Friday, August 29, 2008

Buhay netshop

For almost a month na wala kaming telepono at internet, sobrang hirap talaga mag-update. Gustuhin ko man na everyday akong magcheck ng emails, multiply, friendster, at blog hindi ko magawa dahil wala akong time pumunta sa netshop at wala din akong money pambayad ng rent. Nakakamiss na ngang magdownload ng songs at manood sa youtube ng mga walang kakwenta kwentang bagay. Lagi na rin akong huli sa balita sa mga nangyayari sa YM.

Pasalamat pa rin ako dahil maraming netshop dito sa amin. Hindi mo na kailangan dumayo pa sa ibang baryo para lang makapaginternet. Sa dami nila, pwede kang mamili kung saan mo gusto. Kung in the mood kang magpacute at kumirengkeng, merong netshop na pagpasok mo plang tatambad na agad sau ang mga lalakeng busyng busy maglaro ng DOTA. Kung ayaw mo naman ng crowded, pwede ka naman sa ibang netshop na 5-6 customers lang ang pwedeng umupo at gumamit ng computer pero huwag kang magexpect na makakapagconcentrate ka dahil mostly ng customers doon ay mga batang naglalaro ng mga online games. Tipong magsisigawan pa yan ng “Tanga, patayin mo na!” meron pang “P*****I**, ang bobo mo!”.. oh dba, Out of place ka sa kanila. Pero dito sa computer shop na pinagsstayhan ko, desente at class ang mga tao. Although meron pa ring maiingay na mga highschool girls na nagkakagulong makita ang picture ng crush nila sa friendster, eh aside doon busy na lahat sa chat at research na ginagawa nila. Very cozy yung place. Ramdam mong gumagana ang aircon at halatang alaga ang mga gamit. Ganda pa ng soundtrip. Pero sa lahat, ang pinakagusto ko dito ay yung feeling ko paglabas ng shop. Sa sobrang bango kasi ng place, kumakapit ang amoy nito sa damit mo na feeling mo lagi kang sumasakay ng kotse. Kaya naman paguwi ko sa bahay, feel na feel ko na merong rich guy na nakakotseng naghahatid sa akin. ahaha. Umiral na naman pagiging ambisyosa ko.^___^

Sanay naman akong magnetshop. Hindi naman ako maarte tulad ng iba. Medyo late na rin kasi kami nagkaroon ng computer sa bahay. I think, 3rd yr. college ako noon ng nakabili kami ng computer. Kaya walang problema sa akin kung balik netshop ulit ako, tutal suki narin naman ako dito. Ang kinakabahala ko lang ngayon ay ang usong usong paghahack ng accounts. Ewan ko ba naman kung bakit nauso yan. Ibang level na nga talaga ang utak ng mga tao.

Mahalaga sa akin ang bawat accounts na ginagawa ko. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi nagtatago/nagtatabi ng back-up copies. Lahat ng pictures, data, at important files ko, lahat yan ay nasa multiply, friendster at emails ko. (hmm.. tama bang ipagsabi ko pa un dito??) kaya naman kawawa talaga ako pag isa sa mga accounts ko ang nahack!.. Nakakaparanoid tuloy tuwing uuwi sa bahay. Iniisip ko ng paulit-ulit kung nakapaglog-out ba ako o hindi.. [sa bahay kasi, hindi ako sanay maglog-out. Kinoclose ko lang yung window para next time na mag-open ako, automatic nakalog-on na ako. Ugaling tamad.]

Hindi ko alam kung paano maiiwasan ang mga siraulo at walang magawa sa buhay na mga hackers. Marami na rin akong kilala na nahack ang mga accounts kahit maingat nilang nilolog-out ang mga accounts nila. Meron pa nga na kahit sa bahay na lang sya nag iinternet, nagagawa pa ring ihack ang account niya. Gosh! Hindi ko na kayang gumawa ng bagong account pagnagkataon. At wala na ring saysay yun kung gagawa pa ako ng bago.

Aside sa hackers, hirap din ako gumalaw ng maayos dito sa netshop. Everytime nagoopen ako ng pictures at videos, feeling ko tumitingin at nakikinood din ang mga katabi ko or minsan hindi mo namamalayan, nakatingin din pala sau yung tao sa likod mo. Buti na lang, hindi X-rated ang tinitignan ko. (next time na lang ako titingin nun pag may net na sa bahay! Wahahaha..)

Pagdating sa pagbablog, hirap din gumana utak ko dito sa shop. Kaya naman mostly ng posts ko ginagawa ko sa house at uupload ko nalang dito. Nakakadistract kasi ang sounds nila at aabutin ako ng 4hrs bago makatapos ng 1 entry. Kamusta naman yung babayaran ko?! Kaya pasensya na talaga kung ngayon lang ulit ako nag-uupdate.

