Friday, July 11, 2008

Goodbye for now…

Almost 2 days akong naging busy at hindi magawang magbukas ng computer to check for emails & updates. Lately kasi, busy kaming nakikikipaglamay sa relative ng sister-in-law ko. At dahil pinsan niya yung namatay, mas importante ang presensya niya sa burol kaya nauuwing babysitter ako [w/c is mas gusto ko kaysa tumambay sa burol at pumapak ng kornik..]

Actually, hindi ko ka-close yung namatay. I know her sa name at face pero aside dun, wala na. Nandun ako para makiramay sa mother nya [na naging teacher ko nung kinder] at para sa ibang relatives nya na relatives ko na rin ngayon.

At kahapon nga, tuluyan ng dinala sa huling hantungan ang kanyang mga labi. Solemn naman yung misa pero syempre andyan prin yung may maririnig kang mga hikbi, makikitang mga tumutulong luha at mapapansin mo na ikaw na lang pala ang hindi nkasuot ng shades. Pero unti-unti ring nabasag ang katahimikan nung nagsimula ng umiyak yung kambal (anak ng namatay). Lumayo ako kasi nagsisimula ng magkagulo. Habang busyng busy sila nagiiyakan, andun naman ako sa kabilang area na busy ding nanonood sknla not knowing…naiiyak na rin pla ako. Gosh! Affected din pla ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung sadyang mababaw lang talaga luha ko o dahil sobrang naaawa ako sa kambal na naulila. Masyado pa silang bata para masaksihan yung pagkamatay ng nanay nila. For some siguro, traumatic yung ganung experience. Although kahit andyan naman yung tatay nila to take care of them, iba pa rin talaga pag alagang nanay.

Feeling ko nga naghahallucinate ako. Dami kong naririnig na boses na nagsasabing “ang bata naman nyang namatay”, “paano na mga anak nya?? sino na mag-aalaga??”, “kawawa naman yung kambal”.. andaming concern citizen, andaming nanghihinayang. Naisip ko tuloy, paano kaya pag ako yung namatay?? Dami rin kayang iiyak?? Dami bang manghihinayang?? Marami bang madedepress?? At may mga magbibitaw kaya ng salitang “I feel so empty w/o her!”.. awtz! Ang dramaness..

*emote muna*

Pag ako namatay, isa lang naman ang gusto ko. Gusto ko puno at nagsisiksikan ang mga tao sa libing ko. Gusto ko makita kung gaano karaming friendships meron ako. Gusto ko makita yung mga taong tinuturing akong isang mahalagang bahagi ng buhay nila. Gusto kong mawitness yung mga Ex kong umiiyak dahil nanghihinayang sila. At higit sa lahat, gusto ko andun lahat ng mga importanteng tao sa buhay Ko. At pag nangyari lahat yun, cgurado… babangon ako. bwahahaha.. Aba! Aba!! May grand reunion yata at hindi pwedeng mamis ko yun!!..

Oh well, yun naman ang masayang part pag namamatay – nagkakaroon ng Reunion. Napagsasama mo ang mga taong imposibleng magsama. Umuuwi ang mga taga tate, lumuluwas ang mga taga probinsya, nagbebesohan ang mag balae, nagkakakilala ang mga kabit [kung meron man]. Reunion galore talaga. Ang malungkot lang, wala ka! [I mean yung patay.] “Sarili mong party, wala ka!" Sad noh.. pero meron ka rin namang reunion na pupuntahan and that is... Reunion with the Lord. Mas bongga yun!!...

Oh xa!.. haba na pala nito. Have to go.

Nakikita ko na ang liwanag… ang liwanag patungo sa kabilang buhay...

Pero bakit mainit?? Impyerno ba ‘to??



Tooot.. tooott.. *may nagtext*

Ay Shet!! Taas na pla ng araw. Hirap talaga pag napupuyat. Sinisikatan na ng araw. Sun bathing while sleeping ang drama..

Buti na lang may nagtext.

Salamat sau 2977 [constant textmates kami lately…]

8 comments:

Anonymous said...

wow, type6 ka nga! gs2 mo pati ex mo panghinayangan ka pa ah! haha!

tsongga, kung sakali mang dumating ang araw na yan kukuntsabahin ko lahat ng tropa, magovernyt nlng kami sumwer at wag ng umattend sa burol mo. LOLS! biro lang, malay mo naman sabay2 tiung pumanaw!WAG NAMAN..

di bale, kakantahan kita pag nangyari. bongga ka, ala ceLine Dion pa kakanta s burol mo.

Anonymous said...

gaga!marami ka bang ex'es ahahahah!*FIS*
sira to gus2 agad mamatay..sabagay matanda ka na pla ahahaha!*FIS ulet* ahihihi!
kawawa tlga ung mga anakers nya..kambal p nman..its so hard tlaga the feeling kapag my ndeads sa family nyo*SOB*

as of now "BAWAL MAMATAY!" wla p tyong work nyahahaha!

Belle Caballero said...

@yay: pwede k nman kumanta, bsta wag lang solo. pwede na skin ang so slow ng c2.. ahaha... tpos may maririnig na lang kayong second voice galing sa kabaong... waaaah *creepy*

@bujoy: anuber!! ala naman ako sinabing gusto kong mamatay now!!.. at mas lalong ayw kong mamatay pag ngwowork nko. andami ko p kyang dapat bilhin sa listahan ko.. ahaha...

Anonymous said...

at ano naman ung mga un? puro luho no? hahaha...

constant textmate din kami ni 2977 pero ndi ko siya nirereplayan.. makulit nga siya eh, kelangan pakipot ang dating natin...

ang laking problema siguro ung kakaharapin nung tatay... anyways how old na ba sila? the mom of the twins?

Belle Caballero said...

@jepp: ndi nman.. mga basic needs naman yun.. tulad ng mansion, kotse, laptop, flat screen tv, tska gym set.. ilan plang yan sa needs na dapat kong bilhin pag nagkatrabaho.. ahahaha...

yung kambal ata 10y/o tpos yung mom nila (yung namatay)35y/o lang.. bata pa nohh..

Anonymous said...

awww bata pa... nakakaawa naman...

huwaw kala ko ang basic needs mo eh: hacienda, eroplano, barko... binabaan mo lang pala sa level 1... hahaha

Anonymous said...

pacomment ah. winner yung pagbangon mo on your own funeral.. bonnga. parang teleserye lang.. "babangon akot' dudurugin kita." taray...

Belle Caballero said...

whoaw cio! salamat sa pagdalaw..Ü

hahaha.. babangon ako at mkikiparty sknyo. kaya dpat sa burol ko nkacostume kau ha.. pra ndi halata na patay nko.. ahaha...

cio, balik kna blogosphere..^^,