Sa mura kong edad, sinanay na ako maging Tindera. Kahit tatanga-tanga pa akong magkwenta [kahit hanggang ngayon naman e] sabak lang ng sabak. Kaya naman mabilis akong natuto ng addition, subtraction, multiplication and division. Madalas din akong na aawardan ng “Best in Math” nung elementary dahil sa bilis kong magcompute!.. Take Note: During elementary LANG yun.. at hindi na nasundan T_T
Dahil na rin sa tagal ko ng Tindera, marami na rin akong nakainteract na customers. Talaga namang iba’t iba ang ugali – mild to very extreme personality. At madalas-dalas ay kinakabwisitan ko!.. May mga pagkakataong nakakalimutan ko ang motto ng bawat tindahan, ang ever famous at super gasgas ng saying na “The customer is always right.”
Hindi niyo naman ako masisisi. I have my weak points din. Bata, matanda, baliw, adik, mayaman, mahirap.. lahat yan pinapatulan ko. Ako ang reyna ng tindahan!! Bwahaha.. *evil laugh na may ksmang kidlat*
Alam kong hindi niyo ako maiintindihan kaya para magets niyo ang feeling ko magbibigay ako ng ilang scenario..
Scene 1
Bata: Ate, pabili nga ng … (turo sa kendi)
Tindera: Eto ba??
Bata: Ay hindi na lang pla.. eto na lang.. (turo ulit sa ibang kendi)
Tindera: Eto? Ilan?
Bata: Ay.. ayoko pla nyan.. iba na lang.. yun na lang ohh… (turo sa nakasabit na chicherya)
Tindera: (kinuha ang chicheryang chippy at binigay sa bata)
Bata: Magkano po?
Tindera: limang piso.
Bata: Kulang pera ko. Balik na lang ako ate. (sabay alis)
**wag kang magpapakita kung saan ka nauwing bata ka! dahil susunugin ko bahay niyo!!
Scene 2
Nanay: Pabili ako ng Maling (ang usong meatloaf sa pinas)
Tindera: Eto po ‘te
Nanay: magkano?
Tindera: 40 po (malaki kasi)
Nanay: Ang mahal naman. Wala bang mura?
Tindera: Eto
Nanay: Ay ayaw ko nyan. Wala na bang iba?
Tindera: Yan na lang ate.
Nanay: Ay cge wag na lang!
**Leche! Wag kang mapaghanap!.. alam mo namang nagtataasan lahat ng bilihin tapos mag iinarte ka dyan!.. cge magpunta ka sa **** baka may pekeng Maling doon [yung inuuod]. Try mong pakain sa anak mo!..
Scene 3
Adik: Miss pabili ng Marlboro.
Tindera: Marlboro red lang kuya, ok lng ba?
Adik: Wala kayong lights??
Tindera: wala po. Red lang po.
Adik: eh menthol??
Tindera: wala rin po kasi red nga LANG meron.
Adik: ahh.. ganun ba.. cge pabili ng isa.
**mahirap ba talagang intindihin ang “LANG”… (only, alone, exclusively, just, merely, solely.. mga salitang pwede kong gamitin) pero mas pinadali ko na lang para maintindihan mo!!.. Red LANG…. may narinig ka bang ibang options??
Scene 4
Umagang-umaga at kakabukas lang ng tindahan
Mayaman: Miss meron ba kayong tissue?
Tindera: yung ganito po?? (pinakita ang pocket tissue)
Mayaman: Oo! Yan nga.. Magkano?
Tindera: 5 pesos
Mayaman: Eto Miss (inabot ang bayad na 500 pesos)
Tindera: (shock) Ay miss wala ba kayong barya? Kabubukas lang kasi namin.
Mayaman: Wala eh. Cge samahan mo na lang nito (sabay turo sa kendi)
Tindera: ahh.. ilan po?? (expecting na worth 400 ang bibilhin ng babae)
Mayaman: 2 pesos lang
Tindera: yun lang po?? (still waiting na sabihing 400 pesos)
Mayaman: Oo yan lang!