Oh well, sa tingin ko malapit na rin ulit kami magkaroon ng internet. Days na lang ang bibilangin bago ikabit ang Plan 990 ng PLDT sa bahay. Soon makakabalik na ulit ako sa dati kong gawain, at yan ang magbabad sa harap ng computer para gumawa ng mga walang kakwenta kwentang bagay.

Mamimiss ko yung amoy kotse!.. Ano kayang air freshner nila?!.. hmm…

Monday, August 25, 2008

Update! Update!

Gosh! matatapos na pala ang buwan pero wala man lang akong entry na napost.. anu ba yan! talagang napabayaan ko na ang blog kong ito ha. di bale guys, malapit na kong makapag update at malapit nrin akong makadalaw ulit sa mga blogs niyo. medyo taghirap lang ang buhay ngayon pero makakaraos din ako. hehehe.

Miss ko na kayo mga kabloggers. Miss ko na mga kwento niyo. Mga jokes niyo na nagpapamukha saking tanga kakatawa sa harap ng pc. Miss ko na rin makipag asaran sa comment. haaayzz.. hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-attached sa blog. Dati lang ayaw ko pang magblog kasi wala naman akong hilig sumulat magshare ng kwento.

Nga pla, dahil wala na ko masyadong update, open ako sa mga tag niyo. hehe.. tag niyo nga ako para naman may malagay ako dito sa blog ko.


salamat sa mga bumibisita at ngiiwan ng mga message (feeling madaming readers e noh...) pero sobrang na aappreciate ko yun. promise! magbabalik na ulit ako! S O O N. . .

Tuesday, July 29, 2008

Going straight...


Its not what you think.. its not about some kind of a gender issue dahil wala akong problema tungkol doon kahit sinasabi ng iba na mukhang meron. Hehehe…

Simple lang.. tungkol ito sa aking buhok!..

Kung dati pa kayo nagbabasa ng blog ko, malamang ay alam niyo na mahilig akong mag change ng hairstyle. From straight to wavy to curly at from super long to short at (soon) boy cut na. oh diba. Kailangan talaga iba-iba para hindi nakakasawa. And for almost 3mos. na kulot ang hair ko, heto na naman ako, hindi mapakali at tinopak na namang bumisita sa salon. Ganun talaga, tao ako e.. Taong walang kakuntentuhan sa buhay!

Actually, naisip ko kasi na baka kaya minamalas ako lately e dahil kulot ang hair ko. Eengkk.. anu konek?? Eh kasi sabi nila “kulot salot” daw... oooops narinig ko lang yan ha.. at affected agad ako. Ganun kalakas ang impact nung mga katagang yun sa akin.

Kaya kahit 1k lng money ko, go! go! hanap agad ako ng salon na may promise na “hindi ko susunugin ang hair mo!”

Syempre, first stop sa Mall. Why not?! Maraming salon doon at dekalidad pa!.. Kaya go! pasok dito, pasok doon. Why not ulit?? Eye cathching naman talaga yung mga posters nila sa labas. Maeengganyo ka sa mura ng services nila.

Hair Straight 400 up

Hair Relax 600 up

Hair Rebound 1000 up

-syempre yan lang ang tinitignan ko dahil yan lang ang papagawa ko.

Pasok dito. Pasok doon. At kasabay nun, labas dito. Labas doon. Gosh! Nagugulat talaga ako sa mga presyo nila! Imagine, from 600 (konting compute) ay nagiging 2,700 na ang relax para sa buhok kong kulot na shoulder length lang ang haba. Whaaat??!!.. Ok, its my fault. Hindi ko nakita na may Up palang nakalagay doon. Pero kahit na!.. anung formula ba ang ginagamit nila para umabot sa ganun yung presyo ng buhok ko??.. Hindi kaya sinama na nila pati electric bill at space rental nila sa computation??.. OMG talaga!!...

Due to sudden increase sa prices ng mga pinasukan kong salon sa Mall, its time for me na lumabas at humanap na lang ng mga mumurahing salon sa tabi-tabi. At heto nga ang *toooott…* [di ko na lang sasabihin ang pangalan ng salon, baka makasuhan pko!] Very promising talaga ang mga prices. Mura kung mura! Why not??.. Pasok ulit ako. Wait lang ng konti na may lumapit at magentertain sakin. Wait pa rin ng konti. At wait lang talaga ng wait ang lola niyo!.. Until finally may lumapit na bading and ask me kung ano daw papagawa ko. I said “magkano ang relax??” 500 lang daw with matching taas kilay sabay alis. Aba! Imbyerna kang baklita ka ha.. Wait ulit ang lola niyo na may lumapit. At wait kung wait talaga!!... buti na lang at may pumansin sakin na kauri ko, charming din.=) Syempre, ask niya kung anu daw papagawa ko. Sabi ko ulit relax and at the same time sinabi ko na rin yung mga concerns ko sa hair ko. Until etong si baklita eh humirit ng “Whoaw! Question and answer portion” arggh.. ginagalit nya talaga ako. Buti na lang mabait ako at di ko sinabi na “Sorry ha.. ayaw ko lang kasi matulad ang hair ko sa hair mong parang sunog!..” >;) syempre marunong naman akong lumugar. Buti sana kung wala kami sa loob ng salon, pwede pa! kaya lang baka pag ginawa ko yun ay di na ako makalabas ng buhay doon or pwede ding kalbuhin nila ako after. Kawawa naman ako, wala na yung crowning glory ko.

