Monday, June 23, 2008

Tagged: 10 facts about ME..

Owkie.. dahil 1st time kong ma-tagged, try ko nga kahit medyo tinatamad ako mag-isip at magtype. Hehehe. Sadyang ginawa ata ‘to pra sa mga tamad ng magBlog. Oh well, gawin ko na rin bago pa ipatanggal ni mama ang DSL nmin. (downgrade lng pla).

Rules:

  • each blogger starts with ten random fact / habits about themselves.
  • blogger that are tagged must write on their own blog / somewhere about their 10 things and post the rules.
  • at the end of your post, you need to tag ten people and list their names.
  • don’t forget to leave them a comment to let them know that they are tagged and to read your blog.

—————————————–

here goes…

ICHI {one} [isa]

Mahalaga skin ang tulog kaya klangan kumpleto dapat paraphernalia ko sa kama to have dat perfect gudnyt slip.. atleast 5 unan at 1 kumot (khit mainit klangan present yan!)

NI {two} [dalawa]

Dahil mahilig ako sa unan, pinangalanan ko ang isa na.. Ben (short for Benjamine)

Pra sa mga ngtatanong, ndi yan pangalan ng Ex ko. Ben kasi so far wla pa akong nkikilalang Ben ang name khit sa mga katropa ko. Kaya para safe yan ang pinili ko.

SAN {three} [tatlo]

Mahilig ako gumala. At patunay dyan ang Mother mole sa talampakan ko!.. Mother kasi meron pa etong 4 na maliliit na anak na nkakalat din sa paa ko. Oh dba.. sa dinami daming parteng tutubuan ng nunal, napili pa nla tumubo at magparami sa paa ko.

SHI {four} [apat]

Unlike kay Manong jep-jep, gustong gusto ko ang mga bata o baby. Kasi sarap ng feeling pag napapaiyak ko sila. Hehehe. Unahan kming mgtemper tantrums!.. ha!.. magaling ako dyan..

GO {five} [lima]

I like changing my hairstyles. Yan ang unang unang napapagtripan ko pag nagsasawa nko sa buhay ko. Wala lang feeling ko bagay skin lahat e. hehe. Kapal noh. Pro ngyon stuck-up ako sa pagiging kulot… phinga ko muna hair ko sa mga chemicals bka kasi tuluyan nkong makalbo after.

ROKU {six} [anim]

Hindi ako marunong magalit!!.. ewan ko ba.. ganyan ata tlga pag charming.@_@ hehehe.. feeling ko kasi lahat nman ng galit, inis, kbadtripan sa buhay ay lumilipas din. So, anu pa sense magalit dba??.. iniiyak ko nlng ang mga ganyang bagay. After nun, OK na ako! Abnormal na ulit..

SHICHI {seven} [pito]

Frustration ko ang mag bake. Naiinggit ako pag nakakapanood ako ng mga ngbabake ng cookies at cake sa tv. Wala kasi kaming oven kaya ignorante ako pag nakakakita ako ng ganyan sa store at sa bahay ng mga friendships ko.

HACHI {eight} [walo]

Speaking of TV, sobrang hook na hook ako sa tv na tipong lahat ng napapanood ko ay ginagaya ko… hehehe.. feeling ko ngyayari lahat sa totoong buhay. Kaya nga Single pdin ako hanggang ngyon, kasi feeling ko may “prince charming” na dadating sa buhay ko one of diz dayz. Haayzz..

KYU {nine} [siyam]

Super galing kong kumanta. Bwahahaha.. lakas tlga!!

Pro seriously, dream kong kumanta sa mga resto na nkaupo sa bar chair or any chair na ginagamit ng mga acoustic singer habang pinapanood ako ng mga tao na pumapadyak padyak at tinatapik tapik ang mic… kahit minsan lng gusto ko tlga maexperience yun.

JU {ten} [sampu]

Lastly, ndi nyo ako masisisi kung bkit ganito ako. Kasalanan yan ng mga magulang ko na naniniwala sa mga pamahiin at kasabihan ng mga matatanda .

Una: Ibaon ang placenta o inunan ng bata kasama ng dictionary o encyclopedia PARA tumalino ang inyong anak.

Ang problema, walang dictionary at encyclopedia kami noon kaya kysa walang malagay, ang ginawa nlang ni dadi ay ibaon ito kasama ng Komiks!.. (kaya nman ang talitalino ko!!.. hehehe)

Pangalawa: Ipakain mo ang vagina ng baboy PARA mabilis makapagsalita ang anak mo.

Kaya heto ako ngayon, parang pekerz ng baboy ang bibig na buka ng buka!.. leche!!...


