Nagtataasang mga gusali. Kagalang-galang na mga tao. Naggagandahang sasakyan. Nagkalat na Mini Stop. Maayos at malinis na paligid. Yan ang
Busy lahat ng tao doon. Bawal ang papetiks petiks. At higit sa lahat, bawal ang mukhang dugyot! Mahihiya ka kasi desente lahat ng tao – may mga naka-americana, naka business attire at mga naka office uniform na halata mong sa malalaking building sila nagtratrabaho. Gosh! Nakakainggit. Yan pa naman ang gusto ko, yung magsuot ng business attire at magmukhang sophisticated. Naks! Kaya lang nursing natapos ko eh kaya mukhang for life akong magsusuot ng white uniform.
Kung maghahanap ka ng trabaho,
Sa daming beses kong naligaw sa
Lesson 1 Magdala ng slippers/flats
Yan ay dahil mahaba habang lakaran ang iyong gagawin. Kung mayaman ka, kahit wag ka na magdala dahil sigurado akong mas gugustuhin mong magtaxi na lang kaysa maglakad.
Lesson 2 Huwag mahiyang magtanong
Uso ata sa
Lesson 3 Maglaan ng oras para sa paghahanap
If you were called for an interview, be sure na may atleast 1 hour kang allotted time para sa iyong paghahanap. Walang masama kung dumating ka ng maaga sa interview mo. Mas ok nga yun e. may time ka pa para magrelax at mag retouch.
Lesson 4 Magdala ng pabango
Yan ang hindi pwedeng mawala sa inyong kikay kit. Magandang pang disguise yan para hindi mahalatang isang oras ka ng naliligaw. Looking, Smelling at Feeling fresh ka dapat pagpasok mo sa pinto.
Lesson 5 Research ahead.
May mga map na sa net na pwedeng magturo sayo kung saan ka pupunta. Maganda kung may idea ka na kung saan ka maghahanap. Alamin mo yung name ng street at village dahil may magkakaparehas na pangalan. Ex:
In fairness, madali lang naman maghanap sa
Lesson 6 Huwag tatanga-tanga!!
Tumawid sa tamang tawiran at huwag magtapon ng basura kung saan saan. Yan ang batas na dapat dala-dala mo kahit saang lupalop ka magpunta kung ayaw mo pulutin ka sa kulungan. Although hindi ko pa talaga naexperience mahuli pero sapat na para sa akin ang naexperience ni Kuya para magtanda ako.
Lesson 7 Magdala ng extra money. (Maraming extra money!)
Sa laki ng pansuhol pambayad ka sa mga pulis.
Iba talaga sa