Tuesday, July 29, 2008

Going straight...


Its not what you think.. its not about some kind of a gender issue dahil wala akong problema tungkol doon kahit sinasabi ng iba na mukhang meron. Hehehe…

Simple lang.. tungkol ito sa aking buhok!..

Kung dati pa kayo nagbabasa ng blog ko, malamang ay alam niyo na mahilig akong mag change ng hairstyle. From straight to wavy to curly at from super long to short at (soon) boy cut na. oh diba. Kailangan talaga iba-iba para hindi nakakasawa. And for almost 3mos. na kulot ang hair ko, heto na naman ako, hindi mapakali at tinopak na namang bumisita sa salon. Ganun talaga, tao ako e.. Taong walang kakuntentuhan sa buhay!

Actually, naisip ko kasi na baka kaya minamalas ako lately e dahil kulot ang hair ko. Eengkk.. anu konek?? Eh kasi sabi nila “kulot salot” daw... oooops narinig ko lang yan ha.. at affected agad ako. Ganun kalakas ang impact nung mga katagang yun sa akin.

Kaya kahit 1k lng money ko, go! go! hanap agad ako ng salon na may promise na “hindi ko susunugin ang hair mo!”

Syempre, first stop sa Mall. Why not?! Maraming salon doon at dekalidad pa!.. Kaya go! pasok dito, pasok doon. Why not ulit?? Eye cathching naman talaga yung mga posters nila sa labas. Maeengganyo ka sa mura ng services nila.

Hair Straight 400 up

Hair Relax 600 up

Hair Rebound 1000 up

-syempre yan lang ang tinitignan ko dahil yan lang ang papagawa ko.

Pasok dito. Pasok doon. At kasabay nun, labas dito. Labas doon. Gosh! Nagugulat talaga ako sa mga presyo nila! Imagine, from 600 (konting compute) ay nagiging 2,700 na ang relax para sa buhok kong kulot na shoulder length lang ang haba. Whaaat??!!.. Ok, its my fault. Hindi ko nakita na may Up palang nakalagay doon. Pero kahit na!.. anung formula ba ang ginagamit nila para umabot sa ganun yung presyo ng buhok ko??.. Hindi kaya sinama na nila pati electric bill at space rental nila sa computation??.. OMG talaga!!...

Due to sudden increase sa prices ng mga pinasukan kong salon sa Mall, its time for me na lumabas at humanap na lang ng mga mumurahing salon sa tabi-tabi. At heto nga ang *toooott…* [di ko na lang sasabihin ang pangalan ng salon, baka makasuhan pko!] Very promising talaga ang mga prices. Mura kung mura! Why not??.. Pasok ulit ako. Wait lang ng konti na may lumapit at magentertain sakin. Wait pa rin ng konti. At wait lang talaga ng wait ang lola niyo!.. Until finally may lumapit na bading and ask me kung ano daw papagawa ko. I said “magkano ang relax??” 500 lang daw with matching taas kilay sabay alis. Aba! Imbyerna kang baklita ka ha.. Wait ulit ang lola niyo na may lumapit. At wait kung wait talaga!!... buti na lang at may pumansin sakin na kauri ko, charming din.=) Syempre, ask niya kung anu daw papagawa ko. Sabi ko ulit relax and at the same time sinabi ko na rin yung mga concerns ko sa hair ko. Until etong si baklita eh humirit ng “Whoaw! Question and answer portion” arggh.. ginagalit nya talaga ako. Buti na lang mabait ako at di ko sinabi na “Sorry ha.. ayaw ko lang kasi matulad ang hair ko sa hair mong parang sunog!..” >;) syempre marunong naman akong lumugar. Buti sana kung wala kami sa loob ng salon, pwede pa! kaya lang baka pag ginawa ko yun ay di na ako makalabas ng buhay doon or pwede ding kalbuhin nila ako after. Kawawa naman ako, wala na yung crowning glory ko.