Ayan. Natapos ko din. Whew! Hirap din pala mag-isip ng facts bout yourself. It only means, ndi ko pa ata ganon kakilala sarili ko.. hehehe.. Anyway, tnx +Manong Jep-Jep+ sa pagta-tag ha.. natuwa naman ako sa kinalabasan..^_^

Ndi na ako mangta-tag kc feeling ko lahat ng friends ko na-tag na. Pero kung di pa kau nakakagawa, try nyo din. Masaya naman e..


Note: last day na pla ng DSL namin.. haaayzz.. balik vibe na ulit kami. Sayang! Tagal na naman mgDL nito.

Wednesday, June 18, 2008

concert + ice cold water + chocolates = Tonsillitis

I’ve been feeling sick lately. 2 days na akong may sore throat, and this morning I woke up feeling slightly feverish. I stood up and checked if there’s any swelling mass behind my throat. Confirmed! I have tonsillitis. Woohoo.. another tonsillitis for this year. Magaling! Yan tlga nagagawa pag laging nag kuconcert sa banyo, sabay inuman ng ice cold water at papak ng chocolates. (hmm.. I dunno if that’s the real cause)

Medyo kabado ako kasi 3rd time ko ng magka tonsillitis for this year. Im sure pag nalaman ito ng family doctor namin, he’ll suggest tonsillectomy pag hindi nadaan sa antibiotics. Although ok na rin yun kung iisipin, ‘coz after the surgery I don’t have to deal with tonsillitis anymore. Pwede na akong magconcert ng magconcert sa banyo at lumaklak ng lumaklak ng malamig na tubig at pumapak ng pumapak ng chocolates na walang iindahing sakit pagkatapos (again, hindi ko alam kung yun nga ang totoong cause). But the prob. is, I just don’t like the thought that I have to undergo sugery (kasi magastos) and my tonsils will be removed (it means, wala ng sasalo sa mga bacteria/viruses na papasok sa throat ko)

Kaya naman try ko muna mga home remedies bago ako magpacheck-up at uminom ng antibiotic. Gargle ng warm water with salt, laklak ng calamansi juice at papak ng vit. C para hindi na lumala pa ang sakit. Buti na lang din, andito si Mama to tell me what to do. Minsan kasi, ang mga nurses, hindi na alam ang gagawin kapag sila na ang may sakit. Parang lahat ng napag-aralan sa school at mga interventions na ginawa sa patients ay kusang lumilipad at nawawala sa utak mo. Ang tanging gusto mo lang ay humilata, magpahinga at hayaang alagaan ka ng mga mahal mo. Pero syempre, hindi naman ako ganun kabaldado para hindi makayang tumayo at asikasuhin ang sarili.

Oh well, sana lang gumaling na ako at ng makapagconcert na ulit ako sa banyo at makalaklak na rin ng malamig na tubig at makapapak na ng chocolates. Hay buhay!..


What’s the worst feeling of a nurse?

It is when your so sick and all you ever want is to be taken cared of, but then you’ll just hear them say…

"Dba NURSE ka? Alam mo na gagawin mo.”

Sunday, June 15, 2008

Continue Dreaming... (Pinoy Dream Academy 2)

Pinoy Dream Academy is back in action!!

And I love the fact that Bugoy (the farmer’s son) and Liezel (from Puerto Galera) were included in the list of scholars of PDA. I really like their voice, though Direk Joey annotated that they will have a hard time selling them to the public since their not really that charming and good-looking, unlike the others. But if Filipinos would just base it from their talents rather than their looks, I have a strong belief that they will own a slot in the finals of PDA.

I hope that Bugoy have other songs to offer aside from his famous “Angels Brought Me Here” rendition, and hopefully will showcase his talent by singing different songs from different genre. I think he has a powerful voice that will attract and mesmerize the audience. And who knows, he might just bring home the title “PDA champion!”

Speaking of ‘hopes’.. I also do hope that Lambert (the Engineer) or Jet (the VJ) would get the 16th place [the last slot] and a chance to enter the academy. I think, its interesting to hear some rock music rather than hearing all the divas making/trying/reaching the high notes. But it would be nicer if they don’t copycat David Cook’s style. What may work for Cook, may not work for them.

This season is surely something to look forward too plus the fact that Billy, one of my favorite performers, will host the show. I’m sooo excited! And I just can’t hide it.

Lets support Filipino Talents!..

Tuesday, June 10, 2008

a HAPPY day for me!

Since I’m a happy person, madali lang for me to make my days as happy as possible. Pero yesterday, ibang happiness ung naramdaman ko. Medyo mababaw ito kung iisipin (kaya nga piMples eh) pero para sakin malaking bagay na yun.