Susuko na sana me ng maalala ko na may isang salon pa pala akong hindi napupuntahan. So kahit kabilang ibayo pa yun ng pinanggalingan ko, cge lang!.. Go pa rin. Pagpasok ko plang, well entertained na ako. Para akong artista na pinagkakaguluhan. Nahiya nga ako kasi sayang naman if ever yung effort nila kung kulang pa din money ko. Oh well, buti na lang swak na swak na 1k yung relax nila for my hair. Sayang nga eh, kinulang lang ako ng 300 para sa cellophane treatment nila na isasama sana sa package. Ayos naman yung resulta. Hindi naman nasunog ang hair ko kahit na sabi nung bakla na nag ayos sakin ay expected daw nya na masusunog ang hair ko. (tama bang sabihin yun??)

Pero Thank God at hindi nangyari yun dahil nagka issue na pala sila noon tungkol sa sunugan ng buhok. Waaaahh… freaky! Buti na lang, hindi ako masasama sa listahan ng mga biktima nila..

Sa ngayon, mas maayos na akong tignan and my friends says na mas bagay sakin ang straight kaysa sa kulot.Ü

Wednesday, July 23, 2008

Napabayaang Blog

Kawawang blog.. tuluyan na nga bang napabayaan??.. asn na nga ba si PIMPLES??

Kahit gustuhin ko mang sabihin na busy ako sa buhay ko at paniwalain kayo na may bago akong pinagkakaabalahan ngayon, oh well sorry to say!!... pero sadyang wala lang akong chance makapag net lately dahil wala na kaming DSL at wala din akong time na magpunta sa netshop to check every now and then. At dahil nga sa netshop nlang ako umaasa na makapag open ng internet, ndi ko din magawang makapag create ng bagong entry dahil hirap talaga paganahin ang brain cells ko pag nasa ibang lugar. Medyo namamahay din kc utak ko e.. ahahaha... hirap pala ng ganito!!...

Paxenxa na nga pla para doon sa mga taong nag eeffort buksan ang site ko at umaasang may bago silang makikita. Sorry!

At sorry ulit kung akala nyo ay may kwenta itong bago kong entry.. as usual, ala na naman... anu pbang bago dun?? hehehe...

Pero salamat na din at kahit papano may tumitingin prin pla sa site ko. Thanx ng marami..^^,

Oh well, uupdate na lang ako pag may time na me or maybe next month pag meron na ulit kaming net. Baka sakaling magbago pa isip ni Mama na huwag ng ipaputol ang DSL. *crossed-fingers*


Sa ngayon, magpapamiss muna ako. Sana umeffect at may makamiss nman sakin. hehehe..

Monday, July 14, 2008

Hinaing ng isang tindera


Pinalaki’t binuhay kami ng mga magulang ko sa tulong ng aming maliit na tindahan [sari-sari store]. At dahil din sa tindahang iyon nakapagtapos kami ng Kuya ko sa Kolehiyo. Sa ngayon, habang wala pa akong trabaho [at kahit meron na] ito pa rin ang pinagkukunan namin ng budget sa pang-araw araw naming gastusin. Hindi ko maikakaila na malaki ang naitulong ng munti naming tindahan sa buhay namin.

Sa mura kong edad, sinanay na ako maging Tindera. Kahit tatanga-tanga pa akong magkwenta [kahit hanggang ngayon naman e] sabak lang ng sabak. Kaya naman mabilis akong natuto ng addition, subtraction, multiplication and division. Madalas din akong na aawardan ng “Best in Math” nung elementary dahil sa bilis kong magcompute!.. Take Note: During elementary LANG yun.. at hindi na nasundan T_T

Dahil na rin sa tagal ko ng Tindera, marami na rin akong nakainteract na customers. Talaga namang iba’t iba ang ugali – mild to very extreme personality. At madalas-dalas ay kinakabwisitan ko!.. May mga pagkakataong nakakalimutan ko ang motto ng bawat tindahan, ang ever famous at super gasgas ng saying na “The customer is always right.”