Susuko na sana me ng maalala ko na may isang salon pa pala akong hindi napupuntahan. So kahit kabilang ibayo pa yun ng pinanggalingan ko, cge lang!.. Go pa rin. Pagpasok ko plang, well entertained na ako. Para akong artista na pinagkakaguluhan. Nahiya nga ako kasi sayang naman if ever yung effort nila kung kulang pa din money ko. Oh well, buti na lang swak na swak na 1k yung relax nila for my hair. Sayang nga eh, kinulang lang ako ng 300 para sa cellophane treatment nila na isasama sana sa package. Ayos naman yung resulta. Hindi naman nasunog ang hair ko kahit na sabi nung bakla na nag ayos sakin ay expected daw nya na masusunog ang hair ko. (tama bang sabihin yun??)

Pero Thank God at hindi nangyari yun dahil nagka issue na pala sila noon tungkol sa sunugan ng buhok. Waaaahh… freaky! Buti na lang, hindi ako masasama sa listahan ng mga biktima nila..

Sa ngayon, mas maayos na akong tignan and my friends says na mas bagay sakin ang straight kaysa sa kulot.Ü

Wednesday, July 23, 2008

Napabayaang Blog

Kawawang blog.. tuluyan na nga bang napabayaan??.. asn na nga ba si PIMPLES??

Kahit gustuhin ko mang sabihin na busy ako sa buhay ko at paniwalain kayo na may bago akong pinagkakaabalahan ngayon, oh well sorry to say!!... pero sadyang wala lang akong chance makapag net lately dahil wala na kaming DSL at wala din akong time na magpunta sa netshop to check every now and then. At dahil nga sa netshop nlang ako umaasa na makapag open ng internet, ndi ko din magawang makapag create ng bagong entry dahil hirap talaga paganahin ang brain cells ko pag nasa ibang lugar. Medyo namamahay din kc utak ko e.. ahahaha... hirap pala ng ganito!!...

Paxenxa na nga pla para doon sa mga taong nag eeffort buksan ang site ko at umaasang may bago silang makikita. Sorry!

At sorry ulit kung akala nyo ay may kwenta itong bago kong entry.. as usual, ala na naman... anu pbang bago dun?? hehehe...

Pero salamat na din at kahit papano may tumitingin prin pla sa site ko. Thanx ng marami..^^,

Oh well, uupdate na lang ako pag may time na me or maybe next month pag meron na ulit kaming net. Baka sakaling magbago pa isip ni Mama na huwag ng ipaputol ang DSL. *crossed-fingers*


Sa ngayon, magpapamiss muna ako. Sana umeffect at may makamiss nman sakin. hehehe..

Monday, July 14, 2008

Hinaing ng isang tindera


Pinalaki’t binuhay kami ng mga magulang ko sa tulong ng aming maliit na tindahan [sari-sari store]. At dahil din sa tindahang iyon nakapagtapos kami ng Kuya ko sa Kolehiyo. Sa ngayon, habang wala pa akong trabaho [at kahit meron na] ito pa rin ang pinagkukunan namin ng budget sa pang-araw araw naming gastusin. Hindi ko maikakaila na malaki ang naitulong ng munti naming tindahan sa buhay namin.

Sa mura kong edad, sinanay na ako maging Tindera. Kahit tatanga-tanga pa akong magkwenta [kahit hanggang ngayon naman e] sabak lang ng sabak. Kaya naman mabilis akong natuto ng addition, subtraction, multiplication and division. Madalas din akong na aawardan ng “Best in Math” nung elementary dahil sa bilis kong magcompute!.. Take Note: During elementary LANG yun.. at hindi na nasundan T_T

Dahil na rin sa tagal ko ng Tindera, marami na rin akong nakainteract na customers. Talaga namang iba’t iba ang ugali – mild to very extreme personality. At madalas-dalas ay kinakabwisitan ko!.. May mga pagkakataong nakakalimutan ko ang motto ng bawat tindahan, ang ever famous at super gasgas ng saying na “The customer is always right.”

Hindi niyo naman ako masisisi. I have my weak points din. Bata, matanda, baliw, adik, mayaman, mahirap.. lahat yan pinapatulan ko. Ako ang reyna ng tindahan!! Bwahaha.. *evil laugh na may ksmang kidlat*

Alam kong hindi niyo ako maiintindihan kaya para magets niyo ang feeling ko magbibigay ako ng ilang scenario..