Yesterday, after almost a month na wala kaming channel 2 “The Kapamilya Channel” dahil sinalanta ng bagyo ang aming antenna, finally! naayos nrin ito kahapon. Blessing in disguise pa nga yun, kasi my “super beloved” brother fixed it para mapanood nya ang NBA. Syempre, I took the opportunity na rin na paayos lahat ng channels especially ang ch.2. Now I can watch PDA, which is nagstart narin kagabi. Mas fanatic ako ng PDA kaysa sa Pinoy Idol. Impress kasi ako sa kanila dahil marunong silang magcompose at gusto ko din yung way ng pagrerevive nila ng mga songs. For me, mas talented sila.. (bawal magreact! Blog ko ‘to) hehehe… May bet na nga ako eh.. I think his name is Jay “the Farmer’s Son”. Although hindi sya ganon kagwapo like any other contestants pero the voice quality, its amazingly superb!!.. Isa sya sa mga aabangan ko sa PDA. Sana talaga makapasok sya.. can't wait!! ^__^


Kahapon din, I got to watch Kung Fu Panda in the Bigscreen. Medyo matagal-tagal narin akong hindi nakakapanood sa sinehan kya medyo excited ako. Akala ko din kasi bago ang mga sinehan sa town center, pero mukhang yung lounge area lang pla nagbago. Hehehe. [it looks nice naman with its color purple upholstered seats] Oh well, I really enjoyed the movie. Laugh trip talaga kami ng friend ko. It has a very interesting story plus dami pang quotable quotes. Enjoy talaga. Sayang nga lang, hindi namin natapos ung credits. Meron pa daw kasing kasunod yun after sbi ng friend ko. Hanggang ngayon tuloy nacucurious ako kung anong meron dun. [if magwawatch kau, pwede bang tapusin niyo ung credits. Tapos kwento niyo skin kung anu nangyari after.. tnx!]


Well, its another day for me. Sana lang magtuloy-tuloy ang happy days ko. Happy days=Happy ME!!..


"Yesterday is history. Tomorrow is a mystery. But today is a gift, and that is why it's called the present." –Oogway [Kung Fu Panda]




Tuesday, June 03, 2008

Makinig ka!

Hindi na naman natuloy ang plano kong mgapply. kamuzta naman un? kelan pa ako makakapagwork kung hanggang ngayon ndi ko magawang mgapply!..

Pag gising plang kasi tinatamad na ako. tpos sabay hiniritan pko ni mama na "wla akong mabibigay na pamasahe sau." haller??! saan ako pupulutin nun? Oh well, balik tulog nlang ako.

Kung iisipin, ang daming opportunities na ang dumaan skin. nandyan ung tanggap nkong volunteer sa health office pro may intrimididang babaeng nagsabing, "wag dun! puro paper works lng gagawin mo dun." Syempre, dahil masunurin ako, ayun! hindi ako sumipot at kinalimutan na lang ang salitang volunteer.

Nag try din akong mag apply as Medical Transcriptionist while waiting sa result ng board. pasado na me sa written exam at pinapabalik nko for hands-on ng may ngsabing friend ko na "ang layo nman nyan. antayin mo nlng result tska ka mag-apply." Dahil nga masunurin ako, ayun! hindi ako nagtake ng hands-on exam.

After passing d board, inofferan ako ng friend ko ng work as company nurse. apply na sana ako ng sabihin sa akin ni mama na "Wag na! sa mga hosp. ka nlng mag apply" Teka, nasabi ko na bang masunurin ako?.. Kaya naman, ayun! ndi ako nagapply. galing talaga! (palakpakan nman dyan!)

At ngayon nga, eto ako, tambay!..

Try kong magapply kaya lang panu ko gagawin un kung maraming sagabal sa plano ko! [walang pamasahe, walang hiring, walang kasama (ndi nmn tlga issue) at walang gana]

Anong petsa na! pwede ba diz time, ako lang ang magdedesisyon?? pwede bang hayaan nio nlang ako?! ang tanda't laki ko na (obvious ba??) pero hanggang ngayon sa inyo pa rin ako nakikinig!..

Oo! uto-uto tlga ako. lahat ng sabihin nyo, sinusunod ko! lahat ng pagawa nio, ginagawa ko! hindi dahil sa Tanga ako! malaki lang tlga TIWALA kong mas alam nyo ang tama at dapat para skin.

'Wag kang mag-alala, makikinig pa din ako sa inyo. pero ndi na nga lang ako magpapauto!.. (behlat =p)