Hindi niyo naman ako masisisi. I have my weak points din. Bata, matanda, baliw, adik, mayaman, mahirap.. lahat yan pinapatulan ko. Ako ang reyna ng tindahan!! Bwahaha.. *evil laugh na may ksmang kidlat*

Alam kong hindi niyo ako maiintindihan kaya para magets niyo ang feeling ko magbibigay ako ng ilang scenario..

Scene 1

Bata: Ate, pabili nga ng … (turo sa kendi)

Tindera: Eto ba??

Bata: Ay hindi na lang pla.. eto na lang.. (turo ulit sa ibang kendi)

Tindera: Eto? Ilan?

Bata: Ay.. ayoko pla nyan.. iba na lang.. yun na lang ohh… (turo sa nakasabit na chicherya)

Tindera: (kinuha ang chicheryang chippy at binigay sa bata)

Bata: Magkano po?

Tindera: limang piso.

Bata: Kulang pera ko. Balik na lang ako ate. (sabay alis)

**wag kang magpapakita kung saan ka nauwing bata ka! dahil susunugin ko bahay niyo!!

Scene 2

Nanay: Pabili ako ng Maling (ang usong meatloaf sa pinas)

Tindera: Eto po ‘te

Nanay: magkano?

Tindera: 40 po (malaki kasi)

Nanay: Ang mahal naman. Wala bang mura?

Tindera: Eto argentina meatloaf. 25 lang.

Nanay: Ay ayaw ko nyan. Wala na bang iba?

Tindera: Yan na lang ate.

Nanay: Ay cge wag na lang!

**Leche! Wag kang mapaghanap!.. alam mo namang nagtataasan lahat ng bilihin tapos mag iinarte ka dyan!.. cge magpunta ka sa **** baka may pekeng Maling doon [yung inuuod]. Try mong pakain sa anak mo!..

Scene 3

Adik: Miss pabili ng Marlboro.

Tindera: Marlboro red lang kuya, ok lng ba?

Adik: Wala kayong lights??

Tindera: wala po. Red lang po.

Adik: eh menthol??

Tindera: wala rin po kasi red nga LANG meron.

Adik: ahh.. ganun ba.. cge pabili ng isa.

**mahirap ba talagang intindihin ang “LANG”… (only, alone, exclusively, just, merely, solely.. mga salitang pwede kong gamitin) pero mas pinadali ko na lang para maintindihan mo!!.. Red LANG…. may narinig ka bang ibang options??


Scene 4

Umagang-umaga at kakabukas lang ng tindahan


Mayaman:
Miss meron ba kayong tissue?

Tindera: yung ganito po?? (pinakita ang pocket tissue)

Mayaman: Oo! Yan nga.. Magkano?

Tindera: 5 pesos

Mayaman: Eto Miss (inabot ang bayad na 500 pesos)

Tindera: (shock) Ay miss wala ba kayong barya? Kabubukas lang kasi namin.

Mayaman: Wala eh. Cge samahan mo na lang nito (sabay turo sa kendi)

Tindera: ahh.. ilan po?? (expecting na worth 400 ang bibilhin ng babae)

Mayaman: 2 pesos lang

Tindera: yun lang po?? (still waiting na sabihing 400 pesos)

Mayaman: Oo yan lang!

Tindera: (natataranta dahil hindi alam kung saan kukuha ng 493.00 na pansukli.)

**Miss, ok lang ba kung tig piso ang isukli ko?? Leche!.. Sana sinabi mo na lang na magpapabarya ka!!.. itchetera ito!!.. Hindi mo ba alam ang linyang “Barya lang po sa umaga!”.. Oo nga pla… hindi mo alam yun dahil hindi ka nasakay ng jeep!!...

Scene 5

Bata: ate pabili ng chicheryang tig piso.

Mas Bata: ako din ate.

Tindera: ilan?

Bata: 5 po. (sabay abot ng 5 piso)

Tindera: (binigay ang limang chicherya)

Mas Bata: ako din ate 5 po. sabay abot ng bayad.

Tindera: eh piso lang pera mo e. (sabay pinakita ang 4 na 25 cents)

Mas Bata: ay cge apat na lang ate.

Tindera: piso nga lang etong pera mo kaya isa lang dapat.

Mas Bata: apat yan e ohh.. dapat apat din!

**ok! Wag nyo ng alamin kung anu ang sunod na nangyari. Baka makasuhan pa ako ng child abuse. Paalala: Buong piso po ang ibigay niyo sa mga bata. Dahil piso lang ang alam nilang pera. At si Rizal lang ang kilala nilang bayani. Salamat.

For now, eto na lang muna. Medyo puputulin ko ang entry ko dahil masyado ng mahaba at tinatamad na rin kayong magbasa.

Pero atleast kahit papaano may idea na kayo kung anong kalbaryo ang kinakaharap namin araw-araw sa tindahan. Kaya sana wag kayong magagalit sa mga katulad kong walang hinangad kundi kumita at isatisfy kayong mga customers.