na mismo nagrereseta para sa sarili nila. Its ok kung iniisip nyo na kailangan pa ng doctor's order for the drugs/medicines kasi lahat ng meds na meron dito ay mga OTC [over-the-counter]. Ayon sa nasagap kong balita, next year pa magkakaron ng physician dito sa clinic. Kaya pansamantala, kami ang nagdedecide kung kailangan pauwiin ang isang pt.

Speaking of pauwiin, may pt. na dumating at nagrereklamong masakit daw ang ngipin nya. HOLLY GUACAMOLE. [awtz!.. anong word yun?? hehe..] Anyway, i told the guy na itatanong ko muna sa nurse dahil isa lamang akong hamak na reliever and im not allowed to send pt. home [kunwari lng].. So, while waiting inadvise ko munang try nya mag-bawang.. walang bawang sa pantry [sabi nya].. Ok. nagdecide na syang maglog-out at magpaalam sa Supervisor nya. Aba! gumagawa ng sariling desisyon ang mokong. Well, matanda na sya kaya alam nya na ang ginagawa nya, sa tingin ko. Kaya nman tinawagan ko na ang 'nurse' and ask for her advise. Pumayag naman sya as long as magpapakita ito ng med. cert. pag balik nya sa duty.

Eto ang prob.! gumawa ako ng report form para mapirmahan ng supervisor nya at marecord dito na nagpauwi ako ng pt. d/t pahamak na toothache. Kailangan nyang ipasign sa supervisor nya at ibalik sa akin pagtapos. Ang mokong, umuwi na ata dahil hanggang ngayon [12mn na], hindi pa nya binabalik ang form! Pasaway! bahala sya.. hindi ko irerecord na pinauwi ko sya para kaltas sa sweldo nya yun. haha.. tinoxic nya kasi ako.

Anyway, im so greatful dahil may internet access itong pc dito kaya nman lakas ng loob kong makipagchat thru email dahil MSN ang nakainstall dito. At dahil dial-up ang gamit ko sa bahay, sinamantala ko ng dumalaw sa mga blogs nyo.

Its already 6:02am dito sa orasan ng pc. Konting oras nlng uuwi nko! matatapos na ang isang araw na duty/relieve ko as Company Nurse. Ilang minuto nlng may humahabol pa at gusto pang umuwi.. haaaayz.. mga pasaway tlga!

Salamat sa mga taong naka Online kahit madaling araw na, sa Fall Out Boy, Boys like Girls, at mga Emo bands na walang sawa/pagod sa pagkanta ng 'Emo rock songs' to keep me awake, at sa mga mababait na employees ng company dahil naging mabait sila sa akin. Salamat ng marami.

*over all nag-enjoy naman ako*


for the record:

2 patient -sent home

2 patient -advised for rest

46 patient -regular visit [ out of 46, 3 lang ang babae] at

2 pasaway - na hindi nagbalik ng form...


share ko lang mga pix.. pra mgkaron kau idea kung ano b itsura ng clinic.

1st day ko.. ganito pa itsura ng clinic
(obviously, nki2ta nio nmn kung ano gngwa ko sa comp. dba..)



dko expected, may 2nd day pla.. hehe...

at ganito na itsura ng clinic!
chedeng!... bigatin!.. may doctor na kc..



sorry for the late pix.. now ko lng kasi naupload..




Saturday, November 01, 2008

Back to square one


4am dapat gising na ako. By 6am dapat nasa byahe na ako. 8am dapat nandun na ako sa place na pupuntahan ko at nagaayos, getting ready for the workloads na ibibigay sa akin. Ganyan na dapat ang takbo ng buhay ko ngayon. Pero heto ako, naka upo na naman sa harap ng computer at gumagawa ng mga walang kwentang bagay.

When I was called for an orientation, excited ako! Although iba ang nature ng work pero masaya ako dahil yun talaga ang pinapangarap ko. Dressed in my corporate clothes, feel na feel ko ang magandang ambiance ng workplace. Hindi ito katulad ng ibang office na pagpasok mo pa lang matotoxic ka na. Amaze na amaze ako. Todo lundag ang puso ko sa tuwa. At ramdam na ramdam ko ang ngiti ko na abot hanggang tenga. Ang sarap sa pakiramdam.