Scene 1

Bata: Ate, pabili nga ng … (turo sa kendi)

Tindera: Eto ba??

Bata: Ay hindi na lang pla.. eto na lang.. (turo ulit sa ibang kendi)

Tindera: Eto? Ilan?

Bata: Ay.. ayoko pla nyan.. iba na lang.. yun na lang ohh… (turo sa nakasabit na chicherya)

Tindera: (kinuha ang chicheryang chippy at binigay sa bata)

Bata: Magkano po?

Tindera: limang piso.

Bata: Kulang pera ko. Balik na lang ako ate. (sabay alis)

**wag kang magpapakita kung saan ka nauwing bata ka! dahil susunugin ko bahay niyo!!

Scene 2

Nanay: Pabili ako ng Maling (ang usong meatloaf sa pinas)

Tindera: Eto po ‘te

Nanay: magkano?

Tindera: 40 po (malaki kasi)

Nanay: Ang mahal naman. Wala bang mura?

Tindera: Eto argentina meatloaf. 25 lang.

Nanay: Ay ayaw ko nyan. Wala na bang iba?

Tindera: Yan na lang ate.

Nanay: Ay cge wag na lang!

**Leche! Wag kang mapaghanap!.. alam mo namang nagtataasan lahat ng bilihin tapos mag iinarte ka dyan!.. cge magpunta ka sa **** baka may pekeng Maling doon [yung inuuod]. Try mong pakain sa anak mo!..

Scene 3

Adik: Miss pabili ng Marlboro.

Tindera: Marlboro red lang kuya, ok lng ba?

Adik: Wala kayong lights??

Tindera: wala po. Red lang po.

Adik: eh menthol??

Tindera: wala rin po kasi red nga LANG meron.

Adik: ahh.. ganun ba.. cge pabili ng isa.

**mahirap ba talagang intindihin ang “LANG”… (only, alone, exclusively, just, merely, solely.. mga salitang pwede kong gamitin) pero mas pinadali ko na lang para maintindihan mo!!.. Red LANG…. may narinig ka bang ibang options??


Scene 4

Umagang-umaga at kakabukas lang ng tindahan


Mayaman:
Miss meron ba kayong tissue?

Tindera: yung ganito po?? (pinakita ang pocket tissue)

Mayaman: Oo! Yan nga.. Magkano?

Tindera: 5 pesos

Mayaman: Eto Miss (inabot ang bayad na 500 pesos)

Tindera: (shock) Ay miss wala ba kayong barya? Kabubukas lang kasi namin.

Mayaman: Wala eh. Cge samahan mo na lang nito (sabay turo sa kendi)

Tindera: ahh.. ilan po?? (expecting na worth 400 ang bibilhin ng babae)

Mayaman: 2 pesos lang

Tindera: yun lang po?? (still waiting na sabihing 400 pesos)

Mayaman: Oo yan lang!

Tindera: (natataranta dahil hindi alam kung saan kukuha ng 493.00 na pansukli.)

**Miss, ok lang ba kung tig piso ang isukli ko?? Leche!.. Sana sinabi mo na lang na magpapabarya ka!!.. itchetera ito!!.. Hindi mo ba alam ang linyang “Barya lang po sa umaga!”.. Oo nga pla… hindi mo alam yun dahil hindi ka nasakay ng jeep!!...

Scene 5

Bata: ate pabili ng chicheryang tig piso.

Mas Bata: ako din ate.

Tindera: ilan?

Bata: 5 po. (sabay abot ng 5 piso)

Tindera: (binigay ang limang chicherya)

Mas Bata: ako din ate 5 po. sabay abot ng bayad.

Tindera: eh piso lang pera mo e. (sabay pinakita ang 4 na 25 cents)

Mas Bata: ay cge apat na lang ate.

Tindera: piso nga lang etong pera mo kaya isa lang dapat.

Mas Bata: apat yan e ohh.. dapat apat din!

**ok! Wag nyo ng alamin kung anu ang sunod na nangyari. Baka makasuhan pa ako ng child abuse. Paalala: Buong piso po ang ibigay niyo sa mga bata. Dahil piso lang ang alam nilang pera. At si Rizal lang ang kilala nilang bayani. Salamat.

