Friday, August 29, 2008

Buhay netshop

For almost a month na wala kaming telepono at internet, sobrang hirap talaga mag-update. Gustuhin ko man na everyday akong magcheck ng emails, multiply, friendster, at blog hindi ko magawa dahil wala akong time pumunta sa netshop at wala din akong money pambayad ng rent. Nakakamiss na ngang magdownload ng songs at manood sa youtube ng mga walang kakwenta kwentang bagay. Lagi na rin akong huli sa balita sa mga nangyayari sa YM.

Pasalamat pa rin ako dahil maraming netshop dito sa amin. Hindi mo na kailangan dumayo pa sa ibang baryo para lang makapaginternet. Sa dami nila, pwede kang mamili kung saan mo gusto. Kung in the mood kang magpacute at kumirengkeng, merong netshop na pagpasok mo plang tatambad na agad sau ang mga lalakeng busyng busy maglaro ng DOTA. Kung ayaw mo naman ng crowded, pwede ka naman sa ibang netshop na 5-6 customers lang ang pwedeng umupo at gumamit ng computer pero huwag kang magexpect na makakapagconcentrate ka dahil mostly ng customers doon ay mga batang naglalaro ng mga online games. Tipong magsisigawan pa yan ng “Tanga, patayin mo na!” meron pang “P*****I**, ang bobo mo!”.. oh dba, Out of place ka sa kanila. Pero dito sa computer shop na pinagsstayhan ko, desente at class ang mga tao. Although meron pa ring maiingay na mga highschool girls na nagkakagulong makita ang picture ng crush nila sa friendster, eh aside doon busy na lahat sa chat at research na ginagawa nila. Very cozy yung place. Ramdam mong gumagana ang aircon at halatang alaga ang mga gamit. Ganda pa ng soundtrip. Pero sa lahat, ang pinakagusto ko dito ay yung feeling ko paglabas ng shop. Sa sobrang bango kasi ng place, kumakapit ang amoy nito sa damit mo na feeling mo lagi kang sumasakay ng kotse. Kaya naman paguwi ko sa bahay, feel na feel ko na merong rich guy na nakakotseng naghahatid sa akin. ahaha. Umiral na naman pagiging ambisyosa ko.^___^

Sanay naman akong magnetshop. Hindi naman ako maarte tulad ng iba. Medyo late na rin kasi kami nagkaroon ng computer sa bahay. I think, 3rd yr. college ako noon ng nakabili kami ng computer. Kaya walang problema sa akin kung balik netshop ulit ako, tutal suki narin naman ako dito. Ang kinakabahala ko lang ngayon ay ang usong usong paghahack ng accounts. Ewan ko ba naman kung bakit nauso yan. Ibang level na nga talaga ang utak ng mga tao.

Mahalaga sa akin ang bawat accounts na ginagawa ko. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi nagtatago/nagtatabi ng back-up copies. Lahat ng pictures, data, at important files ko, lahat yan ay nasa multiply, friendster at emails ko. (hmm.. tama bang ipagsabi ko pa un dito??) kaya naman kawawa talaga ako pag isa sa mga accounts ko ang nahack!.. Nakakaparanoid tuloy tuwing uuwi sa bahay. Iniisip ko ng paulit-ulit kung nakapaglog-out ba ako o hindi.. [sa bahay kasi, hindi ako sanay maglog-out. Kinoclose ko lang yung window para next time na mag-open ako, automatic nakalog-on na ako. Ugaling tamad.]

Hindi ko alam kung paano maiiwasan ang mga siraulo at walang magawa sa buhay na mga hackers. Marami na rin akong kilala na nahack ang mga accounts kahit maingat nilang nilolog-out ang mga accounts nila. Meron pa nga na kahit sa bahay na lang sya nag iinternet, nagagawa pa ring ihack ang account niya. Gosh! Hindi ko na kayang gumawa ng bagong account pagnagkataon. At wala na ring saysay yun kung gagawa pa ako ng bago.

Aside sa hackers, hirap din ako gumalaw ng maayos dito sa netshop. Everytime nagoopen ako ng pictures at videos, feeling ko tumitingin at nakikinood din ang mga katabi ko or minsan hindi mo namamalayan, nakatingin din pala sau yung tao sa likod mo. Buti na lang, hindi X-rated ang tinitignan ko. (next time na lang ako titingin nun pag may net na sa bahay! Wahahaha..)

Pagdating sa pagbablog, hirap din gumana utak ko dito sa shop. Kaya naman mostly ng posts ko ginagawa ko sa house at uupload ko nalang dito. Nakakadistract kasi ang sounds nila at aabutin ako ng 4hrs bago makatapos ng 1 entry. Kamusta naman yung babayaran ko?! Kaya pasensya na talaga kung ngayon lang ulit ako nag-uupdate.

Oh well, sa tingin ko malapit na rin ulit kami magkaroon ng internet. Days na lang ang bibilangin bago ikabit ang Plan 990 ng PLDT sa bahay. Soon makakabalik na ulit ako sa dati kong gawain, at yan ang magbabad sa harap ng computer para gumawa ng mga walang kakwenta kwentang bagay.

Mamimiss ko yung amoy kotse!.. Ano kayang air freshner nila?!.. hmm…

Monday, August 25, 2008

Update! Update!

Gosh! matatapos na pala ang buwan pero wala man lang akong entry na napost.. anu ba yan! talagang napabayaan ko na ang blog kong ito ha. di bale guys, malapit na kong makapag update at malapit nrin akong makadalaw ulit sa mga blogs niyo. medyo taghirap lang ang buhay ngayon pero makakaraos din ako. hehehe.

Miss ko na kayo mga kabloggers. Miss ko na mga kwento niyo. Mga jokes niyo na nagpapamukha saking tanga kakatawa sa harap ng pc. Miss ko na rin makipag asaran sa comment. haaayzz.. hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-attached sa blog. Dati lang ayaw ko pang magblog kasi wala naman akong hilig sumulat magshare ng kwento.

Nga pla, dahil wala na ko masyadong update, open ako sa mga tag niyo. hehe.. tag niyo nga ako para naman may malagay ako dito sa blog ko.


salamat sa mga bumibisita at ngiiwan ng mga message (feeling madaming readers e noh...) pero sobrang na aappreciate ko yun. promise! magbabalik na ulit ako! S O O N. . .