Habang busy si Mam sa pagtuturo kung anong meron dito, doon, kung saan ako pupunta pag kailangan ko yun, yan, at kung saan ko hahanapin ang mga boss ng bawat department, ako naman – busyng busy mag observe sa mga ginagawa ng mga nagtratrabaho doon. Until finally, tinuro nya yung table and told me “yan ang place mo”.. Wow! Bongga! May sarili akong computer, table, at mga gamit – I have my own special place. Gosh! Am I dreaming ba?!..


We were doing well on the orientation. Pinakilala nya na ako sa mga ‘kapitbahay’ naming department. Pinagawan nya na ako ng sarili kong email na nakaaddresss sa company nila. At pinagawan nya na ako ng mga forms na may pangalan ko para next time, pirma ko na lang ang ilalagay. Dinalaw na rin ako ng Company Director to welcome me and check kung natuturuan ba ako ng maayos. Ok naman ang lahat. Until dumating yung HR director and talked to my supervisor about something na related sa akin. [Ok belle, tuloy mo lang ginagawa mo. Magpakabusy ka lang, tutal ‘first day’ mo]


After some time, kinausap na rin ako nung supervisor ko at sabi mag halfday muna ako dahil may aayusin lang daw sila. So I thought aayusin nila ang contract ko at mga forms na kailangan kong pirmahan bago ako ma-hire. She’ll just text na lang daw.


Ok. I smell something fishy. This is not good – yan ang nasabi ko sa sarili ko.


Pag-uwi ko, napaisip ako pero I chose to sleep first kasi medyo nabigla ata ang katawan ko at dina sanay gumising ng maaga. Nagising na lang ako dahil ramdam kong may tumatawag sa phone ko. It was my supervisor. She told me na nagkaroon ng ‘internal problem’ kaya wait ko na lang daw ang text nya kung kelan ulit ako magrereport for work. Syempre, OK lang nasabi ko. Windang pa ang lola.


I was so confused na hindi ko na talaga kinaya pang matulog nung gabing yun. The next morning I decided to text her about my concerns. Buti na lang mabait sya at tumawag talaga sya sa landline namin para maexplain nya ng maayos kung ano ba talaga ngyayari. She told me na late that afternoon lang sila nasabihan ng HR na freeze hiring sila. And the memo was from the President. Kaya gustuhin man nila magdagdag ng tao for that department hindi pwede dahil ang president ang may control ng lahat. Even the director, walang nagawa kundi sumunod. To think na sya ang nagpasok sa akin for that position. Sa ngayon, ipapasok muna daw ako as reliever while waiting kung kelan ulit sila mag-oopen for hiring. Sobrang sorry talaga sya ng sorry sa akin. Hindi daw nya alam na may ganong memo. Miski sya nainis dahil napahiya sya sa akin. Its ok, sabi ko sa kanya.


Haaaayz.. panira ng momentum!.. work na work na ako tapos na wala pa!


Sobrang nawalan ako ng gana that day. Buti na lang andyan si Kikay to cheer me up. Sya rin kasi kasama ko that day nung ipatawag ako for an interview at ng sabihin nila na “Congrats jobelle! See you tomorrow in the office at 8am”..


Kaya ngayon, back to square one! Apply ulit. But this time hindi na limited to hospitals ang aaplyan ko. Now na naexperience ko ‘kahit papano’ how it is working in an office, icoconsider ko na sya as one of my options. Although alanganin na ngayon mag-apply dahil malapit na matapos ang taon atleast nag try man lang ako.


Pasensya na kung makita niyo man akong malungkot, tulala at wala sa sarili. Hayaan niyo lang ako. Busy lang akong kausapin si Lord at tanungin kung ano pang steps ang gagawin ko para makahanap ng work.



“When God gives us a ‘NO’ for an answer,

keep in mind that there is a much greater ‘YES’ behind it!

God’s ‘NO’ is not a rejection,

but a REDIRECTION..”