For now, eto na lang muna. Medyo puputulin ko ang entry ko dahil masyado ng mahaba at tinatamad na rin kayong magbasa.

Pero atleast kahit papaano may idea na kayo kung anong kalbaryo ang kinakaharap namin araw-araw sa tindahan. Kaya sana wag kayong magagalit sa mga katulad kong walang hinangad kundi kumita at isatisfy kayong mga customers.

Friday, July 11, 2008

Goodbye for now…

Almost 2 days akong naging busy at hindi magawang magbukas ng computer to check for emails & updates. Lately kasi, busy kaming nakikikipaglamay sa relative ng sister-in-law ko. At dahil pinsan niya yung namatay, mas importante ang presensya niya sa burol kaya nauuwing babysitter ako [w/c is mas gusto ko kaysa tumambay sa burol at pumapak ng kornik..]

Actually, hindi ko ka-close yung namatay. I know her sa name at face pero aside dun, wala na. Nandun ako para makiramay sa mother nya [na naging teacher ko nung kinder] at para sa ibang relatives nya na relatives ko na rin ngayon.

At kahapon nga, tuluyan ng dinala sa huling hantungan ang kanyang mga labi. Solemn naman yung misa pero syempre andyan prin yung may maririnig kang mga hikbi, makikitang mga tumutulong luha at mapapansin mo na ikaw na lang pala ang hindi nkasuot ng shades. Pero unti-unti ring nabasag ang katahimikan nung nagsimula ng umiyak yung kambal (anak ng namatay). Lumayo ako kasi nagsisimula ng magkagulo. Habang busyng busy sila nagiiyakan, andun naman ako sa kabilang area na busy ding nanonood sknla not knowing…naiiyak na rin pla ako. Gosh! Affected din pla ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung sadyang mababaw lang talaga luha ko o dahil sobrang naaawa ako sa kambal na naulila. Masyado pa silang bata para masaksihan yung pagkamatay ng nanay nila. For some siguro, traumatic yung ganung experience. Although kahit andyan naman yung tatay nila to take care of them, iba pa rin talaga pag alagang nanay.

Feeling ko nga naghahallucinate ako. Dami kong naririnig na boses na nagsasabing “ang bata naman nyang namatay”, “paano na mga anak nya?? sino na mag-aalaga??”, “kawawa naman yung kambal”.. andaming concern citizen, andaming nanghihinayang. Naisip ko tuloy, paano kaya pag ako yung namatay?? Dami rin kayang iiyak?? Dami bang manghihinayang?? Marami bang madedepress?? At may mga magbibitaw kaya ng salitang “I feel so empty w/o her!”.. awtz! Ang dramaness..

*emote muna*

Pag ako namatay, isa lang naman ang gusto ko. Gusto ko puno at nagsisiksikan ang mga tao sa libing ko. Gusto ko makita kung gaano karaming friendships meron ako. Gusto ko makita yung mga taong tinuturing akong isang mahalagang bahagi ng buhay nila. Gusto kong mawitness yung mga Ex kong umiiyak dahil nanghihinayang sila. At higit sa lahat, gusto ko andun lahat ng mga importanteng tao sa buhay Ko. At pag nangyari lahat yun, cgurado… babangon ako. bwahahaha.. Aba! Aba!! May grand reunion yata at hindi pwedeng mamis ko yun!!..

Oh well, yun naman ang masayang part pag namamatay – nagkakaroon ng Reunion. Napagsasama mo ang mga taong imposibleng magsama. Umuuwi ang mga taga tate, lumuluwas ang mga taga probinsya, nagbebesohan ang mag balae, nagkakakilala ang mga kabit [kung meron man]. Reunion galore talaga. Ang malungkot lang, wala ka! [I mean yung patay.] “Sarili mong party, wala ka!" Sad noh.. pero meron ka rin namang reunion na pupuntahan and that is... Reunion with the Lord. Mas bongga yun!!...

Oh xa!.. haba na pala nito. Have to go.