Tindera: (natataranta dahil hindi alam kung saan kukuha ng 493.00 na pansukli.)
**Miss, ok lang ba kung tig piso ang isukli ko?? Leche!..
Scene 5
Bata: ate pabili ng chicheryang tig piso.
Mas Bata: ako din ate.
Tindera: ilan?
Bata: 5 po. (sabay abot ng 5 piso)
Tindera: (binigay ang limang chicherya)
Mas Bata: ako din ate 5 po. sabay abot ng bayad.
Tindera: eh piso lang pera mo e. (sabay pinakita ang 4 na 25 cents)
Mas Bata: ay cge apat na lang ate.
Tindera: piso nga lang etong pera mo kaya isa lang dapat.
Mas Bata: apat yan e ohh.. dapat apat din!
**ok! Wag nyo ng alamin kung anu ang sunod na nangyari. Baka makasuhan pa ako ng child abuse. Paalala: Buong piso po ang ibigay niyo sa mga bata. Dahil piso lang ang alam nilang pera. At si Rizal lang ang kilala nilang bayani. Salamat.
For now, eto na lang muna. Medyo puputulin ko ang entry ko dahil masyado ng mahaba at tinatamad na rin kayong magbasa.
Pero atleast kahit papaano may idea na kayo kung anong kalbaryo ang kinakaharap namin araw-araw sa tindahan. Kaya
8 comments:
hahaha! i can relate to this since may store din tita ko dba?
lalo na ung sa mga tigpiso na bibilin ng bata, tapos naabot mo na papapalitan pa! imbyerna! pinanatatawa/imbyerna ako eh ung tipong 10million times magpapabalik-balik at bibili ng tigpipiso. i mean endi ba pdeng isang bagsakan nlng bilin? lols tlga ampf! ansarap isarado n tndhan.
anyway, bkt nmn marboro yan? marlboro yan dba? haha...
tsonga baka nmn nextym, isa ng mall ang hawak mo ah, pro wag nmn as saleslady, tipong as president. naks!
@airah: tipong president? hahaha mag-asawa ng CEO haha.. oie nagka idea si airah, naku nagkaroon na rin ng idea si belle..
oo nga MARLBORO un.. haha.. ndi ka tlga smoker.. ndi rin naman ako smoker pero alam ko spelling nun..
ang arte, bilis naman mainis... sarap nga nun eh..
@yay: hay nku! sinabi pa u.. yung mamiso tlga ang panalo e!!... ahahhaa.. teka, dba sau yung CEO.. anu b yan.. wag mong sbhin magtropa yung tataluhin ntin ha.. oh well mganda rin yun, kso bka yung secu lang nla pumatol skin e..
haha..
naku tinubuan ata ako ng pimple dun...toinks!
pareho lang tayo belle..
may tindahan din kami, at minsan gusto ko na talagang kainin ng buhay ang mga nabili..
toinks!
nku pxenxa na sa marlboro n yan!!... typo lng... hehehe.. (palusot ampotah!!)
grabe! npkastrict nmn ng mga mamba2sa ko!!.. ahahaha... pcenxa na.. matanda na kc kya medyo labo na mata. (ayw ko ltga aminin na ndi ko lam ung spelling nohh... ahahaha)
napalitan ko npo.. salamat sa corrections..^__^
@enday: cge nga please.. nakikiusap ako.. pra nmn mabawasan cla khit ppno.. hehehe...
buti nmn at may mga co-tindera pla ako d2.. tayo tau ng org. "Kumakain ng mga pasaway na customers" eennggkkk... ang korni ko!! ahahhaa...
hahaha. i can imagine pag kids yung pinagbibilhan. masakit nga sa ulo. haha
waaah nkarelate aku :D may tindahan din kmi hihi :D ngaagree aku sa mga sinabi mu dto ktuwa :D mbhay ang mga nurses turned tindera :D
Post a Comment