Nakikita ko na ang liwanag… ang liwanag patungo sa kabilang buhay...

Pero bakit mainit?? Impyerno ba ‘to??



Tooot.. tooott.. *may nagtext*

Ay Shet!! Taas na pla ng araw. Hirap talaga pag napupuyat. Sinisikatan na ng araw. Sun bathing while sleeping ang drama..

Buti na lang may nagtext.

Salamat sau 2977 [constant textmates kami lately…]

Sunday, July 06, 2008

Stop! Dreaming is over... almost (PDA season 2)

Super disappointed ako sa PDA. Ewan ko ba bakit parang unti-unti na akong nawawalan ng ganang subaybayan ang kwento sa likod ng mga pangarap. Hindi na ito kasing exciting tulad ng naunang season. Hindi naman sa ngkukumpara ako, pero hindi ba ang dapat ay mas talbugan mo ang nauna mong ginawa para hindi mabored ang mga manonood ng palabas mo? Hindi ba dapat ay paganda ng paganda at hindi papangit ng papangit... *sigh*

On the first Gala Night, I was expecting na bongga ang show. Pero sobrang nakakadisappoint yung itsura ng stage!.. OMG! Parang nasa isang bodega lang na inayusan ng konti at nilagyan ng malaking TV na nahahati sa gitna para lang masabing hi-tech ang concert hall. Gosh talaga!.. naghihirap na ba ang network at hindi na nila kayang maglabas ng money para ayusan ang stage? Napaka dull, lifeless, dead [at lahat na ng synonyms na pwede mong ikabit dyan] ang itsura ng stage. Kitang kita mo ang mga cameraman na nagtatakbuhan. Kitang kita mo ang mga exit doors [at kahit ikaw na nasa bahay at nanonood lang ay alam mo kung nasaan ang fire exit]. Kitang kita mo ang mga taong humihikab. At higit sa lahat, kitang kita mo ang lahat ng kapalpakan nila sa stage. No wonder bakit parang mga patay din ang kumakanta, dahil wala namang kabuhay-buhay yung lugar ng pagtatanghalan nila. *sigh ulit*

At isa pang dagdag sa pagiging dull ng PDA. Walang Live band!.. [ok! Wag nyo akong sisihin kung nasanay ako sa American Idol na may live band] pero hindi bamas maganda at mas lively ang palabas kung may live band? Buti pa ang singing bee nakakatuwang panoorin kasi live na live ang band kaya nga lively ang show. Cge! Forgiven na kung wala talagang budget, pero sana kahit minus one na lang ang tumutugtog, pwede bang gandahan na lang yung sound system?.. yung tipong malakas at pang concert yung dating. Feeling ko kasi pang ipod lang yung tugtog nila. Gosh naman talaga! *sigh sigh sigh*

Is it me or its jz me??... hindi ko talaga ma-gets kung bakit puros hubaran ang consequence ng mga natatalong group sa bawat activity nila. Ok! Andun na ako. Matanda na sila para sa mga ganung bagay. Kaya lang may gosh! Yun na lang ba lagi kong aabangan na gawin nila? Buti ba naman sana kung katawan ni Sen at Van yung pinapakita.. kso hindi eh. Hindi ako natutuwa sa mga nakikita ko!.. *naubusan nko ng hangin pang sigh*

And lastly, laking disappointment ko kay Jet. I’ve seen Jet with his band sa Myx [as featured band ata yun], and he was really good!.. Lumabas yung boses nya. He rocks so well!!.. pero bakit hindi ganon yung pinapakita nya sa mga performances nya sa PDA?? Feeling ko tuloy ginagamit nya lang ang PDA para maexpose sya sa tao. Yun lang. He wasn’t giving his best performance. Puroz mediocre lang pinapakita nya. Sayang bet ko pa nmn siya! Hmmp. Ayaw ko na sau!..

Oh well, obviously nman na frustrated commentator ako noh or in short “laittera” lang talaga. Lahat na lang pinuna ko. Ahaha. Kasi nga ang galing kong kumanta at dahil walang nag cocomment sa akin, eh gagawa na lang ako ng comment sa performances ng iba. Hahaha..